10thRide

8 1 0
                                    

LadyAriadne's note 😘

Ok guys, how is the last chapter. Just drop your comments and please vote... Bitin ba? Haha. Pinakilala ko lang kung sino talaga si Zel sa likod ng helmet nya.  Para kahit papano, maliwanagan kayo sa takbo ng story.. mehehe. Now this is the real story.... continuation....

_°_°_°_°_°_°_°_°_°_°_°_°_

Ely's POV

"Anak...."

Sabi nung lalaki na kasama ng lola ni Zel. Mukha syang mayaman dahil sa suot nya.

siguro sya na nga yun..

Yung papa ni Zel.

"Anak.. gusto ko lang naman na makasama ka ngayong birthday mo."

"Alam mo, hinihiling ko dati yan. Pero ngayon.... tsk... hindi na!"

"nene! Wag kang magsalita ng ganyan sa papa mo!"

sabat ng lola nya.

"Bakit ba nandito ka pa?! Umalis ka na! Hindi ka namin kailangan kaya pwede mo na kaming Iwan kagaya ng pag iwan mo saamin ni mama noon!!!!"

"Anak naman... alam mong di ko ginusto yun."

"Umalis ka na!!!"

Sinigawan ni Zel ang papa nya at binitiwan nya ang kamay ko. Tumakbo sya papasok sa kwarto nya at naglock ng pinto.

Naiwan ako dun na nakatayo...

"Fred, pagpasensyahan mo na sya. Baka hindi parin sya handa sa ngayon."

"Ayos lang po. Makita ko lang na maayos sya, masaya na ako. Sige po, mauuna na ako."

lumakad sya papalapit sa pinto.

Napatingin sya saakin.

"Pwede ba kitang kausapin... tungkol kay Zelaynie."

tumango tango ako at sumama ako sakanya sa labas ng bahay.

"Siguro....  boyfriend ka ni Zel."

"Ha... ahh... ehh---"

Bakit lagi nalang ako napagkakamalan ng mga kamag anak nya na boyfriend ni Zel? 😒

"Malapit ka sakanya, at siguro araw araw mo din syang nakikita.."

Hmmm. Hindi ko sya nakikita pag linggo. Wahaha

"Pwede ba kitang hingian ng pabor?"

"Ano po yun?"

"sana, huwag mo syang pababayaan. Kapag malungkot sya o nag-iisa, lagi mo syang sasamahan. Iingatan mo sya. Babantayan mo sya. Huwag na wag mo syang papaiyakin at lalong wag mo syang sasaktan. Aalagaan mo sya. atsaka sabihin mo sa lola nya kung pinapabayaan nya yung aso nya ha.   Pwede bang gawin mo yun..... para sakin?"

"Ginagawa ko na po.... kahit hindi mo sabihin."

"Salamat... *sigh* galit parin sya sakin.. at hindi ko naman sya masisisi. Sana lang alam nya na ginawa ko ang lahat para hindi mawala ang mama nya."

Tumungo sya tapos lumabas na sya sa gate at sumakay sa kotse nya. Pagkaalis nya, tinext ko si Zel..

to Zel:
~Zel... salamat dahil sa buong araw na kasama kita. Ang saya ko ngayon... pramis. Next time ulit at happy happy birthday.... Sige uuwi na ako. Goodnight ^-^~

Pagkatapos nun, umuwi na ako..





Zel's POV

Pagkatapos kong palayasin yung Lalaking yon, tumakbo ako sa kwarto ko at nagkulong.
seriously... ayoko talaga syang nakikita. Kumukulo ang dugo ko sakanya.

A Ride with HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon