Ely'S POV
bakit kaya di pumasok si Zel ngayon?
May assignment pa naman kami sa terror naming teacher.Hindi ko kasabay si Van ngayon kasi kinonchaba ko si Rodgen para sya ang maghatid kay Van pauwi.
magiging tulay muna nila ako ngayon.
Nakakatuwa kasi na may nanliligaw sa bestbro ko at alam kong matino yung lalake.
Nakakakilig.
Ay? Erase. Erase.
tunog bading eh.Going back to Zel, bakit kaya di pumasok yung babaeng yun?
May ilang posibleng rason
A. Tinamad sya
B. May sakit sya
C. namatayan sya
D. Nalate sya ng gising dahil napuyat sya sa kakaisip saakin kagabi :) wehehePanigurado letter A lang yun. Kilala ko si Zel.
Peste kasi sya, bakit ba di nya sinasagot ang mga tawag at text ko. Kinakabahan tuloy ako baka may kung anong nangyari sakanya.Tss. think positive.. baka nga pagdating ko sa bahay nila nakahilata lang sya sa sofa, nanunuod ng Tv habang kumakain ng popcorn.
konting lakad pa.... nakarating na ako sa bahay nila. Hay grabe.... pakiramdam ko ang bilis kong hingalin ngayon.
"Tao po."
Walang sumagot.
"Tao po?"
Lumabas yung lola nya.
"Bakit?"
"Si Zel po?"
"ay sandali lang..."
pumasok sya ng konti sa bahay nila, at sumigaw
"Nene, yung boypren mo nasa labas!"
wahaha nakakatawa talaga yung palayaw nya.
Teka.. Nudaw? Ako? Boyfriend ni Zel?
Anong kalolohan yun?!!!"Oy."
"AYBAKLANGKABAYOANGPANGETMO!"
Pagkalingon ko biglang.. *WAPAK!!!!* may sumapak ng malakas sa akin.
"Aray!!! >_<"
huhu. Siguro kilala nyo na kung sino yung kumalabit saakin at tinawag akong "oy" dahil isa lang naman ang babaeng nananapak saakin sa story na to.
"Anong baklang kabayo, ha??!!"
Sabi nya ng nakasinghal.
"grabe ka! Nagulat ako eh!"
"Nene, bakit mo sinasaktan yang boypren mo? Kanina ka nya pa hinihintay.nandyan ka lang pala." Sabi ng lola ni Zel na kalalabas lang ng fate.
Ugh! Bakit ba tinatawag ako ng lola nya na boyfriend ng apo nya. -_-
"Lola, diba sabi ko sayo, hindi ko nga po sya boyfriend? ....
Tama!! tama!!
.... bakla nga sya eh!"
Ano?!! Sinong bakla, AKO???!!!
Napatingin ako ng masama kay Zel.
Bigla nya naman akong hinila sa puno malapit sa bahay nila."Ganito kasi yun... once upon a time, nag overnight ako sa bahay ng kaibigan kong bakla na malapit lang saamin dahil bigla nya akong niyaya na mag overnight. Habang nasa bahay nila ako, nalaglag ako sa hagdan ng bahay nila at nagkasugat ako ng marami. The end."
"ano namang konek ng kwento mo sa pinag uusapan natin? At sino naman yang baklang tinutukoy mo?"
"Kase.... ang alam ni lola, naki-overnight ako sainyo. Atsaka syempre baka anong isipin nya... kaya sabi ko bakla ka."
BINABASA MO ANG
A Ride with Her
De Todotrying to change his life with his bestfriend Vanessa Morado, Ely Leunam meets this mysterious sadist girl, Zelaynie Cadence Dizon, who came up to be his new seatmate in class. But every secret has its revelation. Now, it's up to Ely to continue the...