"Wag kang matakot. Matagal ko nang alam kung sino ka."
.
.
.
.Wala akong mabasang emosyon sa mukha nya. Hindi sya galit. Basta sa ngayon, naguguluhan ako kung bakit alam nya. Kung paanong nalaman ni Deliorha na babae ako, ay hindi na nakakapagtaka dahil sa pagkakaalam ko ay sinusubaybayan nila ang kalaban nilang gang.
Unti unti nyang nilapit ang mukha nya at....
"Aray!!!"
Tinapakan ko ang paa nya. Kaya napalayo sya at napatalon sa sakit.
"Paano mo nalaman?!!"
"Hahahaha. Ibang klase ka talaga!"
"Pano mo nalaman? Sumagot ka!"
"Don't cha worry babe. Your secret is safe with me."
bwisit to. Babe daw? Yuck! ╰_╯
Sinikmuraan ko nga."AWWW!!! Grabe ka manuntok. Para ka talagang lalake!!"
"Pano mo nga kasi nalaman?!!!╰_╯"
"Syempre, ako ang lider nyo. Sinusubaybayan ko ang bawat isa sa inyo."
Kung sabagay. Baka hindi lang ako nag ingat sa sikreto ko.
"jason... pwede bang humingi ng pabor sayo?"
"Yes. Anything for you."
"P-pwede bang wag mong ipaalam sa iba na na... alam mo na."
"Ofcourse."
"Atsaka, ituring mo ako na parang dati lang. Ayoko ng special treatment."
"Yes ma'am!"
Pagkatapos nun, inangkas nya ako sa motor nya at hinatid sa bahay ko. buti nalang hindi nagising si lola. Ginamot nya yung sugat ko at pati yung pilay ko.
Sabi ko no special treatment eh.
Ewan ko kung paanong ang isang katulad nya na pariwara ang buhay ay naging parang nurse kung manggamot.
Nakakatuwa kasi, hindi naman talaga ganito si Jason sa ibang tao. Though sinabi ko na sakanya na ayoko ng special treatment.
Ngayon ko lang nakita yung ganitong side nya.(*^﹏^*)"Oh ayan. Gagaling na yan."
Sabi nya sakin na nakangiti.
"thanks."
"Ihahatid ko nalang dito yung motor mo."
"Sige. Thanks ulit."
"Mauna na ako. Goodnight."
"goodmorning ^_^"
Since 2 am na pala. Buti nalang at walang pasok bukas. Pwede akong magising ng late.
Kumaway ako kay Jason pagkatapos ay umalis na sya.
Kinabukasan ...
9 am na ako nagising.
Kinuha ko yung gitara ni lolo at umupo sa may balkonahe ng kwarto ko.
Medyo marunong naman akong mag gitara kaya tinugtog ko yung Alipin.
Hindi narin ganoon kasakit yung pilay ko kasi hindi naman malala.
Prinactice ko yung kanta namin."Di ko man maamin
Ikaw ay mahalaga saakin
Di ko man maisip
Sa pagtulog ikaw ang panaginip....""Meron pang dalang mga rosas
Suot nama'y maong na kupas...."napansin kong may sumasabay saakin sa pagkanta kaya napatingin ako sa paligid.
Ely'S POV

BINABASA MO ANG
A Ride with Her
Aléatoiretrying to change his life with his bestfriend Vanessa Morado, Ely Leunam meets this mysterious sadist girl, Zelaynie Cadence Dizon, who came up to be his new seatmate in class. But every secret has its revelation. Now, it's up to Ely to continue the...