Chapter 24: Chinese Valentines Day

411 18 0
                                    

Media on top: Cheska, reading novels.

Cheska:

Nakaupo ako ngayon sa sofa. Nagbabasa ng novels. Si JJ at si Kuya, nanunuod ng basketball na chinese ang subtitle.

Kamusta ang pasyente? Ayan, magaling na magaling na ang impakto. Abot tenga na nga ang ngiti eh. Titingin sakin tapos mangingindat. Mukhang abnormal.

Si Zima nga nakalaro na nyan kanina eh. Rubiks cube lang naman ang nilaro nila ni JJ. Close sila agad. Eh ano ngayon?!

"Password.. Ugh. Wait? It's you Chessy.. what? Is he stalking you?"

Lumingon ako sa kinaroroonan ni Zima. Nasa likod siya ng sofa. May kinukutiltil na cellphone.

"Zima! I told you not to touch this-- This phone looks familiar."

"Yeah. You're his wallpaper."

Tiningnan ko yung wallpaper ng cellphone na hawak ni Zima. Yung phone nung trespasser kahapon.

Picture ko na bagong gising..

Sa Misibis..

Tumingin ako sa direksyon ni JJ pero busy siya sa panunuod.

I tried to open the phone by dragging the 'J' pattern.

Wrong pattern.

I tried to drag the 'D' pattern that stands for De Vera pero mali parin.

I tried the 'E' pattern that stands for Elyza. Heh. Baka lang. Concerned siya sa kapatid niya kaya mahal na mahal niya siguro.

Pero narealize kong hindi ko naman pala magagawan ng pattern ang letter E. Natigil ang pag-drag ko nung napaisip ako. Pero biglang naconfirm yung password nung nag form ng letter 'C' ang pattern.

C? Carrot? Camote? Chocolate? Chupilo? Cavite? California?

Cheska?!

"His password is letter 'C'?"

Agad kong tinakpan ang bibig ni Zima dahil medyo malakas ang pagkakatanong niya. But it's too late. Lumingon na si JJ.

"Teka, cellphone ko yan diba?" Kinuha niya sa akin at hinalikan ang phone niya. "Yes! Thank you, thank you dahil buhay ka pa! Yes! Nandito pa yung mga pictures."

Tuwang tuwa si JJ habang kinakalikot ang phone niya.

"Ikaw yung trespasser sa bahay kahapon?!"

Napalunok siya ng laway. "Gwapong to?! Trespasser? Babe naman." Ngumuso pa ang abno. "Hinahanap kasi kita kaya umakyat ako sa terrace niyo. Hindi kasi ako maintindihan ng katulong niyo kaya umakyat na lang ako."

"Ano?! Eh ba't di kita nakita?"

"Tumakbo ako palabas. Nakitawag sa isang convenient store tsaka napalayas. So I stayed at the waitingshed."

Napatigil kaming lahat ng biglang tumawa ng malakas si Zima.

"HAHAHAHA! YOU'RE THE LUNATIC!"

Biglang nagbago ang itsura ni JJ at napangiwi.

Natawa na rin ako. Pero...

"OMG! May naiwan ka bang iba pang gadget sa backpack mo?"

Tanong ko kay JJ.

"Yung Ipad. Sayang nga eh. Inaantay ko pa naman yung message ni mama sa email ko."

"Yung email mo ba konektado sa phone number mo?"
Paninigurado ko.

"Ah. Oo. I know your Dad will be tracking me. It's time para makilala niya ang mapapangasawa mo! I'll do the dowry!-- Aray naman Cheska--"

Expect The Unexpected(Season 1) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon