8thRide

10 1 0
                                    

ZEL'S POV

O_o

Anong....

Anong ginagawa nila dito?????

Napahinto kami ng paglakad ni Ely noong nakita namin kung sino sila...

ano ba kasing ginagawa nila dito??

Hindi ko ipinagmamalaki na rider ako.

Lalong lalo na pag nasa school ako at maraming tao!

"Zel!!!"

Tinawag nya na ako.

Si Jason.. at kasama nya yung iba pa. Pero iilan lang. Nakaitim silang lahat gaya ng lagi nilang suot at nakasandal sila sa kanya kanya nilang motor. Kaya talaga namang pag uusapan sila ng mga estudyante dito.

"Kilala mo sila?"

Tanong sakin ni Ely na parang gulat na gulat.
Tumango tango ako.

Lumayo ako ng konti kay Ely para di nya marinig ang usapan namin.

"ano bang ginagawa nyo dito?"

Ngumiti sya sakin.

"Tinitignan ko lang kung ok ka na."

"Hindi ka dapat pumunta dito."

"Bakit naman? Susunduin sana kita eh. Kayalang may kasama ka pala...."

Tinignan nya si Ely.

"Kaibigan mo ba sya?"

hindi nya hinintay na sumagot ako at nilapitan nya si Ely na nakatayo sa likod ko. Nagface-to-face sila.

Parang may kuryenteng naglalaban sa pagitan ng mga mata nila. Shete. Jason naman!

Kinakabahan ako sa tinginan nilang dalawa.. lalo na nung ngumisi nanaman si Jason.

"Pre, grabe naman ang bugbog mo. Tsk tsk."

Kumunot ang noo ni Ely..

Teka lang...

parang hindi na maganda ang aura nilang dalawa. Kinakabahan na talaga ako....

Si jason naman!!! Ano bang ginagawa nya?!!

"tama na. Uuwi na kami."

Sabi ko sakanilang dalawa...

Pero parang walang nakarinig sakin. Nagtititigan parin sila. Nakakatakot na yung tingin ni Ely kay Jason.. grabe. Ngayon lang ako natakot sakanya. eh ngayon ko lang naman sya nakitang ganyan eh. Hindi na yata maganda to... >_<

Ano ba talgang meron dito?????!!!

"Tsk tsk tsk. binugbog ka siguro ni Zel noh? Haha. Ang lampa mo naman."

oy oy oy!!! Kahit sinasaktan ko yang si Ely, at kahit pinadugo ko yung ilong nyan kanina, hindi ko naman sya binibigyan ng pasa noh!!

Babae parin ako...

Weh?

Di halata.. mwahahah

Ayt.. di tamang tumawa habang may dalawang lalaking nagpapatayan ng tingin sa harapan mo... >_<

lalo na si Ely.. haru nakupo. Kanina kulay red lang yung aura nya, ngayon dark violet na!!!

Ang lakas naman kasing mang asar nitong si Jason. Sarap sapakin...

"Hindi ako lampa. Sadyang di ka lang marunong lumaban ng patas."

Sabi ni Ely.

Huh?? anong di marunong lumaban ng patas? Anudaw? Gets nyo? Ako hindi ehh.

A Ride with HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon