XYRIX POV
"She's still in pain." Sabi ni Luke.
"Natatandaan ka kaya niya, Rix? Sabi naman ni Kyle.
Pinapanood namin kagabi si Fay.
"E bakit hindi mo ipaliwanag sa kanya, Xyrix? I know her. Alam kong mapapatawad ka niya." Sabi ni Shaina.
Yeah. Sana nga.
One year ago, iniwan din ako ni Liana. Sumama sila sa tunay na ama ng dinadala ni Liana.
6 months na ang tiyan niya non. Wala akong nagawa dahil pinilit ni Lia ang gusto niya.
"Kuya. Ayos na mga gamit sa car. Lets go?"
Sumakay na kami sa kotse papunta sa bahay ni Fay.
About sa CCTV kung bakit pinalagyan ko yon? Para sa parents ni Fay. Para makita nila ang ginagawa ng anak nila. Para din malaman nila na safe si Fay.
I forgot to tell na ang bahay ni Fay ay malayo sa maraming tao. Yeah. Wala siyang kapit-bahay. Walang kahit isa.
Nag iisa lang ang bahay niya sa isang hindi naman masyadong tago na lugar pero madalang ang nakakapunta doon.
_ _ _
JEA'S POV
"Yaya, anong oras na?" Kakagising ko lang. Masyadong napasarap ang tulog ko.
"Hm, 12 pm na po. Kakain ka na po ba?" Sabi niya.
"Oo."
Kung napapansin niyo, isa lang ang maid ko.
Ayoko kasi ng marami. At tsaka kilala na ko ng maid ko na to. Alam niya ang trabaho ko. Alam niya kung ano ako. At alam niya kung sino ako. I trust her.
Bata pa din to. Mga 25 years old. E ako? 18 years old pa lang ako no.
Pumunta na ko sa kitchen.
"Napasarap ata ang tulog mo at tinanghali ka?" Sabi niya.
"Medyo lang. Kung napasarao edi hindi na ko gigising?" Nakangiti kong sabi.
"Alam mo, Queen. Hanga ako sayo." Sabi niya.
"Bakit naman?"
"Kasi sa ganyang edad mo, kayang kaya mo ng mabuhay mag isa. Kung tutuusin nga, hindi mo ko kailangan e. Kaso, ayoko naman iwan ka. Kasi alam ko, ako na lang ang meron ka." Nakangiti niyang sabi.
"Yaya, masyado atang malakas ang hangin?" Natatawa kong sabi.
Ngumiti siya sakin.
"Its good to see you smiling and laughing, Jea." She said.
Ngumiti lang ako. Oo. Kay yaya, pumapayag ako na tawagin akong Jea. E bakit ba? Gusto ko e.
Natapos na kong kumain nang may nagpindot ng door bell sa labas. Parehas kaming napatingin ni Yaya.
"Hm? Costumer?" Sabi niya.
Nagsenyas ako na buksan ang gate.
Then maya maya, pumunta ako sa living room.
"Ma'am. May tao po."
Then pumasok ang isang babae na naka wheel chair, dalawang lalaki at dalawang babae.
Teka, kilala ko tong isa ah. Siya yung pumunta kahapon dito.
"Te-teka? Sino kayo? At ikaw! *turo ko dun sa lalaki* sino to ha?! Sino tong mga kasama mo?! At.. at bakit may dala kayong mga gamit?!" Sigaw ko.
Halata naman na nabingi sila dahil tinakpan nila ang tenga nila.
"Chill. Okay? He said.
"Uh, galing pa kasi sila sa probinsiya. Wala silang matirahan. So since, ito lang yung alam kong matitirahan namin, dito na kami pumunta." Sabi ulit niya.
"No. Hindi pwede. Kahapon, sabi mo tubig lang ang kailanga mo at mag isa ka lang. Ngayon, bahay na ang kailangan mo ag lima pa kayo! Pinaglololoko mo ba ako?" Galit na sabi ko.
"Ah-ah. Saglit lang ha. Isa muna sa inyo ang kakausapin ni ma'am. At yung matitira na apat, dun sa dining tayo mag usap. Okay ba ma'am?" Sabi ni Yaya.
"Okay.." I said.
"Uhm, ako na lang kakausap sa kanya." Sabi nung naka wheel chair na babae.
Umalis na silang lahat. Kaming dalawa na lang ang natira.
Bakit..
Bakit parang..
Ang gaan ng loob ko sa kanya??
"Pasensya ka na ha. Wala kasi talaga kaming matuluyan. Pangako ko sayo, hindi kami magiging pabigat sayo. Tutulong kami sa lahat nga gawain dito sa bahay mo. Tsaka hindi naman kami masasamang tao o ano. Ako si Shaina Sy." Nakangiti at mahinahon na sabi niya.
"Uhm, ma-may sakit ka ba?" Tanong ko.
"Oo. Cancer ang sakit ko. Nung isang taon pa nga to e. Hindi ko alam kung bakit ang tagal naman akong kunin ni Lord." Natatawa pa niyang sabi.
"Ano ka ba. Wag mo sabihin yan. Oh sige. Pwede na kayong tumira dito. Basta. Kahit anong makita o malaman niyo, wag niyong sasabihin kahit kanino." Sabi ko.
"Sure." Sabi niya.
Nagpuntahan na silang laha dito. Tumayo ako at hinarap silang lahat.
"Pwede na kayong tumira dito. But! Wala kahit sino man ang papasok sa kwarto ko. May dalawang kwarto pa dito. Bale tatlo kasi yung isang room sa yaya ko. Kaya dalawang room lang. Kayo na ang bahalang mag hati sa room." Sabi ko.
"Salamat! Ano nga pala pangalan mo?" Sabi nung isang babae.
"Ha? A-ah.."
"Rim Ji Park ang pangalan niya. Rim ang itawag niyo." Sabi niya.
Muntik na ko. -_-
"Ah. Ako si Brie Freign." Sabi nung babae kanina.
"Im Luke."
"Im Kyle."
"Kilala na kita." Sabi ko.
"Im Xyrix." When I heard his name.
Parang..
Parang may something.
Do I know him?
BINABASA MO ANG
TFGAM 2: Five Gangster's Love
RandomThe Five Gangsters And Me (BOOK2): Five Gangster's Love