-JEA-
"Kanina ka pa tulala. Ano bang iniisip mo?" Sabi ni Aira.
Papunta na kami sa hide out namin. Kakarating lang namin dito sa Korea.
"Hindi ko alam kung aalis na ba ko o ganito na lang forever?" Sabi ko sa kanya.
"Its your decision."
Pumasok na kami sa hide out. Nag init ang ulo ko nang madatnan ko ang mga assasins na nagkakagulo.
"SHIBAL!" Sigaw ko.
Lahat sila napatigil at nagulat ng makita ako.
"Huh! Simulan na kayong kabahan!" Sabi ni Aira.
"All of you! Follow me!" Sabi ko.
Pumunta ako sa unahan. Sumunod naman sila sakin.
Kitang kita ko ang takot sa mga mata nila.
"What's happening here?" Sabi ko.
Walang nagsasalita sa kanila.
"Who started this?" Sabi ko ulit.
Tinuro nila ang dalawang assasin. Isang lalaki at isang babae.
"Step in." Matigas na sabi ko.
Humakbang naman sila papunta sakin.
Dumukot ako ng baril at..
*BANG! BANG!*
Binaril ko sila. In short, pinatay ko. Nagulat silang lahat sa ginawa ko.
"Kung hindi kayo titino, mauubos ang lahi niyo." Nilayasan ko na sila.
Nakakapang init ng ulo. Dumeretso ako sa kwarto ko dito.
"See? Mga wala nang manners yang mga alaga mo. Pero.. I didn't expect na gagawin mo iyon."
"Nakakapikon kasi."
May pumasok bigla na isang assasin.
"Mwo?" (What?)
"The one you shot is my.. sister.." Isang babae.
"Sang gwan anhae!" (I don't care!) I said.
Umiiyak na siya sa harap ko ngayon.
Si Aira naman, napapairap na lang.
"Aira." Sinenyasan ko na si Aira.
Humugot siya ng kutsilyo sa tagiliran niya at isinaksak don sa babae.
Kitang kita ko ang dugo na tumulo mula mismo sa puso.
Napailing na lang ako.
"Teka, Queen. Yung bracelet na yan, san ba galing yan? Ang tagal na niyan sayo ah."
Napatingin ako sa bracelet na sinasabi ni Aira.
Bigla kong naalala. Nung mga panahon na binantayan ako nina Xyrix. Nung pumunta kami sa palengke non. Binigay niya sakin 'to. Sabi niya, wag ko daw iwawala.
"Ito ang pinaka importanteng bagay na iniingatan ko. Kapag tinitignan ko 'to, naaalala ko kung hanggang saan na ang nararating ko."
Napatango na lang si Aira.
Gusto kong bumalik sa dati. Nung wala pang problema. Nung inaalagaan ako ni Xyrix.
Maghahanap nga ako ng scientist at ipapa-imbento ko ang time machine. So, that I can go back to the past. Haaaaay.
"Alam mo, Queen. Kung ako sayo, iiwasan ko na si Xyrix. Tutal naman, nahanap na daw nila yung Jea. Edi wala ka nang koneksyon sa kanya, diba? Pwede mo nang ipag patuloy ang korona mo."
"Oo nga.." Napaisip ako. Tama.
Ano pa nga bang kailangan ko at niya sa akin? E, nakita na naman nila yung Jea daw. -_- tss.
E, ba't parang naiinis ako?
"Queen! Salubong na naman kilay mo." Sabi ni Aira.
"Kikilalanin ko yung babae na yon at tutulungan mo kong kilalanin 'yon, Aira."
"Anong gagawin ko?"
"Check her backgrounds. Kung may pamilya pa, kapatid, may boyfriend ba o ano."
"Yes, Queen. E, teka. Bakit interesado ka?"
"Titignan ko kung kayang kaya niya maging ako. Kapag nagkataon, pwedeng siya ang ipalit ko sa trono ko."
"Huh?! So, ano? Siya ang magiging Queen ko? My gosh. Ayoko nga! Tsaka di kayo mag kamukha no!"
"Bruha! Kayang kaya kong ibalik ang dati kong mukha. Hindi muna ako magpapakita kila Xyrix at pag uwi natin ng Philippines, kontakin mo agad siya at lilipat na tayo ng bahay."
"Oh. Okay."
Napangiti ako.
Sasanayin ko siya at siya ang ipapalit ko sa trono ko. Be ready..
Fake Jea Fay Won..
_ _ _-XYRIX-
"Dapat kumilos ka nang maayos. Yung kagayang kagaya ni Jea. Okay?" Sabi ni tita. Ang mommy ni Jea.
"Opo, ma'am."
"No. Call me mommy."
Ngumiti na lang si Daine Valdez.
Siya ang kinuwa namin para maging si Jea. Pinaretoke namin ang mukha niya.
Ginawa namin 'to para mapa amin si Fay na siya talaga si Jea.
"Let's go? Una na po kami, tita." I said.
Nung nasa kotse na kami, tinignan ko si Daine. Tahimik lang siya. Kamukhang kamukha niya si Jea. Pero alam ko naman hindi talaga 'to si Fay..
"Are you okay?" Sabi ko sa kanya.
"Oo. Am, girlfriend mo ba si Jea?"
"No. Pero mahal ko siya. Sa ngayon, ituturo ko muna sayo kung pano gumalaw si Jea. Kung ano ang ugali niya. Kung ano ang mga gusto niya."Hindi na siya nagsalita.
*BAHAY*
"Oh, nandito na pala kayo." Sabi ni Brie.
"Upo ka, Daine." Sabi ko.
"Brie, sa kwarto muna ako. Turuan niyo siya maging si Jea." Tapos umakyat na ako. Wala akong gana.
Kahit kamuka niya si Jea, hindi ko pa din siya magawang ituring na si Fay talaga.
Nahiga ako sa kama ko. Naalala ko noon kung gaano kami ka-close ni Fay.
Nagsisisi na ko kung bakit ko pa ginawa yon. Edi sana, kami na ngayon ni Fay. Edi sana, magkasama kami ngayon. Edi sana, masaya kami.
BINABASA MO ANG
TFGAM 2: Five Gangster's Love
عشوائيThe Five Gangsters And Me (BOOK2): Five Gangster's Love