Sa wakas tapos na rin ang araw. Sobrang daming masasayang nangyari sa araw na ito hehe
Habang nakaharap sa laptop ko ay para akong baliw na tumatawa mag-isa. Nakakatawa kasi ang mga mukha ng mga kaklase ko lalo na yung Marcus' Angels haha
At nahuli ko na naman nga ang sarili kong nakatitig sa simpleng kagandahan ni Ley. Hindi ko talaga maiwasang hindi mapanganga lalo na kung matitigan ko ang kanyang mga mata kahit na sa monitor lang.
"Liligawan kita sa tamang panahon. Ikaw ang magiging ina ng mga anak ko," kinikilig ako sa iniisip kong ito at may kung ano akong naramdaman sa puso ko. Yung hindi mo ma-explain bah..eto ba ang tinatawag nilang PAG-IBIG? haist sarap..ang saya sa pakiramdam.
Nagbrowse pa ko hanggang makarating ako sa bago naming kaklase.
Nagulat ako sa aking nakita.
Walang buhay.
Walang kulay.
Walang ibang emosyon ang makikita sa kanyang mukha kundi...galit!
Im not sure saking nararamdaman pero iyon at iyon lang ang nakikita ko nang titigan ko siya.
Galit.
Kanino kaya siya galit?
Napasalubong ang aking mga kilay habang tinititigan pa rin ang walang buhay na mukha ni....
..Gab.
Three letters lang ang pangalan niya pero di ko pa nasaulo kasi nga di ko narinig. Kaya
kinailangan ko pang itanong kanina kung anong pangalan niya."Oh bat mo tinititigan yan?" Gulat na gulat ako ng may magsalita sa likod ko.
"Tengene ka bro. Papatayin mo ba ako?" Tanong kong pasigaw sabay batok sa napakatigas na ulo ni Marc.
"Relax..haha masyado kang seryoso dyan ei." Pilyo nyang sagot.
"Sa susunod kasi huwag kang manggulat huh." Sabay tayo at kumuha ng unan sa kama ko at pinalo sa kanya.
Tawa naman siya ng tawa habang tumatakas sa'kin papalabas ng kwarto.
"Habulin mo'ko hahaha", sigaw pa niya habang pababa ng hagdan.
Para kaming mga bata na naghahabulan. Walang pakialam kahit mga binata na at may mga bulbol na haha
Nang tuluyan nang makababa ay nilingon nya ko at tumawa ng malakas. Hindi pa nakuntento at bumelat pa ang loko.
Biglang umusok tenga at ilong ko. Pati mata ko naningkit sa sobrang asar kaya bumwelo ako para makaipon ng lakas. Babatuhin ko siya ng unan.
Isa.
Dalawa.
Tatlo. Hmmmmpf
Napansin nya ang unan kaya umiwas siya.
Huli na ang lahat ng mapansin ko si Mommy na nasa likuran pala nya.
Kaya ayon, SAPOL!!
Sapol si Mommy ng binato kong unan. Sa sobrang lakas muntik pang matumba ang aking ina.
Napalingon ako kay Marc na nagulat rin. Pero biglang siyang humalakhak ng makitang umusok ang ilong ng Mommy.
Lagot.
Umiba ang mukha niya. Naging monster.
Hinubad ni Mommy ang three inches nyang shoes at dahan-dahan humakbang at....
At...
...at biglang kumaripas ng takbo para habulin ako.
Dinig na dinig ko pa ang napakalakas na halakhak ng matalik kong kaibigan slash kapatid na si Marc habang akoy natataranta na kakaisip kung saan magtatago para hindi makita ni Mommy.
"Indigo...." sigaw ni Mommy in a monster way kaya mas lalo akong natakot.
Parang bata lang na natatakot sa monster. Hehe pasensiya na kayo huh ganito talaga kaming mag-ina. Pero sa totoo lang natatakot talaga ako sa monster haha kaya ayoko manood ng mga horror.
"Indigo..." ulit pa ni Mommy in a monster way ulit. "Akala mo hindi kita makikita?" Pagbabanta niya.
