2ndRide

29 4 0
                                    

Ely's POV

Anaktokwa! Male-late na ako!!! Shete!!!!
Hindi nanaman ako nagising agad! Shete talaga! 2 minutes nalang magriring na yung bell!!!

Lakad-takbo-lakad na ang ginagawa ko.. pero panigurado late parin nyan ako. Naglalakad lang ako kasi walking distance lang naman ang school eh.

Brooooommm!!!! Broooooommmmm!!!

May mabilis na motor na biglang sumingit sa dinadaanan ko.

Bwisit to ah! muntik na akong mahagip nung babaeng nagdadrive...

Teka, parang kilala ko to ah!

Eto yung new student na katabi ko na walang galang at mahilig manipa!

"Hoy! Hoy! Ikaw! Babaeng nakamotor!"

Sigaw ko sakanya. Pero mukhang di nya yata ako naririnig. Ano nga ulit ang pangalan nito?
Zel.. Zelnie? ... Zelnani? .. Zelyanie?

Ay oo nga pala!

Zelolini !!!

Agad ko syang tinawag habang tumatakbo ako...

"Zelolini !!!!!"

Biglang huminto yung motor nya. Ayun! Narinig narin ako sa wakas.
Lumingon sya sakin.. pero pinaandar nya din agad yung motor nya.

Aba! Loko to ah!

"Hoy! Pasabay! Hoy!"

Bwisit talaga tong babaeng to.

Tinuloy ko nalang ang pagtakbo. Binilisan ko nalang,..

"Ely!"

May narinig akong tumawag sakin nung nandun n ako sa malapit sa gate ng school.
Si Van. Late din pala sya..

"Uy tara. Bilisan natin."

Hinila ko na sya papunta sa room. Late kami ng 3 minutes matapos magring ang bell.
Buti nalang wala pa si Sir T'Ror

At ayun...

Nadatnan ko ang mabait kong katabi na natutulog sa armrest nya. Astig diba -.-"

Dahil mabait ako, hindi ko na sya ginising... kahit nung pumasok na si Sir sa room na mukhang wala na naman sa mood.
Mapagalitan sana sya..
Wahahaha *evil laugh*

Pasalamat sya, hindi sya napansin ni Sir T'Ror. Terror pamo yun. Katulad nalang ng apelyido nya.

"Bring out your research papers."

Buti nalang nakapag search ako kagabi..
First time kong gumawa ng assignment ヽ(^。^)ノ

Pinatong namin ang mga paper namin sa kanya-kanyang armrest. As usual, marami nanaman ang hindi gumawa ng assignment.

Parang hindi natututo tong mga to. Pag wala ka kasing assignment sa subject ni Sir, kahiya hiya ka.

At magiging literal ka pang kahiya hiya dahil papatayuin ka nya sa harap ng room at ipapahiya. dibale nang maubos ang kalahati ng time nya, basta maipahiya ka lang nya.

Terror si Sir. Pero madalang lang nyang gawin yon.. kapag mainit lang ang ulo nya, katulad nalang ngayon.

Nilapitan nya kami isa isa para tignan kung may assignment kami. May dalawang lalaki naring nakatayo sa harap. Mga dati nang di gumagawa ng assignment.

Napansin ko na natutulog parin ang katabi ko na nakasubsob ang mukha sa armrest nya at mukhang wala ng balak gumising.

Tinapik ko sya..

A Ride with HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon