Napatingin sya sakin.
"Sige . . . titigil na ako sa pakikipag-race.
Pero . . . ang alam ko, wala pa akong kinukwento sayo tungkol sa pagiging rider ko.Sabihin mo nga sakin, paano mo nalaman na kasali ako sa Viers?"
😰😰😰😰😰
Patay. Nadulas ako.
Naningkit yung mata nya at tinitigan ako.
"Ahm.... Kase..... May kaibigan ako dati na kasali din sa Viers. Ahehe.... "
Lalong kumunot ang noo nya.
"Talaga? Anong pangalan?"
Tanong nya..
"Ahh.. Si ano.... si Allen. Pero matagal na syang tumiwalag sainyo. Gusto nya na daw mag bagong buhay."
Tumango tango naman sya dun sa sagot ko.
Phew! That was close!
"Pero... Sabi mo yan ha. Aalis ka na sa Viers."
Tinignan nya ulit ako atsaka nagsmile.
"Para kay lola."
Tapos tumingin na ulit sya sa mga bituin sa langit.
Sana nga talaga, katulad ko, iwan nya na ang pagiging rider. . .
Para maging ok na ang lahat.
Para wala ng masabi sakanya si ate.
Para hindi na mag-alala sakanya ang lola nya.
Para matupad ko yung pabor na hinihingi ng papa nya na ingatan ko sya.
Para hindi na sya nasasaktan.
Kase ayokong makita syang napapariwara ang buhay kasama ng mga lalaking yon.
.
.
..
.
.Jason's PoV
Nandito lang ako... Sa dati kong lugar.
Nakatingin nanaman sakanya mula sa malayo.
Para akong tanga.
Or worst.
Para na akong baliw.
Bakit ba ako nandito?
Hindi ko naman sya magawang lapitan.
Kase may kasama syang iba.
At mukhang masaya sila.
Kaya pala hindi na sya pumupunta sa mga race.
Palagi syang may dahilan.
"*sigh* tatayo lang ba tayo ulit dito?"
Tanong sakin ni Arron na nasa tabi ko sakay din ng motor nya. Hindi ko sya sinagot.
Nandito kami sa di kalayuan sa bahay nila Zel. At ayun sya... Nakahiga sa damuhan katabi ng kaibigan nyang lalaki.
"Ilang oras ka pa bang manonood dyan, pre? Ilang araw mo na tong ginagawa. Kung talagang gusto mo sya, kunin mo. Hindi kusang lalapit sa manok ang palay."
Maghintay ka lang.
Makukuha din kita.
At pag nakuha kita,
hindi na kita pakakawalan.
"Tara na."
Sabi ko kay Arron at umalis na kami sa lugar na yon.

BINABASA MO ANG
A Ride with Her
De Todotrying to change his life with his bestfriend Vanessa Morado, Ely Leunam meets this mysterious sadist girl, Zelaynie Cadence Dizon, who came up to be his new seatmate in class. But every secret has its revelation. Now, it's up to Ely to continue the...