Hindi pa rin ako naimik mula sa pinahtataguan ko hehe sa loob lang naman ng closet ko haha
Mga ilang sandali pa ay wala na kong naririnig. Lumabas na ata si Mommy kaya unti-unti kong binuksan ang pintuan ng closet at inilabas ang kanang paa.
Nagulat ako nang may biglang humawak mula sa gilid ng pinto nito kaya napatakbo ako sa aking kama at doon naabutan ako ni Mommy.
Sobrang tawa ko ng kinikiliti niya ko. Sabayan pa ng walang hiya kong kaibigan. Haha
"Tama na...."pagmamakaawa ko sa kanilang dalawa.
"Please....hahaha"-ako
Napatigil si Mommy sa pagkiliti sakin ng mapansin ang nasa screen ng aking laptop.
"Bago nyong kakalase?" Tanong nya.
Bumangon ako bago sumagot.
"Op-"sumingit ang isa.
"Opo tita."-Marc
Napakunot ang noo ko ng tumayo at nilapitan ang laptop ko at tinitigan.
"Bakit Tita?" Tanong ni Marc na may pagtataka.
Kahit ako man ay nagtaka.
"W-wala."lumingon si Mommy na nakangiti. "Kumain na ba ang mga baby ko?" Tanong nyang may lambing refering to us.
"Opo Tita, tapos na po."si Marc ang sumagot at himas-himas pa ang tiyan. Nakatulog na nga yan ei haha
Si Marc pala ang anak ng driver ni Mommy, si Mang Ferdie.
Siya ang pinakauna kong kaibigan dito at sabay na lumaki kaya hindi maikakaila na mula ulo hanggang paa ay kilala na namin ang isat isa, kahit amoy ng utot nya kilala ko na rin.
Kapatid na rin ang turing ko sa kanya kaya open na open siya dito sa bahay. Kulang na lang ampunin na siya ni Mommy ei haha
Minsan dito na rin siya natutulog pag trip nya. May sarili na rin siyang space ng mga damit nya sa tokador ko kaya kulang na lang talaga ei dito siya tumira.
At may sasabihin ako hehe sipsip yan kay Mommy kaya gustong gusto naman siya ng huli haha Magkasabwat pa yan minsan sa mga modus haha
"Dito ka ba matutulog, Anak?" Si Mommy refering sa ampon namin haha at mabilis namang sumagot ng "opo" ang isa.
"Umuwi ka na nga muna, Marcus" pagalit kong hindi pagsang-ayon sa sagot niya. Pero syempre hindi seryoso un.. "hindi na naman ako makaka-concentrate sa pag-i-edit nito ei" nakabusangot kong reklamo.
"Hahaha promise, hindi ako maghihilik."-Marc
Tinitigan ko siya ng masakit. Eto naman ei nagmamakaawa ang mukha. Loko talaga. Sarap kutungan.
"Basta huh pag ako nakarinig ng konting hilik sisipain talaga kita" pagbabanta ko.
Ang tahimik ngang matulog ang loko oh haha buti naman.
Binalikan ko ang kuha ko sa bago naming kaklase.
Tinitigan ko.
Grabe.
Galit talaga ang nakikita ko. Zinoom ko pa at mayroon pa akong isang nadiskubre.
Kalungkutan.
Kalungkutang matagal nang namamayani sa buhay niya.
Napa-ngisi ako sa pumasok sa isip ko.
Oplan iwas tigdas. Oplan iwas rabies. Haha hindi pala.
Oplan alis galit.
Oplan alis lungkot.
Magsisimula bukas.
Paano?
Hmmmm si Urich Zhymyrrh Indigo L. Vergara na ang bahala.
BINABASA MO ANG
Indigo
RomanceHe is Indigo. One in a million like the color indigo na minsan mo lng makita sa isang araw. He is living in a simple life despite of the fact that he is the heir of their clan. Lahat ng bagay nakukuha niya. Lahat ng tao napapasunod niya. Pati puso a...