Chapter 7 - BAGO

9 2 0
                                    

Indigo's POV

Agad kong sinipa si Marc nang ma-realize ko na kili-kili niya ang hinahalikan ko.

"Araaaaayy...", napasigaw siya sa sakit.
Ba't mo ko tinulak? Loko ka," mukhang galit. Ako napatawa na lang sa hitsura niya. Hahaha kawawang kulangot.

"Hindi kita tinulak. Bat naman kita itutulak, huh?" Gusto ko nang humagalpak sa tawa kaso pinipigilan ko lang. "Nagulat nga ako nang biglang may lumagapak sa sahig ei" kala ko gumuho na yung bahay. Kaya napabalikwas din ako." Sa lakas ng kanyang pagkabagsak aakalain mo talaga ng may nahulog na malaking bagay mula sa bubong hahaha.

Sabagay, malaking bulas naman kasi tong si Marcus. Gwapo at maskulado rin katulad ko. Ewan ko ba kung bakit hindi pa rin nagkaka-syota to. Marami namang humahabol sa kanya.  Pati si Barbara gustong-gusto siya. Haha swerte niya dun pag nagkataon.

"Tinulak mo ko ei," nagkukusot pa ng mata at hinihimas yung balakang niya na tumama sa sementong sahig.

"Hindi nga. Likot mo kasi matulog kaya ayon." Pagsisinungaling ko. Sa totoong lang, ako ang malikot matulog sa aming dalawa. At tinatyaga nya naman yun. Ewan ko ba dito. May sariling kwarto naman siya sa bahay nila pero mas gustong matulog dito sa akin.

Minsan magigising na lang kami na iba-iba na ang posisyon namin. Merong ulo ko nasa paanan na. Minsan kamay ko nasa leeg na niya. Haist hahaha pero wala akong narinig na reklamo sa kanya kasi tulog mantika din ang isang to. Malakas din humilik parang kalabaw.

Akma siyang hihiga ulit para matulog pero pinigilan ko siya. Alas singko na ng umaga. Timing nga at nagising ako mula sa napakagandang panaginip. Hai, kinikilig ako hehe

Naunahan ko pa ang alarm clock.

5:10 kasi ako nagpapa-alarm talaga pag andito yung mokong na yun. Estimated time na yun sa lahat ng gagawin namin mula pagligo hanggang byahe papuntang school. May sanib kasi lagi si Marcus ni Maria Clara sa sobrang hinhin pag kumilos. Ang tagal maligo. Ang tagal magbihis. Ang tagal kumain. Haist..

Kung wala naman siya ei 6am na ako nagpapa-alarm kasi mabilis naman ako kumilos. Kaso minsan talaga mas maaga pa ako naggagayak para makapunta sa secret hang-out ko upang makunan ng picture ang sunrise.

Gusto ko man magpasalamat sa kili-kili ng mokong na iyon dahil nagising ako ng mas maaga ei hindi ko naman magawa. Nasusuka lang ako.

Yuck.

Ew ew.

Haha syempre joke lang. Alam ko namang malinis yung kaibigan kong iyon pero kili-kili pa rin yung nahalikan ko..haha baliw kasi ei. Bat ko kasi napanaginipan si Ley.

Haist, napatulala ako nang maalala ang mukha ni Ley sa panaginip ko. Ang sarap niyang pagmasdan. Nung pumikit siya at unti-unting lumalapit yung nakabuka niyang mga labi sa mga labi ko.

Parang... Parang totoo.

Napangiti ako sa kilig at napansin ito ni Marcus.

"Aba, mukhang maganda napanaginipan natin ah. Hmmmm si Ley noh?"

"Hindi." Pagtanggi ko pero nakangiti pa rin.

"Huwag ako huh. Kilala kita Indigo hehe. Ano? Share naman diyan. Nag-kiss ba kayo? Nag-sex?" Awtomatik na tumaas ang kanang kamay ko at nabatukan ko ang malandi kong kaibigan.

"Aray. Bakit?"

" Aga-aga ang bastos nang bunganga mo. Sampigain kaya kita diyan para makita mo."

"Eto naman galit agad."

"Maligo ka na nga para maaga tayong makaalis." Pag-utos ko sa kulangot na to.

"Antok pa ko ei," pagrereklamo niya at hihiga pa sana ulit.

IndigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon