A/N:
Hi Madla :3
Sorry sa mabagal na update. Nagkaconflict kasi ang Wattpad app ko. kK. But it's fixed now ∩__∩°_°_°_°_°_°
ZEL'S POV
pagkatapos ng mga nangyari, tuluyan akong nawalan ng malay at pagkagising ko, nandito na ako sa isang bed sa emergency room.
Nagpalinga linga ako sa paligid at wala akong nakitang kakilala ko. Sino ba ang nagdala sakin dito?
sa ngayon, masakit parin ang mga pasa ko at ang mga sugat sa buong katawan.
Marami akong benda at may nakaturok din saking dextrose. Nanghihina parin ako.
napatingin ako sa orasan sa pader at nakita kong 8:45 a.m. na.. panigurado hinahanap na ako ni lola. Sasabihin ko nalang nag overnight ako sa ibang bahay. Hindi narin ako makakahabol sa klase kase late na ako. At hindi ko rin naman kayang pumasok na ganito ang kalagayan ko.Bigla nalang bumukas ang kortina na nakatakip sakin at nakita ko si Jason na katabi ng isa pang rider. Nagliwanag ang mukha ni Jason nang makita nya ako.
"Zel, gising ka na."
Nginitian ko sya.
"Ano'ng nangyari nung tulog ako?"
.
.
.
.JASON'S POV
kagabi, nasa lodge ako at nakikipag-inuman sa mga barkada kong riders. Nagkakasiyahan muna kami.
Pero wala sa eksena si Kelly.
Tinanggal ko na sya sa Viers dahil sa kag@gUhang ginawa nya. Hindi ko na kasi napigilian ang sarili ko nang malaman kong sya ang nagpapunta kay Zel sa laban namin ni Deliorha.
Kilala ko si Zel. At alam kong hindi nya papalampasin ang pagkakataon na matalo ang bagong lider ng Marauders. pero hindi nya kilala ang bagong lider na si Deliorha dahil hindi sya basta basta lang at ayokong mapahamak si Zel.
Kaya si Kelly nalang ang isinalang ko sa race dahil bukod kay Zel, isa sya sa mga magagaling.
Pero nagulat ako nang si Zel ang lumaban at katulad ng inaasahan, hindi sya nagpapigil at sa huli ay napahamak nga sya.Hindi ko kayang makita na nasasaktan si Zel...
Dahil sa isang bagay...
kaya naman agad kong tinanggal sa grupo si Kelly dahil kung hindi ko ginawa yon ay malamang na napatay ko na sya. At dahil doon, si Zel na ang bago kong kanang kamay. Nagalit si Kelly saakin pero wala akong pakealam sakanya.
nung nasa club kami, tatawagan ko sana si Zel para makisalo sa kasiyahan namin at masabi ko sakanya ang pagtanggal ko kay Kelly. pero sa kasamaang palad, nawawala ang cellphone ko.
Bigla nalang may lumapit saamin na isang rider at sinasabing gusto akong makausap ni Kelly sa San Juan Pass kung saan laging nagaganap ang mga race. Pumunta naman ako kasama ng iba pang riders.
"diba sinabi ko sayo'ng ayaw na kita makita?"
Bungad ko sakanya."Baka gusto mo na akong pabalikin. May regalo kasi ako sayo eh."
at ano nanaman kayang kalokohan ito? ╰_╯
Umalis sya sa harap ko at bumungad saakin ang isang babaeng nakadamit ng pang racer habang sinusuportahan sa kamay ng dalawang lalaki.
Wala syang malay at marami sya dugo sa katawan.Nagpuyos ako sa galit nang makita ko syang ganoon at napakuyom ng kamao. Hindi ko na napigilan at nasuntok ko si Kelly kaya nasubsob sya sa lupa.
"Anong ginawa nyo kay Zel?!!"

BINABASA MO ANG
A Ride with Her
Randomtrying to change his life with his bestfriend Vanessa Morado, Ely Leunam meets this mysterious sadist girl, Zelaynie Cadence Dizon, who came up to be his new seatmate in class. But every secret has its revelation. Now, it's up to Ely to continue the...