JEA'S POV
"Goodmorning, Queen." Bati sakin ni Aira.
Nginitian ko lang siya. Nandito kasi ako sa living room. Nakaupo ako sa sofa at umiinom ng gatas. Bat ba? -_-
Tinabihan ako ni Aira.
"Mission accomplished na ko."
"Success?" Sabi ko.
"Oo naman. Ako pa ba? Easy lang sakin magpatino ng mga gangsters."
"Gangsters? Iyon ang mission mo?"
"Yeah. Iyong mga matataas na grupo kasi ng mga gangters dito, puro pagyayabang. Nag aagawan kung sino ang bagong pinuno. Simula nang mamatay si Jeh, nagkaganyan na."
"Huh? Oh e anong ginawa mo?"
"Ayon. Nagset ako ng laban. Bawat isang babae na malakas sa isang grupo ang maglalaban laban. Ang manalo sa kanila, ilalaban ko sa Queen of Assasins. Kapag nanalo, siya ang bagong pinuno."
Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Ako ang nilaban mo? Bakit hindi ikaw? Paano na lang kung mapatay ko iyon?"
"Hahahaha! Easy nga lang sayo e. Alam ko naman na ikaw ang mananalo. Kaya pinaltan ko."
Ang gulo niya. -_-
"Ano ba? Ang gulo mo! Ano ba talaga?"
"Binigyan ko na lang sila ng mission." Sabi niya.
"Anong mission naman?"
"Ilalaban ko sa kanila ang mga assasins mo at ang mga mafias ko."
"That's a very good idea." Mukang naexcite ako.
"Yeah. Sabi na, matutuwa ka e. Dapat nandoon ka. Dahil nandoon din ako."
"Sure. When?"
"Mamayang gabi na." Ngiting ngiti niyang sabi.
"Ang bilis naman?"
"E dapat nga kahapon ko pa sasabihin sayo, e wala ka naman!"
"Oo nga."
"Ay. Tsaka nga pala, yung Midnights? Yung pinakamataas na grupo sa world of gangsters? Nandoon din sila."
Midnights? Sila Xyrix yun ah?
"Anong gagawin nila doon?"
"Malamang. Manonood. Kasali kasi iyong kapatid nung leader nila. Hindi ko kasi kilala e. Basta magaling din. Tatlong babae ang maglalaban mamaya. Kasama iyong babae na iyon."
Si Brie? Hindi naman pwedeng si Shaina. E mahina iyon. Tsaka kapatid, e di si Brie nga.
si Brie nga.
"Ilang mafia at assasin ang kinuwa mo?"
"Dalawang mafias. Isang assasin."
Tumango tango na lang ako.
_ _ _
AUTHOR'S POV
"Now, let's welcome. Aira Shin. The Queen of Mafias."
Ngumiti si Aira at kumaway tsaka naupo. Nakamask ito para di makilala ng tao.
Naparaming tao. Karamihan sa kanila ay mafias, gangsters at assasins.
"Well, ang pinaka aabangan ng lahat na makilala. The Queen of Queens. The Queen of Assasins. Queen Shina!"
Nagpalakpakan ang lahat. Ang iba nga ay napatayo pa at ang iba ay sumisigaw pa.
Nakamask ang dalaga. Kaya naman hindi nila masyadong makita ang mukha nito.
Pero alam ng marami na kapag nandyan si Queen Shina ay dapat walang away na magaganap.
Dahil simula nang sumikat at lalong lumakas ang kapangyarihan ay naging isang respetadong babae ang dalaga kahit hindi pa nila nakikita ang tunay na anyo o itsura nito.
"Queen." Nakayuko at inabot ng MC ang microphone kay Queen Shina upang magbigay ng salita.
Kapag nagsasalita ito ay pinalalaki niya ang boses niya at ginagawa niyang ma-awtoridad upang mas lalo siyang magmukang kagalang galang at hindi makilala.
"Maganda gabi." Bati niya.
Yumuko ang lahat upang magbigay galang.
"Magandang gabi rin sa iyo, Queen."
At naupo na silang lahat.
"Ang mananalo sa laban na 'to ay tatanghalin na bago niyong pinuno. Queen of gangsters. Nabalitaan ko ang nangyari noong nawala si Jeh at hindi ko gusto iyon. Pasalamat kayo at binigyan pa kayo ng pansin ng Queen of mafias. Kundi, ano na lang ang mangyayari sa inyo? Ngayon, huwag niyo kong biguin. Gusto kong makakita ng tunay na laban. Kung kinakailangan niyong patayin ang kalaban, patayin niyo. Para makita ko na gustong gusto niyo ang korona ito." Mauupo na sana siya ngunit nagtaas ng kamay si Brie.
"Queen. *Yumuko* hindi ko po kayang pumatay ng isang tao." Sabi nito.
Napangiti naman ang dalaga.
"Balang araw, papatay at papatay ka din. SIMULAN ANG LABAN! AT IHULI NIYO SIYA *turo kay Brie*"
Nagsimula nang kabahan at dalaga.
Sa kabilang banda, nag aalala naman ang kanyang kapatid na ai Xyrix. Dahil nga, hindi sanay pumatay ng tao ang kanyang kapatid kaya hindi nito alam ang gagawin.
"Xyrix.." May humawak na babae sa kanyang kamay.
Pagtingin nito, si Shaina.
"Kaya iyan ni Brie." Nakangiting sabi nito.
Kinalaban ng dalawang mafia ang unang babaeng gangster na isinalang.
Namatay ang isang mafia at dahil doon napatayo si Aira.
Ngayon ay dalawa na lamang ag natitira. Isang mafia at isang Assasin.
"Sanay siya." Sabi ni Queen.
Hanggang sa isinalang na sa paglaban ang assasin.
Isinalang na din ang tatlong babae kasama si Brie.
Pinagmasdan lang ni Aira at Queen kung paano patumbahin ng mga gangsters ang mafia at assasin.
Pero mas ikinagulat nila nang mawalan ng malay ang isang assasin.
Kahit na ang Queen. Ngunit hindi nito ipinahalata. Nananatili siyang kalmado.
"2 down. 1 to go."
Umikot ang isang mafia at mabilis na humugot ng baril.
Doon na nagkagulo ang lahat. Ang mga babae na gangster ay buhay pa din. Wala pang namamatay.
Ngunit dahil may hawak na baril ang isang mafia, binaril nito ang dalawa. Nang tumutok na kay Brie ang baril, mabilis niya itong naiwasan.
Tumakbo ito at sinakal niya ang mafia mula sa likod. Mabilis kinuwa ang baril at itinutok sa kalaban.
Nagdadalawang isip pa ang dalaga kung itutuloy ang gagawin.
Kinuha ni Aira ang mic at nagsalita.
"Ano?! Tutunganga ka na lang?!"
Inagaw ng Queen ang mic kay Aira.
"Wag kang gagalaw. Bibilang ako ng tatlo. Mamili ka. Pagkakataon mo na 'to. Papatayin mo o ikaw ang papatayin ko at ang mga kaibigan mo? Isa.." Ma-awtoridad na sabi nito.
"Dalawa.."
"Brie.. ipikit mo ang mga mata mo." Sigaw ni Xyrix.
Hindi ito nakinig sa kanyang kapatid.
"Tat--"
*BOGSH*
Tumaob ang kalaban. Ngunit hindi ito binaril ni Brie. Sinipa lang niya at pinatulog.

BINABASA MO ANG
TFGAM 2: Five Gangster's Love
RandomThe Five Gangsters And Me (BOOK2): Five Gangster's Love