Chapter 8 - KAHINAAN

11 2 0
                                    

"Bilisan mo nga diyan", utos ko sa GGSS na kulangot.

" Saglit lang", habang inaayos pa rin ang buhok sa harap ng salamin.

"Masisira din naman yan sa helmet ei", inis na ko. Yan ang lagi naming pinagtatalunan. Dahil sa buhok niya kaya lagi kaming late sa mga lakad namin.

"Malapit na daw sila tapos tayo nandito pa rin."

"Hindi naman tatakbo ang mall ei." Pilisopo niyang sagot.

Sabado ngayon at walang pasok. Wala kaming plano ngayong araw pero nagkaayaan kanina sa GC na gagala kami sa bayan. As usual, kami-kami lang din naman ulit. Maliban sa iba na may mga priorities ngayon araw.

"Pre, daanan muna natin si Ley sa kanto nila huh. Nagtatanong kung pwede makiangkas ei. Hindi naman ako makatanggi," pagpapaalam ko sa kulangot nung nasa garahe na kami.

"Akala ko ba aangkas ka sakin?" Pagrereklamo niya.

"Huwag na! Dadalhin ko na lang motor ko."

Medyo nalungkot ang mukha ng mokong pero di ko na pinansin. Excited na ako ei. Hehe

Sa loob-loob ko kinikilig na ako. Aangkas sakin si Ley. Ibig sabihin, may chance na yayakap siya sakin.

Yeeeeeey...

Simpleng damoves. Hehe

Di ko mapigilan ang mapangiti habang binabagtas ang daan patungo sa forever ko. Kilig ako ei. Bakit ba?

Malayo pa lang tanaw ko na ang nakakasilaw na kagandahan ng babaeng tinitibok ng puso ko. Bagay sa kanya ang suot niya. Bagay din sa kanya ang buhok niya. At lalong bagay sa kanya ang mukha niya pinalamutian ng kaunting kulay.

Napanganga ako pagkatapos kong tanggalin ang helmet ko. Natauhan na lamang ako nang marinig ko ang kanyang boses.

"Hi Uzi. Hi Marc," nginitian ko siya ng sobrang tamis.

"Ganda natin Ley ah," paghanga ni Marc sa kagandahan ng aking minamahal. Totoo namang napakaganda niya.

Namula naman siya at yumuko na parang nahihiya.

Inabot ko sa kanya ang extrang helmet na dala ko at saka siya umangkas. Doon pa lang ramdam ko na ang mabilisang tibok ng aking puso. Pero ayokong masyadong magpahalata.

Nung pinaandar ko na ang aking motor, napatigil ako sa paggalaw nang maramdaman ko ang kamay niya na nasa balikat ko.

Bago ko pa patakbuhin ay kumaripas na si Marc ng takbo na hindi man lang nagpaalam o sumenyas man lang.

"Kulangot talaga," napailing ako pero sobrang saya ko.

Habang nasa daan hindi maiwasang hindi magkadikit ang mga katawan namin. Yung buhok niya nililipad papuntang leeg ko. Yung mga times na mapapayakap siya pag nagpi-preno ako.

Nakakakilabot.

Nakakakilig.

Nakakakuryente.

Ganito pala ang pakiramdam.

Hindi ako mapakali pero nag-drive pa rin ako ng tama. Mahirap na.

"Ayyyiiiieeeee....", tukso ng mga kaibigan ko pagdating namin sa pinag-usapang lugar.

Bigla naman akong namula sa hiya at sa sobrang kilig. Gayon din si Ley na tahimik lang na nakangiti. Kahit araw-araw kaming tinutukso ng mga ito parang di pa rin ako sanay. hehe

" Lady, nasaan si Puring?" Tanong ko nang mapansing kulang sila at para na rin mabaling ang atensyon ng lahat sa iba.

"Nasa CR kasama ang lover boy niya," halatang kinikilig din ang isang ito nang sinambit ang huling kataga.

IndigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon