Chaper 1 - CLICK

38 1 0
                                    

Indigo's POV

CLICK!

"Nice shot, Uzi." May ngiti kong bulong sa sarili ko pagkatapos kong tingnan sa screen ng aking DSLR camera ang kuha ko.

Ito ay kuha ng isang nanay na nagpapa-dede ng kanyang sanggol sa kanyang dibdib habang ang asawa naman nito ay naka-upo sa kanyang tabi, ngumingiting nakamasid sa kanilang anak at pinapaypayan ang kanyang mag-ina. Ang saya nilang pagmasdan. Tila hindi alintana ang hirap ng buhay basta magkakasama lang.

Kahit nasa itsura nila ang paghihirap hindi nawawala sa kanilang mga labi ang ngiti. Ngiting makakapagbigay inspirasyon kahit kanino man. Masasabi kong isa silang halimbawa ng masayang pamilya.

Pamilya.

Ano bang klase ng pamilya meron ako? Well, syempre I am so proud to have my parents who always love and care for me. Si mommy, she is the most beautiful, wonderful, powerful, colorful, graceful, delightful, thoughtful in the whole wide world..haha basta lahat ng words na may "ful" can be use to describe her. Hmmm colorful??? Kayo na lang mag-imagine kung ano itsura ng inyong ina pag colorful siya..haha

Powerful.

Yeah she's a superwoman to us. Lahat kinaya nya. Kinaya nyang palakihin ako mag-isa nang tama. Kinaya nyang maging INA sa akin kahit kaliwat kanan ang mga umaasa sa kanya.

Kinaya nya rin ang maging lider sa aming kompanya na hindi napapabayaan ang kanyang responsibilidad sa akin at kay daddy.

Kinaya nyang maging isang mabuting asawa kay daddy kahit itoy tulog sa napakahabang panahon. Isang insedente in the past ang pilit naming kinakalimutang mag-anak ang dahilang kung bakit nagkaganun ang dad ko.

Oh kalimutan na natin yun..hehe

Basta ako masaya ang simula ng araw ko ngayon.

This is a new chapter of my highschool life. First day of the School Year 2014-2015. My last year in high school.

Monday.

Sa sobrang excitement, ako ang pinakaunang dumating sa section namin. Talagang inagahan ko para makuhanan ang mga sari-saring reaksyon ng mga kaklase ko pag pumasok sila sa classroom.

I really love taking pictures of everybody's facial expressions. Doon ko nakikita ang buhay. doon din kasi nakikita kung anong klaseng tao sila. At doon ko nakikita kung ano ang nasa loob ng kanilang mga puso. By staring at their eyes, i really can imagine that magic does exists.

Yes, magic.

Coz they simply touches my heart once i saw their magical eyes. Kung masaya sila sa shot ko, masaya din ako. Kung malungkot, nakakaramdam din ako ng kalungkutan. Pag nagulat, syempre hindi ako magugulat haha mapapatawa na lang ako sa reaksyon nila. Pero kahit ano pang emotion nila, the best thing was, nakakagawa ako ng obra.

Minsan, masaya nga sila but when i look in their eyes, i saw pain, i saw tears. Minsan malungkot, pero nakikita kong merong kasiyahang nakatago. Kaya I assigned a mission to my self. Ano yun? Hmmmm its a big SECRET. haha

Alam ko sa sarili kong magagawa ko iyon. Ako pa ba? Si Urich Zhymyrrh Indigo Vergara y Lim pa ba?

Nakaya ko ngang magdamit babae noong maliit pa ako. Kakahiya pero totoo yun. Binibihisan ako ng aking mga magulang ng pambabae mula sapatos hanggang kung anu-ano na lang nilalagay nila sa ulo ko. Eto namang si tangang walang muwang sa mundo ei walang magawa kahit sobrang labag sa kalooban ko. Doon sila masaya ei.haist nga naman buti na lang walang naging epekto yun sa pagkatao ko.

Hindi ko maimagine sarili ko ngayon na nakasuot pa rin ng ganun. Haha kakadiri. Nakakaadwang tingnan. Haha (Mr. Author, wag kang magalit huh..wala akong ibang ibig sabihin. Hindi ako nandidiri sa mga katulad mo. Malaki ang respeto ko sa inyo. Tandaan mo yan. Pakiss nga at love love haha...)

IndigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon