Chapter 9 - SAKIT

9 1 0
                                    

Ley's POV

Di ko mapigilan ang mga luha ko. Kusa ang mga itong tumutulo.

Ang sakit.

Ang sakit pala.

Mahal mo siya. Mahal ka niya pero hindi pwedeng maging kayo.

Ang hirap kalimutan ang nangyari kanina. Kapag naiisip ko yun, lalong nadadagdagan ang sakit.

Nakita ko ang mukha niya ilang sandali ng naglapat ang aming mga labi. Mukha siyang nagulat na parang nakuryente.

"Mahal kita, pero hindi pwedeng maging tayo Ley," kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ayaw kitang masaktan." At bigla niya akong niyakap.

"Hindi ko maintindihan," lito kong saad sa kanya sabay tulak sa dibdib niya para makita ko ang kanyang mukha.

"After high school lilipad ako papuntang America. Doon ako mag-aaral," nakayuko siya. Marahil ayaw niyang makita ko ang mga mata niya.

Sobrang nagulat ako sa narinig ko. Hindi ko alam na may ganito pala siyang plano.

Biglang kumawala ang luha sa mata ko.

"Bakit parang sinaksak ang puso ko?" Tanong ko sa aking sarili.

Napakasakit.

"Ayoko sanang sabihin sa'yo 'to pero andito na tayo ei, wala na akong no choice," pagbibiro pa niya.

"Kahit gustuhin ko man na ligawan ka, ayoko ko. Ayoko kasi na pagdating ng araw, iiwanan kita. Makikita kang nasasaktan sa pag-alis ko. At ayoko sa lahat ang may maiwanan ako dito."

"Pwedeng naman yun ei, na habang nandito ka pa, tayo."

"Ayoko! Baka magkaroon ako ng dahilan upang hindi umalis. Ayokong suwayin si Mama. Isa pa, matagal ko na tong plano."

"Pero pangako, pagbalik ko liligawan na kita. Sa ngayon, magkaibigan muna tayo, huh?"

Hindi ko na sinagot ang tanong niya. Tumalikod na ako at nagsimulang lumakad patungong motor niya.

Ayokong umuo. Ibig sabihin kasi nun ay pumapayag akong maghintay kung hanggang kailan siya uuwi.

Ilang taon ko siyang hihintayin?

Apat?

Lima?

Sampu?

Hindi natin alam kung anong mangyayari.

At pumapayag din akong umasa. Paano kung pagbalik niya, may kasama na siyang iba? Ayokong maging kawawa. Ayokong magmukhang tanga.

"Tara na! Hatid mo na ako," pag-aya ko sa kanya.

Agad naman siyang nag lakad papunta sa akin.

Walang imikan hanggang sa pagpasok ko sa bahay.

Napabangon ako nang narinig ko ang cellphone ko na nagri-ring.

Marcus calling...

Wala akong planong sagutin. Alam ko kasi na magkasama sila.

Marcus calling...

"Haist, ang kulit talaga neto kahit kailan," kaya sinagot ko na ang tawag niya.

"Hello," wala kong ganang pagsagot.

"Ley, kamusta ka?" May pag-alala ang tono niya. Tumahimik lang ako.

"Sinabi pala niya sa akin ang nangyari. Alam kong masakit at mahirap para sayo. Alam ko yun kasi ganun din ang nangyayari sa kanya ngayon."

"Kahit nga ako nagulat sa plano niyang pag-alis after high school natin."

IndigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon