Chapter 13:

56 2 5
                                    

Flen's POV

"Good morning students. You may be wondering why I suddenly called you here." Panimula ni Mr. Juengco na kani-kanina lang e ginambala kami sa klase dahil may emergency meeting daw.

Pinapunta kaming lahat sa quadrangle at pinalinya according by level at section.

"A few months ago, a devastating news has saddened all of us. One of our school's pride had been into an accident. Luckily, Ms. Villoso had survived the plane crash but was reported missing. And now, after a thorough search and rescue operation, Ms.Villoso is back. Let us all welcome her."

Para akong na paralyzed sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam pero bigla along kinabahan. Nagsimulang magbulong-bulongan ang nga tao sa paligid ko. Ako naman ay nanatiling nakatayo sa lugar ko, hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Si Tsunggs? Ano kayang gagawin niya ngayon?

"Wow!It is good to be back." Panimula niya.

"First of all, I wanted to thank god for saving me during the time when I battled between death and life. It was a very traumatic experience that strengthened my faith with God. And to the Maxine family who welcomed me and treat me as a part of them, when I was lost and have nowhere to go. Second is, thank you guys. Thank you for praying for me, for welcoming me again. Lastly, I wanted to tell you all that I am already married." 

Para akong nabingi na hindi ko alam. Anak ng pating. Wala bang puso ang babaeng to? Hindi ba siya aware na may boyfrend siyang naiwan? Ano na ang nangyari kay Tsunggs?

Hindi ko alam but for the first time eh nagalit ako sa isang babae. Siguro dahil feeling ko rin ay trinaydor ako kahit Hindi naman at tanging kaibigan ko lang. Pero hindi ko naman siya dapat i-judge. I wanted to hear her explanation even when it doesn't have to do anything to me. Ay, ako na talaga ang straight ng English ko ah.

Hindi ko na tinapos ang speech niya at naglakad paalis sa linya ko. Mabilis kong hinanap si Tsunggs, at ayun nga nakita ko siyang naglakad paalis sa quadrangle. Hindi ko siya tinawag at patuloy lang siyang sinundan kong  saang lugar man siya dalhin ng kaniyang paa. 

Noong sinabi kong kabarkada ko na siya at yung iba pa, totoo 'yun. Hindi ako nagbibiro noong sinabi ko 'yun. Maloko akong tao pero hindi ako taksil at social climber na kaibigan. Hindi ako plastic na tao dahil gawa ako sa muscles, atay, bituka, puso, utak, dermis, epedirmis. Ganun, lahat ng parte ng katawan ko eh makapal, lalo na 'yung mukha ko. 

Alam niyo kasi bukod sa gentleman, gwapo, da great, peymos sa mga chix, at gwapo ulit, eh isa rin akong caring na tao at umaapaw sa charms tsaka prendly din ako noh, di nga lang masyadong halata dahil sa kagwapohan ko. Di nga lang ako masyadong friendly sa mga chix, ayaw ko kasing hanggang friends lang eh. 

Nakarating ako sa abandonadong building nang school kakasunod ko kay Tsunggs. Wala nang masyadong nagpupunta dito dahil ang sabi-sabi raw may naririnig daw silang nakakatakot na ingay at minsan naman eh may nakikita daw silang babaeng nakaputi. Asus! Maniwala ako sa mga duwag na 'yun.

Ito yung main building ng school namin noon, pero dahil sa matanda na eh hindi na nito kinaya noong lumindol nang 6

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ito yung main building ng school namin noon, pero dahil sa matanda na eh hindi na nito kinaya noong lumindol nang 6.1 magnitude. Nasira ito noong nasa grade 3 palang ako, dito nakatayo noon ang ball room ng paaralan at canteen na rin. sa second floor naman eh library at office ng mga teachers at ng principal at vice-principal. 

Hindi pa naman siya masyadong sira eh, may mga malalaki lang kasing mga tipaka. Sinundan ko si Tsunggs papunta sa third floor nang huminto siya bigla kaya ako naman e dali-daling nagtago sa pinakamalapit na poste. Hindi ko alam kong bakit nagpapakahirap pa akong itago itong kagwapohan ko e.

"Stop hiding, tombs. Alam kong sinusundan mo ako kaya lumabas ka nalang diyan." Sabi niya nang hindi pa rin lumilingon sa akin.

Wala na akong nagawa kundi ang lumabas nalang. Inilagay ko sa bulsa ng jacket ko ang mga kamay ko at lumapit sa kaniya, "So...okay ka lang ba? Alam mo kasi, hindi man halata pero caring talaga akong kaibigan. Nag-aalala talaga ako sayo, alam mo 'yun bilang isang mabuti at gwapong kaibigan" 

"Thank you for the care, but I'm alright. So if you could, can you just leave me alone?" Nilingon niya ako pagkasabi niya noon. At kitang-kita ko ang hinanakit sa mata niya. Negatives were all I can see in his eyes. Lols! ume-english ang heartthrob mga tol. 

Sa estado niya ngayon, nangangamba akong baka bigla nalang siyang tumalon mula dito sa third floor, "Sorry pero ayoko. Tsaka ikaw ba may ari ng building na 'to? Gusto kong mag un-wind no." palusot ko.

Bahagya siyang ngumiti, "Talaga? Alam mo ba kong anong meaning ng unwind?" tanong niya. 

Napaisip naman ako. Ano nga ba meaning non? Narinig ko lang kasi 'yun na sinasabi ni Jen kapag tinatanong ko siya kong bakit andoon siya sa room namin tuwing lunch. Ang sabi niya lang sa akin eh "I need to unwind."

"I guess you don't know?" Napatingin ako kay Tsunggs.

"Minamaliit mo ba ako, Tsunggo?" naniningkit mata kong tanong sa kaniya.

"Yep. Height mo pa lang napaka-liit na." Nakangisi niyang sabi sa akin. Kaya automatic na lumanding sa braso niya ang napakalutong kong kamao. 

*bogsh* Wada muscles. Kainggit men, bakit wala akong ganun?!

Masamang tingin ang ipinukol niya sa akin habang hawak-hawak niya ang kaniyang braso.

"What the fuck is that for?!"

"Para 'yan sa pang-iinsulto sa height ko!"

Akala ko jujumbagin na niya ako dahil doon pero malakas lang siyang tumawa.

"HAHAHAHA! You should have seen your face!" Tawa niya habang turo-turo ang gwapo kong mukha. 

"Anong nakakatawa huh?" kunot noong tanong ko.

"'Yang mukha mo! HAHAHA!" Malakas niyang tawa ulit. Hahampasin ko na sana siya, kaso mabilis siyang naka-ilag sa kamay ko at mabilis niya itong nakuha. Hinila niya ako papalapit hanggang sa tuluyan na nga kaming magkadikit o sabihin na nating niyayakap na niya ako.

Sabi na nga eh! Bakla talaga tong si Tsunggs. Grabe naman, Tsunggo na nga bakla pa.

"Thank You." Bulong niya sa akin at tila may kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan. 

The Bad Boy's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon