Chapter 3 - KAIBIGAN

23 1 0
                                    

A slight FLASHBACK...

Kinabukasan, pagkatapos naming lumipat sa ancestral house nila Mommy ay isinama niya ako sa bayan para hanapin ang bahay ng sinasabi ni Mang Ambo na kakilala niyang marunong mag-drive.

Kailangan kasi ni Mommy ng isang driver para hindi na siya mahirapan sa pagmamaneho sa buong araw kung saan man siya dalhin ng trabaho niya doon sa Manila.

Hindi na masyado nahirapan si Mommy na hanapin ang lugar dahil alam niya ang pasikot-sikot sa bayan. Dito kasi siya lumaki at nagdalaga kaya medyo kabisado na niya ang lugar. Lumipat lang siya sa Manila pagkatapos nilang ikasal ni Daddy, dahil doon nakasentro ang mga negosyo ng pamilya nila Daddy. Kaya nagpasya silang mag-asawa na doon na tumira. At doon na nga din ako nabuo.

Nginingitian ako ni Mommy kapag napapansin niyang nababagot na ako sa kakaupo sa passenger's seat. Wala naman ako magagawa kung magreklamo ako. Dahil bata pa nga ei sunod lang ng sunod sa magulang.

Inaaliw ko na lamang ang sarili ko sa kakatingin ng mga magagandang view na madadaanan namin. Sayang at hindi ko dala ang camera ko na niregalo nila sakin noong birthday ko.

Kung dala ko lang sana iyon ei sobrang dami ko nang shots ng magagandang tanawin. Lalo na sana yung nakita ko sa plasa kanina na isang matandang babaeng pulubi na sinusubuan ng isang bata ng ice cream. Sayang talaga.

Bata pa lang ako noon pero mahilig na ako sa pagkukuha ng mga litrato. Sabi ni Mommy namana ko daw iyon sa aking Lolo na tatay ni Daddy.

Ang camerang iyon ay hindi na pinagamit ni Mommy sakin pagkatapos nang isang malagim na pangyayari. Iyon nga ang dahilan kung bakit kami nandito. Kung bakit kailangan niya ng isang driver na dati-rati'y si Daddy ang gumagawa. Kung bakit kailangan naming iwanan ang buhay namin doon sa Manila. At kung bakit na-coma si Daddy.

Pinahinto ni Mommy ang sasakyan sa tapat ng isang bahay at bumaba. Samantalang ako'y nakaupo pa rin sa passenger's seat habang pinapatunog ang rubber duckie na hawak ko. Bigay ito ng batang nakilala ko sa may simbahan kung saan nabaril si Daddy.

"Baba ka muna, Anak."pagkumbinse sakin ni Mommy at sabay kaming pumasok sa bahay kung saan kami huminto.

"Ano po ang gusto niyong makakain, ma'am?" Pag-aalok ng isang lalaki na siguro'y nasa kwarenta anyos na.

Pero bago pa makasagot si Mommy ay sumigaw na ang lalaki at tinawag ang pangalan ng isa pang lalaki.

"Marc....? Marcus....? Pasigaw na tawag nito.

Agad namang sumulpot sa kung saan ang isang madungis na batang lalaki. Siguro magkasing-edad lang kami. Napangiti pa ako nang makitang may nanuyong sipon sa ilong ng bata.hahaha yuck..

"Malaki na ei hindi pa rin marunong magpunas ng sipon hahaha," bulong ko sa sarili ko.

Lumapit ang lalaki sa bata at may binulong na hindi ko narinig.
(kasi nga bulong di ba? Hahaha wag ka nga shungaers author haha)

"Salamat na lang po," biglang sabat ni Mommy. "Hindi naman po kami magtatagal. Gusto ko lang po kayo kausapin tungkol po sa iooffer ko po sanang trabaho." Yun lang ang narinig ko kasi umalis na ako sa tabi ni Mommy at sinundan ang bata na tumakbo palabas.

"Bakit ka sumusunod?" Tanong ng bata ng mapansin niyang nakabuntot ako sa kanya.

"Hu-h wala."pag-aalinlangan kong sagot sa nakapameywang na bata.

"Wala naman pala ei kaya wag mo ko sundan. Sabi ni Tatay ko, don't talk to strangers," pasigaw nitong sabi.

Bah englisero pala tong sipunin na to ei hahaha hoy tanggalin mo muna mga kulangot mo para masaya haha

IndigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon