Chapter 6:

69 5 4
                                    

"Tao po? Tao po!"

Napatigil ako sa pagscro-scroll sa isang profile ng isang chix at napadungaw sa aking bintana. Nakita kong binubuksan ni mama ang gate at binati ang isang babae.

"Oi, Claire, napadalaw ka?" Sabi ni mama at nakipag-beso-beso dito.

"Gusto ko lang sanang ipatikim sa inyo itong lasagna na niluto ko. Nag-request kasi so bunso kanina." Sabi noong ginang.

Pagkasabi niya nun ay mabilis akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdanan. Dumiretso ako sa kusina namin at kumuha ng kutsara. Hinintay ko pa saglit si mama bago ko siya nakitang pumapasok ng kusina.

Sinalubong ko siya at kinuha sa kanya ang dala-dalang lalagyan ng lasagna.

"Akin na po, ma. Ita-try ko kong nakakalason ba. Alam niyo naman na ayaw ko kayong mapahamak diba?" Sabi ko at sinimulan ng lantakan ang lasagna kahit hindi pa ako nakakaabot sa lamesa.

"Sus, mga palusot mong 'yan." Sabi niya at kinurot ako sa tagiliran. Napaigtad ako at nabilaukan kaya dali-dali akong lumapit sa lababo at uminom ng tubig.

Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa kwarto ko at sa harap ng computer. Syempre ang gwapong tulad ko ay dapat updated sa buhay at social media. Hindi naman sa nagyayabang pero peymus rin ako. Aba may 500 000+ lang naman aking followers.

Biglang may nag-pop na message sa account ko.

From Jerix Levron:

Hey crazy tomboy! Send me a friend request.

Pagkabasa ko nun ay clinick ko yung picture niya sa message kaya na-direct ako sa account niya. Pagtingin ko sa account niya puro mga selfies niya o kung minsan ay sa girlfriend niya at wow ha!? 1k plus talaga lahat ng likes sa fb niya. Hay naku, lang kapangyarihan talaga ng makabayang auto likes.

Grabe ang ganda pala talaga ng Jacque na 'yun. Chix na chix eh.Meron pa nga siyang picture dito ni Jacque na may caption 'My life' tapos may hashtag pa na happy 1st anniversary. Grabe ang bakla palang main-love ni Tsunng's. Kung sa bagay ganiyan naman talaga ang pag-ibig nakaka-bakla.

Nag-mesaage muna ako kay Tsungg's bago ko iclick ang friend request button.

To Jerix Levron:

Hoy, Tsunggs like mo pictures ko ha? Minsan ka lang sa buhay mo makakakita ng gwapong tomboy kaya i-like mo na.

Bumalik ako sa pinaka-itaas ng profile niya at pinindot ang friend request button gamit ang mouse.

Pagkaraan ng isang minuto ay in-accept na niya 'yung request ko. May dumating na notification sa akin at noong chineck ko ay pangalan ni Tsunngs ang nakita ko.

Jerix Levron wrote on your timeline, basa ko.

Clinick ko yun at nakita ko kong anong kasamaang ibinahid niya sa aking gwapong profile.

'Birthday mo pala? Happy Birthday. :)'

Teka, birthday ko pala? Anong date ba ngayon?

Pagtingin ko sa kalendaryo September 26 na pala. Ayy grabe, ganito talaga ang nangyayari kapag busy ka sa pagiging gwapo at peymus nakakalimutan mo na pati ang sariling birthday. Kunsabagay hindi ko naman talaga isene-celebrate ang birthday ko. Hindi na rin ako kinukulit ni mama tungkol doon dahil alam naman niya kong paano ko ice-celebrate ang birthday ko.

Pagtingin ko ulit sa minessage niya sa timeline ko may 500k likes na. Weh? Duda ko gumagamit to ng cheat eh.

Hindi ko na lang 'yun pinansin pa at pagkatapos ay bumalik na lang sa dating gawi. Yung nang-i-istalk ng mga chix.

-
Kinahaponan ng araw na 'yun ay nagpaalam na ako sa mama ko na uuwi na ako sa apartment ko dahil may klase pa ako kinabukasan.

Naglalakad na ako palabas ng subdivision namin ng may tumigil ng may sumabay na sasakyan sa gilid ko. Ibinaba ng may-ari ang bintana ng sasakyan. Nagulat ako ng makita Si Tsunngs.

"Hop in, isasabay na kita." Sabi niya. May pinindot lang siya doon sa may manibela niya at automatic ng bumukas ang pintuan sa katabi niyang upuan.

Hindi na ako tumanggi pa at mabilis pa sa alas kwatro na sumakay sa loob ng sasakyan.

"Grabe Tsunngs ang ganda pala nitong sasakyan mo." Sabi ko at pinindot-pimdot yung ano mang pwedeng mapindot sa harapan ko. Nagulat na lang ako ng may lumabas na coke sa parang labasan ng vendo machine.

"Woah! Grabe! Ang cool nitong sasakyan mo Tsunngs!" Manghang sigaw ko.

"Psh. What do you expect from someone like me. Anyway, anong gagawin o ginawa mo ngayong birthday mo? Wait, birthday mo ba talaga?" Tanong niya habang nag-dra-drive. Di rin naman napaghahalataan ang pagiging mahangin niya ano? 

"Oo, birthday ko. Kung di ka lang nagmessage sa akin kanina siguro di ko maaalala birthday ko. Tsaka wala naman akong planong gawin ngayong birthday ko magsisimba lang ako tapos matutulog." Sabi ko sa kaniya habang nilalaklak ang coke.

"Ay! Oo nga pala, i-drop mo na lang ako sa simbahan malapit sa syudad." Pahabol ko.

Pagdating naming  sa simbahan ay akala ko ida-drop niya lang ako pero nagulat ako kasi ipinark niya ang sasakyan sa labas ng simbahan at sinabayan ako sa paglalakad papasok sa loob. Yung mga chixs at binabae napapalingon sa akin. Grabe ganoon na ba ako kagwapo? Thank you lord sa kagwapuhang ibinahagi niyo. Mas gwapo parin kayo sa akin lord. Ikaw lang ang nakakalamang.

Umupo kami sa isang upuan doon at nakinig sa mesa ng pare. Medyo seryoso-seryoso ako dahil nasa simbahan. Alam niyo na, best in religion noong grade three, nakakahiya kasi sa rosaryohan ko.

Noong parteng nag-peace be with you na may ibinulong siya sa akin na ikinakaba ko. Biglang kumabog yong boobs ko sa sinabi niya. Anak ka ng tipaklong!

"You look great with that skinny jeans." 

Ay grabe! Nanayo talaga lahat ng balahibo ko sa katawan pati yung mga hidden hair ko. Sinabi ko na nga bang bakla tong si Tsunggs eh! Loko talaga. Parang may kong anong gustong kumawala sa loob ng rib cage ko. Bwesit baka may bad spirit ng nakapasok sa loob ko noong bumulong si tsunggs. 

Di kaya ay isang ritwal ang sinabi niya kanina? Lord! Ilayo niyo po ako sa kamay ng masasamang espiritu.

Pagkatapos ng mesa ay naghiwalay na kami ng landas dahil iba-iba naman ang rota nang uuwian namin.



The Bad Boy's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon