Nagising ako sa ingay ng halakhakan sa baba.
"Bwisit. Aga-aga ei." Pagtingin ko sa relo saking braso alas 11 na pala. Maya-maya may kumatok at tinawag ang pangalan ko. Si Nicolas. Ang isa pang bwisit sa buhay ko.
Binigay niya agad ang bitbit niyang bag nang pagbuksan ko siya ng pinto.
"Ano to?", pagtataka kong tanong.
"Bag." Maikli niyang sagot.
"Diretsuhin mo nga ako Nicolas, ano ibig sabihin nito?" May inis kong tanong sa kanya ng makita ang laman neto. Ang dalawang matanda ay nakatingin lang mula sa sofa sa baba.
"Mag-aaral ka ulit. Wala ka ng magagawa dahil na-enroll na kita."
Nagbanggaan ang dalawang toro saking ulo kaya bumuga ng apoy ang ilong ko.
"Wala sa usapan yan," Tinapon ko sa kanyang paanan ang bag.
"Noong pumayag ka na sumama dito, ibig sabihin nun gagawin mo lahat ng sasabihin ko. Kaya wala ka ng magagawa. Para sa'yo toh."may otoridad niyang pahayag.
Tumalikod ako at isasara na sana ang pintuan.
"Aray!", nasambit ko pagkatapos tumama ang pinto sa likod ko na itinulak niya. Muntik pa akong madapa. "Nananadya ka ba huh?" Matapang kong tanong.
"Ay, sorry," nakangiti niyang paghingi ng tawad.
"Alam mo naman kung bakit ko to ginagawa diba?"
Napatigil ako sa paghakbang palayo sa kanya ng marinig ko ang tanong niya. Alam ko na ang kasunod nun.
"Pinangako ko sa Mama mo na hindi kita...blah blah blah blah..haist, kapagod na. Nakakainis pakinggan ang ganyang rason pero dun niya talaga ako nahuhuli. Magulang ko ang kahinaan ko. Kahit na kinasusuklaman ko sila.
............................"Umalis ka na," utos ko sa babaeng hindi ko kilala pagkatapos na may nangyari samin sa isang puno sa gilid ng daan. Isang hapon yun nang unang beses akong isinama ni Tandang Penyong sa kanyang bukid sa di kalayuan.
Dalawang araw na akong tigang kaya di na ako nakapagpigil pa nang makakita ako ng babae. Halata naman sa mukha na game siya kaya di na ako nag-alintanang gamutin ang tawag ng aking laman.
"Ulitin natin to pogi huh, ang sarap mo," akma niya akong hahalikan pero tinulak ko siya palayo sakin at umalis na.
Higit tatlong linggo na akong nagdurusa sa lugar na ito. At isang beses pa lang ako nadiligan. Tigang na tigang na ako kaya no choice. Swerte ni Mariang Palad tuwing umaga.
Sa loob ng tatlong linggong iyon ay wala akong ginawa kundi ang kumain at matulog ng walang humpay. Kaya hindi ko napansin na medyo tumaba ako at pumuti ng kaunti.
Hindi ako nag-atubiling tuklasin ang lugar. Nakakatamad. At nawaglit sa isip ko kung ano ang dahilan kung bakit ako nagtitiis sa lugar na ito.
...................
"Mario G. Vergara Memorial High School," sambit ng isip ko nang mabasa ang pangalan ng eskwelahan na pinag-enrollan ni Nicolas sakin.
"Diyan ka mag-aaral", pagconfirm ni Tandang Inday. " Pagkahatid ko sayo sa Principal's Office ay aalis din ako", dugtong niya. "Siguro alam mo na ang daan pauwi", itinaas ko na lang ang kanang kilay bilang tugon.
Mula sa bintana ng opisina ng prinsipal ay natanaw ko ang paglayo ng matanda sakay ang kanyang motor. Hahaha astig!!!! Isang matandang babae na iisa na lang ang ngipin ay nagpapatakbo ng motor ng matulin.
Pagkatapos akong kausapin ng principal ay may sumundo sakin na guro. Siya daw ang magiging adviser ko. Tumawid kami sa field kung saan nakatirik ang flagpole papunta sa isang building.
BINABASA MO ANG
Indigo
RomanceHe is Indigo. One in a million like the color indigo na minsan mo lng makita sa isang araw. He is living in a simple life despite of the fact that he is the heir of their clan. Lahat ng bagay nakukuha niya. Lahat ng tao napapasunod niya. Pati puso a...