ALEC'S POV
VAN's POV
Magdadalawang linggo na mula noong malaman ko yung pagkokontsabahan ng tatlo kong kaibigan para lokohin ako.
Magdadalawang linggo ko na din silang hindi kinakausap at pinapansin. Nagpalipat din ako ng seat sa klase.. Dun sa malayo sa kanilang tatlo. Hindi ko rin kasi maatim n tumabi pa sa kahit sino sakanila.
Siguro naman alam nila kung bakit ko ginagawa ang mga bagay na ito.. Kung bakit ganito na ako ngayon. Kahit ilang beses pa silang magsorry at kahit sincere pa sila, hindi na nila mababago yung fact na niloko mila ako. At sinira nila ang tiwala ko. Pinagmukha nila akong tanga. Para nila akong ginawang bata na naniniwala sa toothfairy. Even if I sound so rude. Hindi na kami babalik sa dati.
Mas nakadadagdag pa sa sakit yung makikita ko sila Zelaynie at Alec na araw araw naglalambingan. Kahit pa sinabi ko sa sarili ko na susuko na ako kay Alec, syempre nasasaktan pa rin ako. At nakakalungkot isipin na minsan, para bang wala lang sa kanila na galit ako.
Si Rod naman, di hamak na mas apektado sa nangyari. Mukha syang depressed sa araw araw. Lagi ko rin syang nahuhuling nakatitig saakin-at kahit pa alam nya ng nakatingin na ako sakanya, hindi pa rin nya inaalis ang paningin nya saakin. Para bang sa bawat kislap ng malulungkot nyang mga mata, binabato nya ako ng salitang sorry patawarin mo na ako.
Bihira na rin siyang ngumiti gaya ko. Hindi na rin sya focused sa mga subjects namin kaya madalas syang napapagalitan ng teachers.Well, kasalanan nya naman yan eh. Hindi nya ako masisisi kung bakit hindi ko na sya kayang patawarin. Marami na rin syang ginawang paraan para magsorry. Pero lahat ng yon, useless.
Buti na lang at absent sya ngayon. Actually, magta-tatlong araw na nga eh.
Siguro natakot yun sa bagyo kaya di pumasok.Nagring na ang bell at as usual, tinulungan ko ang teacher namin sa mga gamit nya pabalik sa faculty room.
Nagsilabasan na ng room ang mga kaklase ko.. Sila Zel at Alec, dumaan pa sa harap ko. Napatingin ako sakanila at nakita kong nakasmile si Alec saakin. Pero hindi ko sya pinansin at sumunod na lang ako kay Ma'am palabas ng room.
Pagkarating ko ng faculty at matatapos na akong magbalik ng mga booklets sa shelves nang tawagin ako ng adviser namin.
"Morado, can I ask you a favor?"
"Ano po yon Ma'am?"
"Aware ka naman na three days ng absent si Rodgen. Walang excuse letter na nakarating saakin at hindi ko rin macontact yung number ng guardian nya sa listahan, o kahit sya. Hindi ko tuloy alam kung ano na ang nangyari sakanya. Naisip ko sanang maghome-visit sa kanila... Kayalang Hindi lang naman kasi sya ang iho-home visit ko eh.. So pwede ba kitang pakiusapan na ikaw nalang ang maghome-visit sa kanya? Since ikaw rin naman ang class president at sabi ng mga kaklase mo, ikaw lang ang nakakaalam ng bahay nila."
Napasimangot ako sa mahabang eksplanasyon saakin ni Ma'am. Ano to, kinokontsaba na rin sya ni Tadhana para lapitan at kausapin ko si Rod? Kainis ha.
"Please Vanessa, I can trust no one but you on this."
"Ok po Ma'am."
Matipid kong sagot. Para namang nabunutan ng tinik sa dibdib si ma'am nang pumayag ako.
"Thank you talaga. Nag-aalala na ako sa batang yun. Hindi naman sya palaabsent, maliban nalang kung may mabigat na dahilan."
Mabigat na dahilan na rin sigurong maituturing kung nadepress na nga sya ng tuluyan.
Hayyyyss.. Kainis naman. Bakit ako pa talaga?
I hate this.

BINABASA MO ANG
A Ride with Her
Randomtrying to change his life with his bestfriend Vanessa Morado, Ely Leunam meets this mysterious sadist girl, Zelaynie Cadence Dizon, who came up to be his new seatmate in class. But every secret has its revelation. Now, it's up to Ely to continue the...