Chapter 10 - SIMULA

3 1 0
                                    

Uzi's POV

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Para akong sira.

Bat ko ginawa iyon kay Ley?

Bakit ko ginawa iyon sa babaeng pinakamamahal ko?

Wala akong kwenta.

Sinayang ko ang pagkakataon.

Sinayang ko.

Di ko matanggap ang ginawa ko kaya nagkulong ako sa kwarto buong magdamag. Kahit si Marc ay hinayaan akong mag-isa pagkatapos kong ikwento sa kanya ang lahat.

Kahit anong gawin kong pag-aanalyze sa sitwasyon ay isa lamang ang sagot na nakukuha ko.

Tama ang ginawa ko.

Tama lang ang ginawa ko. Kailangan ko yung gawin kasi iyon ang nararapat.

Hindi ako masyado nakatulog gawa ng nangyari nga. Sumasariwa pa sa akin ang napakaamo niyang mukha. Ang napakasaya niyang mga mata nang mga oras na iyon. Ang mapupula niyang labi na naghihintay sakin.

Ngunit....

Binigo ko sila.

Tumihaya ako mula sa pagkakadapa. Kakatapos ko lang umiyak mula sa kabiguan na ako naman ang may gusto. Hanggang di ko na namalayan na nakatulog na ako.

Nagising ako sa tunog ng motor. Motor ni Marc. Malamang uuwi iyon sa kanila. Siguro para makatulog. Mabuti na yun para magkaroon naman ng tao doon.

Tiningnan ko ang alarm clock sa bedside table at 4:33 pa lang pala. Isang oras pa lang pala akong natutulog.

Gusto pang pumikit ng aking mga mata at bumalik sa pagtulog ngunit ang isip at katawan ko ay gusto ng bumangon.

Agad akong dumiretso sa kusina para magluto. Sunny side-up at hotdog ang inuna ko saka ko niluto ang garlic rice na paborito ko.

Mag-iisang oras din ng matapos ko ang lahat kasama na ang pagligo. Kaya nagdesisyon akong umalis na.

Sinilip ko una si Daddy sa kwarto niya. Tulog pa rin siya. Nasa isang kama din ang kanyang nurse na humihilik pa kaya di na ako pumasok.

Ako pa lang ang gising maliban kay Marc na umalis na. Si Mommy ay nasa out of town kasama si Mang Gustin. Si Nanay Ising naman ay tanghali na gumigising pag ganito na wala kaming pasok.

Dumiretso ako sa kwadra ni Rody para isama siya sa aking pagtakbo papunta sa pinakapaborito kong lugar na napakaloob sa hacienda namin.

Lugar na malayo dito sa bahay. Lugar na ako pa lang ang nakakaalam na aksidente kong natuklasan noong naligaw ako noong bata pa ako. Curious kasi ako noong mga unang araw na dinala ako ni Mama dito kaya hinalughog ko ang napakalawak na lupain na pinamana ng lolo ko kay Papa.

Salamat sa isang pato na nagturo kung saan ang daan pauwi.

Malayo-layo na rin ang tinakbo ko kaya puno na ng pawis ang buo kong katawan na dumadaloy papunta sa jogging pants ko.

Eto lamang ang routine ko kapag walang pasok. Kasama si Rody na humahabol sa likuran ko dala-dala ang basket ng pagkain para sa agahan ko.

Si Rody na isa din sa mga saksi ng aking kabataan. Saksi ng mga nilalaman ng aking puso. Isa sa mga saksi na hinding-hindi ako ilalaglag.

Nilingon ko siya at kitang-kita ko yung pananabik sa kanyang mukha. Tila masaya ito habang tumatakbo kasunod sakin. Kabaliktaran sa nararamdaman ko ngayon. Yung bigat ng puso ko ay nararamdaman ko sa tuwing humahakbang ang aking mga paa. Ang bigat na kayang ilaglag ang katawan ko sa lupa.

IndigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon