Chapter 23:

41 2 3
                                    

Flen's POV

Hinalikan ako ni Tsungs.

Hinalikan ako ni Tsungs.

Hinalikan ako ni Tsungs.

Hinalikan ako ni Tsungs.

Hinalikan ako ni Tsungs.

Hinalikan ako ni Tsungs.

Uwaaahh!! Tama na chakalye. Exaggerated na masyado eh.

Mga madlang girls! My virgin lips. Ahuhuhu. Wala na siya. Kinuha na ni Tsunggs na pangit.

"Tss. Nakakainis ka na ha. You're making me lose my patience. Kaya please lang, tigilan mo na yan. As if gustong gusto kong mahalikan ka! Bwesit!" Nagulat ako ng bigla siyang sumigaw. Anak ng! Ano na naman ang problema ng tsunggong to? Kinginang yan. Paanong hindi ako mag-iinarte e hinalikan niya ako. Gago ba siya?

"Hoy tsunggong puti! Kong akala mo madali lang kalimutan ang nangyari kanina pwes hindi! Kaya wag mo kong sinisigawan kuha mo!? Itapon kita sa zoo eh! