CHAPTER 12

865 18 1
                                    

-JEA-

*Tok! Tok!*

"Come in."

"Queen, ano ba? Ilang araw ka nang hindi lumalabas ng kwarto. Ano bang nangyayari sayo?" Bungad sa akin ni Aira.

"Iniisip ko pa rin kasi si Xyrix. Nanganganib na yung buhay niya." Sabi ko habang nakatingin sa kisame.

"Yun lang pala eh."

Pinalo ko sa braso. Gaga 'to. Nila-LANG ang buhay ni Xyrix.

"Aray ha!" Tapos pinandilatan pa ko ng mata. Luka luka talaga.

"Grabe ka kay Xyrix ha. Nag iisip ako ng paraan kung paano ko matatakasan yung babae na 'yon."

"Queen, hindi mo matatakasan ang isang deal. Malamang sa malamang, nakapalibot sa atin yung tauhan ng hilaw na haponesa na 'yon at pinababantayan tayo."

Bumuntong hininga na lang ako. Hindi ko na alam ang gagawin. Ba't ko ba kasi tinanggap yung letse na 'yon. Ugh.

"Queen, ilang taon ka na nga pala ulit?" Biglang tanong ni Aira.

"18. Bakit?" Nagtatakang sagot at tanong sa kanya.

"Ang bata mo pa pala, Queen. Graduate ka na ba ng highschool?"

Ano 'to interview? -_-

"Hindi. Kasi nga, nagkaletse letse ang buhay ko. Ba't ba tanong ka ng tanong?"

"E, kasi naman. Isang taon na tayong magkasama, hindi pa din kita kilala masyado. Hindi ka kasi showy, e."

"So, problema ko pa 'yon? E, ikaw? Ilang taon ka na?"

Tumabi siya sakin at tumingin sa kisame ng kwarto ko.

"17. Di din ako graduate ng highschool." Napansin kong biglang lumungkot ang mga mata ni Aira.

Kaya napatanong ako.

"Ahhh, bakit?" Nakatitig ako sa kanya habang siya naman, nangingilid na ang luha sa gilid ng mga mata niya.

-         -            -

-AIRA-

-FLASHBACK-

Pauwi na ako galing sa school. Excited ako dahil sabi ng papa ko, nakatanggap siya ng promotion mula sa kumpanya na pinapasukan ni papa.

Simple lang ang buhay namin. Masaya ako dahil kumpleto ang pamilya ko. Pero pagpasok ko sa bahay namin, nakita kong nakadapa ang mama ko at walang nang buhay.

"MAMAAAAA!" Nilapitan ko siya at iyak ako ng iyak.

Hanggang sa may narinig akong kalabog mula sa itaas.

Umakyat ako at nalaman kong sa kwarto nila mama at papa nanggagaling ang ingay

Sinilip ko sila. Takot na takot ako.

"San nakalagay ang pera niyo?! Ilabas mo!" Sabi nung babae. May mga kasama siya na lalaki at nakapalibot sila kay papa.

Itinuro ni papa yung pera namin. Pagkatapos non, binaril nung babae ang papa ko sa ulo.

Nagtago ako nung papalabas na sila. Hindi ko nakita ang mukha nila. Pero may palatandaan ako sa babae.

May tatoo siya na diamond sa braso.

Galit ang naramdaman ko. Nag iisang anak lang ako. Kaya nang pasukin ko ang mundo ng mafia, doon ko naisip na maghihiganti ako. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakikita at napapatay ang taong walang pusong pumaslang sa mga magulang ko.

Kaya hanggang ngayon, ito ako. Patuloy na umaasang makakamtan ng mga magulang ko ang hustisya na nararapat sa pagkamatay nila.

-           -           -

-JEA-

Habang pinagmamasdan ko si Aira, napapaiyak ako. Kita ko, galit na galit pa din siya.

"Minsan Queen, naiisip kong magpakamatay pero parang laging may pumipigil sakin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kasi pagod na pagod na ko, Queen."

Hindi ako makapag salita. Wala na palang mas sasakit pa sa nararamdaman niya. Hinimas himas ko ang likod niya at hinayaan umiyak sa mga balikat ko. Hanggang sa nakatulog siya sa kakaiyak.

"Hahanapin natin kung sinong hayop ang gumawa non sa mga magulang mo.."

Lumabas na ako.

At naupo sa sofa.

Kaya pala, lagi niyang binabanggit ang mga magulang ko. Dahil alam niya ang pakiramdam ng mawalan ng minamahal.

-          -          -

-XYRIX-

"Saan tayo pupunta, Xyrix?" Tanong sa akin ni Daine.

"Magbabakasyon tayo." Habang inaayos ko ang mga gamit namin.

"Ahh.." tapos naupo siya sa kama.

"Uhm, Xyrix? I just want to ask, ano pa bang kwenta ko? E, wala na si Jea. Di niyo na siya makita. So, ano pang kailangan kong gawin?"

Hunarap ako sa kanya.

"Mapaamin siya. Iyon na lang ang kailangan mong gawin. Kapag nagawa mo iyon, sigurado ako malaking pera ang maibibigay sayo ng parents ni Jea."

Nanahimik naman siya at umiwas ng tingin.

Hindi ko alam pero parang may iba sa kanya. Parang..

Parang ayaw niyang mawalay samin. Parang ayaw na niyang umalis? Hindi ko pa sigurado pero iyon ang pakiramdam ko.

"Bababa muna ako, Daine. Maiwan muna kita dyan."

Lumabas ako at bumaba. Nakita ko naman sila Brie na nakaupo at kumakain ng meryenda.

"Oh, kuya? Tapos ka na mag ayos?"

Tumango lang ako at naupo sa tabi niya.

"Iniisip mo na naman si Jea." Lumingon ako kay Brie at ganoon din siya.

"Hindi ko na alam kung ano pang susunod na mangyayari. Parang patapon na ang buhay ko."

"Kuya naman." Niyakap ako ni Brie.

"Magiging okay din ang lahat. Babalik din 'to sa dati. Okay?" Sabi niya ng nakangiti pa.

Kasalanan ko naman kasi. Sinaktan ko si Fay. Kung mas pinili ko siguro siya, hindi mangyayari ang lahat ng 'to..

TFGAM 2: Five Gangster's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon