Chapter 4 - KAARAWAN

16 1 0
                                    

Feat: Hinahanap-hanap Kita by Daniel Padilla

Tatlong linggo na ang nakakalipas simula nang mag-umpisa ang klase. Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang. Hindi ako makapaniwala na sa loob ng panahong iyon ay marami nang nangyari.

Pero ang plano ko wala pa ring nangyayari. Ang tigas ng ulo ni Gab. Lalo na ang puso niya. Parang bato na ang hirap palambutin. Hindi umuobra ang mga plano ko.

Simula noong pumasok siya dito sa school hanggang ngayon iisa pa rin ang ugali na pinapakita niya. Wala pa ring kumakausap sa kanya. Meron naman kaso lagi namang rejected.

Napalingon kami ni Marc sa gate ng school nang marinig na nagsitilian ang mga babae at baklang estudyante.

"Ang gwapo...."sigaw ng isa.

"Mr. Off, Hi!" Pagpapansin ni Barbara, ang pinakamaingay na bakla sa campus. Bagay silang itabi ni Andi. Haha pero hindi niya mapapatumba ang pambato namin.

"Mr. Off" or " Back Off" na ang kanyang bansag sa school. Kasalanan niya na yun. Yun ang una niyang pagpapakilala. Haha

Parang walang naririnig si Gab bagkus diretso lang ang lakad nito papuntang direksyon namin.

"Ang angas kala mo kung sino, " pagrereklamo ng kulangot kong bestfriend. Andoon pa rin yung galit sa bawat pagbigkas niya ng bawat salita.

"Hayaan mo na, di ka naman inaano ei," sabay kindat ko sa kanya.

Nakasunod ang tingin namin sa kanya hanggang nilagpasan niya kami na nakaupo sa bench.

Ting!

At umilaw ang isang bombilya sa taas ng aking ulo. Hmmmm hindi siya makakaligtas sakin hehe

Dumampot ako ng isang bunga ng gemilina at ibinato sa kanya.

At toink... sapul sa likod.haha ang sama ko talaga.

Patay malisya kami ni Marc na parang mga inosente. Siyempre kasabwat namin ang buong school kaya walang magsasalita against us.

Hehe di ba napaka-immature mag-isip ng president ng student council haha sori guys, way ko to. Papansin kasi.

Biglang tumayo si Marc na nakatingin sa likuran ko. Alam kong andiyan siya sa likod ko. Di ba effective hehe

Kaya napalingon na din ako.

"Oi Bro, kamusta?," nakangiti kong tanong sabay angat ng kanang kamay ko para makipagshake hands.

"Ulitin mo pa yun at pupulutin ka sa putikan," pagbabanta niya instead na sagutin ang tanong ko.

Sa likod ng aking isip ay naglalaro na naman ang itsura niya na puno ng putik. Hahaha "Ako pala ang pupulutin sa putikan huh," sabi ng isip ko.

"Ahhh sige..di na mauulit Bro," sagot ko na parang namimilosopo haha "next time iba naman", sabay tawa.

Lumapit siya sabay hila ng kwelyo ng uniform ko.

Sininyasan ko naman si Marc na huwag ituloy ang binabalak niya.

"Nakakarami ka na!" May pagbabanta niyang sabi. Ramdam ko ang nginig niya. Halatang gigil na gigil.

Mata sa mata. Pero di ko napigilang bumaba ang tingin ko sa kanyang mga labi kasi naalala ko na naman ang nangyari. Napalunok ako. Sabay balik sa mga mata niya kasi may naramdaman akong kakaiba. Ewan ko kung ano yun.

Habang magkalapit ang mukha namin sa isat isa kitang kita ko sa mga mata niya ang galit at poot. Para siyang leon. Nakakatakot. Pero hindi ang isang Uzi ang matatakot sa kanya.

IndigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon