CHAPTER 15

845 18 6
                                    

-JEA-

"You really said that?" Gulat na gulat na tanong ni Aira. Psh, O.A ha.

"Oo. E, nabwiset ako, e. Oy! Wag ka ngang Over acting dyan. Parang iyon lang, e." Tapos inayos ko mga gamit ko.

Doon na ako titira. Iyon ang sabi ni mother earth. Lol.

"Ano ka ba? Sino ba namang engot ang hindi mabibigla don? E, out of the blue kung magsabi ka ng ganon. Tss, baka kung ano isipin non sayo, Queen."

"Nah. Di naman siguro. Sige na, hatid mo na ako sa labas."

"Ha? Sa labas lang, ihahatid ka pa? Grabe ka naman, Queen!"

Sinamaan ko siya ng tingin. Tapos bigla siyang ngumiti.

"Ehehe. Parang nagbibiro lang, e. Tara." Tapos sabay hila. -_-

Lumabas na kami kasama si yaya. Nung nasa gate na kami, bigla naman naging seryoso ang mukha ni Aira.

Habang inilalagay ko ang mga gamit ko sa kotse, tinanong ko siya.

"O? What's with the face, girl?" Pabirong tanong ko.

"Mag iingat ka doon, Queen." Mangiyak ngiyak pang sabi niya.

Napapatawa tuloy ako pero syempre ayokong sirain yung moment.

"Oo na." Then they hug me.

"Yaan mo, Queen. Makakalaya ka rin. Dadalaw dalawin ka naman namin ni yaya, e. Diba, ya?" At tinapik pa si yaya sa balikat.

Si yaya naman, sumang-ayon pa. -_-

"Luka! Ginawa niyo pa kong preso, ah!" Tapos ayon, tawa sila ng tawa. Ugh!

"De, Queen. Nagpa-practice lang kami. Kasi diba? Paano kung mahuli ka na? Malaman na mamamatay tao ka? Hindi ko ata makakaya." Sabay nagpunas pa siya na akala mo'y may luha talaga.

"Letse. Aalis na nga ako!" Tapos sumakay na ako sa kotse.

"Ingat, Queen." Sabi ni yaya.

Ngumiti ako at tumango. Si Aira naman, tawa pa din ng tawa. Hahaha. Lakas talaga ng tama.

Mga ilang minutes, nakarating na ako.

Parang wala atang tao?

Nagtanong ako sa guard.

"Kuya, nasaan sila?" Tanong ko.

"Umalis na. Pinapasabi nga pala na sumunod ka raw sa kanila sa school."

Tumango na lang ako at pinasok ang kotse ko sa loob. Hahaha. Natatawa ako, e.

Ang sosyal kong katulong, no? May kotse. Wahahaha. Laughtrip ako, e. xD

Pagkatapos kong i-park, pumasok na ako sa loob at umakyat sa kwarto ko.

Inayos ko ang mga gamit ko. Naligo ako at nag ayos.

Bumaba ako at kumain. Feel at home lang, Jea? Wahaha. Bahay ko naman 'to, e. Huhu. Namiss ko kaya 'to. ^___^

Pagkatapos, nagpahinga ako saglit. Nanood muna ako ng T.V

Anong oras na ba? Tumingin ako sa relo ko. 9:45 am na.

La? E, wala naman sinabing oras kung kailan pupunta, e. Pero pupunta na ko. Baka mamaya, uminit pa ulo nung pekeng babae na iyon. -_-

Magco-commute na lang ako. :3

Lumabas na ako at sumakay ng tricycle.

"Saan ka po, ma'am?"

Inabot ko ang bayad ko.

"Sa Won University po, kuya." Tapos umandar na.

Maya maya, nakarating na kami.

"Salamat po." Nakangiting sabi ko.

Pagharap ko sa school, pinagtitinginan ako. Oh well, dapat lang dahil ako talaga si Jea.

"Kambal ba iyan ni ma'am Jea? Kamukha niya, e." Sabi ng isang girl student.

Di ko na iyon pinansin at nag deretso sa office.

I knock two times. Hahaha.

"Come in." I heard a voice says that so, I enter the room.

Ikinagulat ko din nang makitang nandoon si Xyrix. -_-

Napairap na lang ako. Ugh. Tapos bumati.

"Good morning ma'am, sir."

"Good morning." Nakangiti nilang bati.

"Uh, sir. Pinapunta niyo daw po ako."

"Yes. Pinapunta ka ni Jea dito." Sabi ni Xyrix.

Napairap na lang ako. Feelingero! Di naman siya kausap ko, e! -_-

Ngumiti na lang ako ng pilit.

"Sige na, Iha. Abangan mo na lang si Jea sa may labas ng room niya. Doon sa building ma kulay green. Second floor, second room. Thank you."

"Sige po." Tapos umalis na ako.

Mag uuwian na pala sila. Maghihintay na lang ako sa canteen.

Naglakad lakad na ako. Bigla akong hindi mapakali. Pakiramdan ko kasi may nagmamasid sakin.

Oo, pinag titinginan ako ng mga students na nadadaan ko pero ang isang to, iba ang titig niya.

Lumingon lingon ako sa gilid ko. Pero mas malakas ang pakiramdam ko na sa bandang likuran ko siya.

Pumikit ako at huminga ng malalim tsaka dumeretso sa canteen at naupo.

Nakatingin pa din siya. Habang palakas ng palakas yung pakiramdam ko, pabilis naman ng pabilis ang heart beat ko.

Dahil ba sa kaba? Ano ba yan. Hindi ko--

"What are you doing here?" Pagtingin ko si Fake Jea pala. Tsk.

"Ah, pinatawag mo daw po ako sabi ng tatay mo." Magalang pero puno ng kabastusan ang sagot ko. Letse siya. Muka siyang tanga.

"Tss. Umuwi ka na. I don't need you here." Umalis na siya tapos inirapan pa ko.

Sipain ko kaya 'to? Nakakagigil, e. Lanya. -_- makaalis na. Baka makapatay pa ko.

Pagtayo ko, bigla akong may nakabunggo.

"Sht!"

Tinignan ko siya. Mata sa mata.

"I'm sorry. Nasaktan ka ba?" He said.

"Tanga ka ba? O, bobo ka lang talaga? Kita mong nabunggo mo ko tapos tatanungin mo kung nasaktan ako? Stupid!" Tapos iniwanan ko siya.

Nakaka-stress naman mga tao dito. Putspa. Nung nag aaral ba ko dito, nai-stress ako lagi? Hays.

Naglalakad na ako palabas ng maramdaman kong may sumusunod sakin kay bigla akong napaharap at...

*BOGSH*

Nagka untugan kami.

Aray. Saaaakit! Yung noo ko! Ugh!

Pagtingin ko..

"Ikaw? Letse! Di mo ba ko titigilan?!" Sabi ko habang hawak ang noo ko. Aray ko. Ang sakit talaga. :((

Yung nakabunggo ko kanina. Ayaw akong tigilan. Ugh!

"Sorry na." Nakatingin lang ako ng masama sa kaniya.

Huminga siya ng malalim at ngumiti.

Iniabot niya ang kamay niya sa akin.

"Karl Jake Songha."

TFGAM 2: Five Gangster's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon