3rdRide

30 2 1
                                    

Ely's POV

Bumalik na ako sa room namin kasama si Van. Wala pa si Zel pero maya maya ay dumating narin, kasunod ng prof namin na si Ma'am Dela cruz.

"Goodmorning class!"

Tumayo ang lahat. maliban kay Zel, walang galang talaga tong babaeng ito.

"Goodmorning ma'am!"

Buti nalang mabait si Ma'am. Favorite teacher nga yan ng karamihan eh. Magaling kasi sya magturo, at kahit strikto yan, maituturing mo naman syang parang pangalawang ina dahil hindi sya mahirap lapitan. At isa pa dedicated sya sa pagtuturo..

Wala kasi syang asawa, at lalo namang walang anak. Ang kwento kasi,,

Dati daw ay talagang dedicated na sya sa pagtuturo. Marami daw talaga siyang manliligaw. Pero ang problema ay pihikan sya. Pero isang araw ay mayroong isang binata na nagpatibok ng kanyang puso. Ang pangalan nya ay si Gerrardo Jr. Nagmahalan sila ng sobra, ngunit nasira ang kanilang relasyon nang mawalan ng oras si Ma'am Delacruz para kay Gerrardo Jr. Nagsimula silang mag away at di nagtagal ay naglahong parang bula ang matagal nilang pinagsamahan. Nasaktan ng sobra si Ma'am Delacruz at wala na syang ibang inibig pa. Ibinuhos nalang nya ang lahat ng kanyang atensyon sa mga estudyante at sa pagtuturo.

Kaya naniniwala na akong walang forever. Dejoke lang..
May forever hanggang naniniwala ka sa Diyos.

"Okay. Yun lang naman ang lesson natin ngayon. May short quiz kayo bukas ha."

Hindi ko namalayan na natapos na palang mag discuss si Ma'am.

"On Monday, next week, you will be having a performance about our lesson. Think of an OPM song which you will sing with your seatmates."

May sumabat bigla...

"Ma'am, yung seatmates po ba namin yung magiging partner namin?"

"Yes, since boy-girl naman ang seating arrangement nyo."

ANO???!!!!

Sandali lang ha..

Sandali lang...

loading...

1%
...

5%
...

10%
...

100%

Okey okey..

May performance kami...

Sa Monday next week na daw..

About sa lesson namin...

By partner...

Ang partner ay ang...

Seatmate?

si Zel ang partner ko?

napatingin ako kay Zel, at binigyan nya rin ako ng isang matalim na tingin... na para bang ini-imagine nya sa isip nya na binabaril ako ng 20 assassins.

Nakakatakot tuloy syang kapartner.
Baka bago pa man kami makapag perform,
pinaglalamayan na ako nyan.

Buti pa si Van..
Mukhang matino ang kapartner nya.
Hay buhay!

ZEL'S POV

papunta na ako sa parking lot ng school para makauwi na.

Still, nakakaboring ang araw na to. At nakakabwisit din. -.-

Bwisit na school.

Bwisit na teacher.

Bwisit na bullies.

A Ride with HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon