Chapter 11 - PASILIP

3 1 0
                                    

"Lo, ang ganda!" Tuwang-tuwa ako nang makita ko ang kinalabasan ng halos isang buwan naming paghihirap. Napayakap ako sa Lolo ko kahit basang-basa ng pawis ang hubad kong katawan.

"Gabby, Tol. Halika muna," excited kong tawag sa aking kababata na naghuhugas ng kamay sa tubig na dumadaloy palabas sa bagong gawa naming pool sa gitna ng kakahuyan.

Pangiti-ngiti naman siyang lumapit at pinagitnaan namin si Lolo. Pareho kaming inakbayan ni Lolo habang nakatingin sa ginawa namin.

"Alam niyo bang matagal ko nang pinangarap na magawa ito. Salamat sa inyong dalawa mga apo," emosyonal ang boses ni Lolo. Pero dahil tinulungan ninyo ako, sa inyo na ito. Hindi ko na kailangan ang lugar na ito," yumuko siya at tumingin sa amin habang ginugulo ang mga buhok namin.

May lungkot sa kanyang mga mata. Pero binawi niya naman ito nang siya ay ngumiti.

"Bakit, Lo?" Tanong ko na may pagtataka.

"Wala, Apo," maikli niyang sagot. Dahil may lahi akong tsismoso hindi ko siya tinigilan.

"Hali kayo," sumunod naman kami ni Gabby sa katatapos naming gawang kamalig at doon kami naupo.

"May mga bagay talaga sa mundo na hindi natin kayang kontrolin. Akala natin ang bagay na iyon ay atin na habang buhay. Magugulat ka na lang na nawala na pala siya. Na kahit gaano mo pa ipanaglaban, hinding-hindi na siya magiging iyo ulit. Tapos, kahit ayaw mong sumuko, wala kang magagawa. Tinalo ka na ng tadhana," ramdam na ramdam ko ang sakit sa bawat salita ni Lolo.

Ayon sa kanya, may tao daw siyang labis na minahal noong binata pa siya, hanggang ngayon daw, pero namatay ito sa isang aksidente. Simula daw noon ay hindi na siya nagmahal ulit hanggang nakilala niya si Lola.

Hindi ko alam na kahit gaano ako ka-tsismoso ei may hindi pa pala ako nalalamang kwento kay Lolo. He's 63, pero parang fresh pa sa kanyang alaala ang mga ngangyari noon.

"Kaya kayong dalawa, huwag na huwag niyong sayangin ang mga oras na sabihin at iparamdam ang pagmamahal niyo sa taong mahal niyo. Kung kailangang ipagsigawan nyo sa buong mundo, gawin niyo," tumingin siya sa aming dalawa at isinubo ang pagkain na kanina pang nakatambay sa kamay niya.

"Paano Lo kung bawal ang pagmamahalan ninyo? Ipagsisigawan mo pa ba?," bigla kong naitanong out of my curiousity. Kahit ako ay nagulat sa tanong ko.

"Hanggat wala kayong nasasaktan o naaapakan be proud of it. Hindi importante ang sasabihin ng ibang tao," sagot niya. Nakita ko naman sa isang sulok ng aking mata ang biglang pagtingin ni Gabby sakin.

"Kayo ba, wala pa bang mga minamahal?," nabigla ako sa tanong na iyon ni Lolo.

"Po? Wala pa po. Bata pa po ako para diyan, Lolo," depensa ko. Tahimik lang si Gabby.

"Busog na ako, Lo. Tara maligo na tayo," pag-aaya ko. Sa totoo lang may iniiwasan lang  ako. Baka hindi ko makayanan kung ma-corner ako ni Lolo. Kami ni Gabby.

Bata pa lang ako alam ko nang iba ako. At bata pa lang ako may gusto na ako sa Kuya Gabby ko.

Oo, may relasyon kami ni Kuya Gabby. At iyon ang pinakaiingatan naming sekreto kasi iniiwasan naming makarating ito sa aming mga pamilya. Tiyak mapapatay ako ni Daddy pag nalaman niya, ang masama pa kung pati si Gabby ay idadamay niya.

Hindi ko kaya iyon. Hindi ko kayang maghiwalay kami.

Anak si Gabby ng aming katiwala. Tatlong taon ang agwat ng edad niya sa akin pero hindi iyon hadlang upang magkasundo kami sa lahat ng bagay. At higit sa lahat, minahal namin ang isat isa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IndigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon