CHAPTER 16

884 21 8
                                    

-The Side Story-

"Bakit kailangan pa natin siya patayin? Buhay naman ako diba?" Sabi ng isang dalaga.

"Buhay ka nga. Nakaganti ba tayo? Mag isip ka, Chesca! Ngayon ka pa ba aatras? Ngayong unti unti na natin siyang napapa ikot? Tama na ang isang taon na pagpapahinga, Jea Fay Won." Habang nakangiti ito ng mala demonyo.

Si Devon Soo na kapatid ni Chesca Soo. (BOOK 1)

Si Chesca Soo at Shakina Motsoto ay iisa lamang. Nag iba siya ng pangalan dahil iyon ang utos ng kanyang nakatatandang kapatid na si Devon.

Halos sobra pa din ang galit nito kay Jea kahit na isang taon na ang nakalilipas. Ang patayin si Jea ang tangin intensyon nito.

"Wag kayong mag alala. Ako ang bahala kay Jea." Sabat ng isang pang dalaga na kakampi rin ng mga ito.

-        -          -          -

-JEA-

"Karl Jake Songha." Gusto ata nitong matarayan, e. Psh! Pagbigyan!

"Hindi ako interesado sa pangalan mo." Tsaka ko siya tinalikuran.

Ugh! Kakairita! -_-

"Miss! Wait!" Nabigla ako nang pigilan niya ako at hawakan sa may siko ko. Lols.

"Ano ba!" At inalis ko kaagad iyon.

Tinignan ko siya. Mata sa mata at dinuro duro ko siya. Bastos na kung bastos! Pero mas bastos siya. -_-

"Hoy! Kapag hindi mo ko tinigilan, sisipain ko iyang ano mo! Para hindi na kumalat iyang lahi mo! Bwiset!" Tinalikuran ko na siya.

Pero pinanganak siguro talaga siya para guluhin ako. Kung balian ko kaya ng leeg 'to? Kakagigil e.

"Makikipag kilala lang, e. Dali na!" Aba. Ang kapal ng mukha, ha.

Haharap na sana ako sa kanya at balak ko ng sampalin pero naunahan ako..

May sumuntok sa kanya. Pagtingin ko, si Xyrix.

"Pare, binabastos mo ba 'to?!" Sabay turo sakin.

Lumapit ako doon sa lalaki or let's call him, Karl Jake Songha Epal.

"Ayos ka lang?" Tanong ko.

Pero hinila ako ni Xyrix palayo kay Karl.

"Inaalala mo pa iyan? E, mukhang binabastos ka na niya, e!" Inis na si Xyrix.

Yeah, I can see it on his eyes.

Napatitig ako sa mga mata niya. Bigla kasing nag flashbacks sa'kin yung nangyari sa may party.

Pinikit ko ng madiin ang mata ko. I don't want to remember the past.

Tinanggal ko ang pagkaka hawak niya sa mga siko ko.

"Don't touch me." Tinalikuran ko siya at lumapit kay Karl.

Tinayo ko siya.

"Thank you." Bulong niya.

Maya maya, pinag titinginan na kami ng mga students.

At bigla na lang dumating si Daine.

"You started this?" Mataray na sabi niya sakin.

Tumingin lang ako sa kanya at kay Xyrix.

"No, Fay. She didn't."

Napa irap si Daine sakin.

"Pinag tatanggol mo pa iyan? The f*ck!"

Aba. Gaga pala 'to, e. Pasalamat ka, wala silang alam kundi, hindi ka kikilos ng ganyan.

Tapos maya maya, lumapit sa'kin si Daine at hinawakan ako ng mahigpit sa siko.

Tatanggalin na sana 'yon ni Karl pero pinandilatan siya ni Daine kaya wala siyang nagawa. Ganyan sila katakot sa peste na 'to? Tss.

"Umuwi ka na. Wag na wag ka nang babalik dito." Tsaka niya 'ko binitawan pero malakas ang pagbitaw niya at tinalikuran ako.

Napahinga naman ako ng sobrang lalim.

Pigilan mo ang sarili mo, Jea. May mga plano ka. Hindi ka dapat gumalaw ng hindi naaayon sa plano mo.

Tumalikod na ko.

Sirang sira na ang araw ko, letse.

_         _           _

XYRIX'S POV

Sinundan ko si Daine hanggang sa office ng daddy ni Fay. Wala namang tao. Umalis na siguro si tito Leo.

I close the door and ask her.

"Why did you do that?!" Inis kong tanong sa kaniya.

"What?" Mataray na tanong niya.

"Yung nangyari kanina! Bakit mo ginawa 'yon?!"

"Paano siya matututo sa mga mali niya kung hindi ko gagawin 'yon?! And Xyrix, come to think of it! Sa school na 'to, ako si Jea Fay Won! Kahit saan, ako si Jea! Ginagaya ko lang ang ugali niya! So, kung ayaw niyo sa ugaling ginagaya ko, para saan pa 'to? You want Jea back, diba? But you hate her attitude!"

"I never said na ayoko sa ugali ni Jea! Sinasabi ko lang na hindi mo siya dapat ginanon sa harap ng maraming tao!"

"K, fine! Masama bang kahit minsan, e, mapagalitan 'yung babaeng 'yon?!"

"You don't need to! 'Cause she already knows what she's doing!"

"E, ano pang silbi ko dito?"

Napatingin ako sa kaniya. Biglang sumeryoso ang mukha niya.

"Para mapa amin siya. Diba?" I said.

"Oh, see? Kailangan mo ko para ma'pa amin si Jea. Kailangan niyo ko para ma'pa balik siya. So, kung wala ako. How can you do it all by yourself? Ano? Bibiglain niyo siya na siya ang nawawalang si Jea Fay Won? Kayo na rin ang may sabi na nagkaroon ng konting pagkalimot si Jea. Kapag binigla niyo siya, mas lalo siyang lalayo sa inyo. So mamili ka, Xyrix. Aalis ako o itutuloy ko 'to?"

Nakatingin siya sa'kin ng deretso.

"Stay." Then, I open the door and left.

TFGAM 2: Five Gangster's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon