Ely's PoV
.
.
.
.5:30 a.m. on the clock.
Ang aga kong nagising.
kinusot ko yung mata ko at nag inat tapos bumangon ako sa kama ko at inayos yun. Tapos lumabas na ako sa kwarto at nakita ko si ate na naka ayos na at nagsusuklay ng buhok. Ay nga pala.
hired na si ate sa trabaho nya!!!
Yes! Lalaki nanaman nyan ang allowance ko mwahahah!Nakita ako ni ate.
"Oy.. ang aga mo yata ngayon."
"Wala... trip ko lang."
pumunta ako sa kusina at Kumuha ako ng isang pandesal. Ilang saglit lang, umalis narin ai ate. Maaga pa yung pasok nya eh. Ako naman, naligo na ng mabilis tapos nagbihis tapos nag almusal.
maganda yata ang gising ko ngayon 😊
Nilock ko na yung bahay tapos naglakad na ako papunta sa bahay ni Zel.
"Tao po!"
ilang beses din akong kumatok sa gate nila tapos pinagbuksan ako ng lola nya.
Nasa likod naman ni lola si Sirius na winawagayway pa yung buntot nya."Sinusundo mo ba si Nene?"
pfft.. natatawa talaga ako sa palayaw nyang 'Nene' wahahaha!
"Opo."
"Kumakain pa sya eh. Pasok ka muna."
pinapasok naman ako ni lola sa gate. Nakita ko sa loob si Zel at kumakain ng pancake sa sa sala at nakapatong pa ang paa sa center table habang nanunuod ng tv. magulo parin ang buhok nya na para bang nakipag-sabunutan sya. Pero mukha namang naligo na at naka-uniform narin sya. Napatingin sya sakin.
"Bah! Ang aga mo naman!"
sabi nya sakin tapos tumingin ulit sa Tv."Sinusundo ka nya kaya bilisan mo dyan."
Sabi naman ni lola na nasa kusina.
Tinaasan naman ako ng kilay ."weh? Sinusundo mo ba talaga ako o makikisakay ka lang sa motor ko?"
Sabi nya sakin na pangiti ngiti pa.
"Hindi nuh! Ipagdadrive nga kita."
Napatahimik naman sya nun. nginuya nya na yung last bite ng pancake nya.
"Hindi mo ba susunduin si Van?"
Tanong nya sakin pero sa iba sya nakatingin.
"Hindi. Susunduin naman sya ni Rod. Nakakotse pa yun."
Tumango tango naman sya at kinuha yung bag nya.
"Tara."
Sabi nya sakin.
"Oy. Di ka ba magsusuklay muna?"
Tinignan naman nya ako na nakakunot ang noo.
"kailangan pa ba yon?"
medyo nagulat ako sa sinabi nya. Grabe, eh ako nga, nagsusuklay pa eh. Pero narealize ko, hindi na dapat ako magulat. Tsk tsk. Si Zel yan! Wag ka ng magtaka. Minsan nga iniisip ko parin kung babae ba talaga sya eh.
"Bahala ka nga sa buhay mo."
Sabi ko sakanya at pumunta na kami sa motor nya. Nag babye kami lay lola at sumakay na kami sa motor. Ako ang nagdrive. Nagsuot kami ng helmet.
kumapit naman sya sa balikat ko at pinaandar ko na yung motor.

BINABASA MO ANG
A Ride with Her
De Todotrying to change his life with his bestfriend Vanessa Morado, Ely Leunam meets this mysterious sadist girl, Zelaynie Cadence Dizon, who came up to be his new seatmate in class. But every secret has its revelation. Now, it's up to Ely to continue the...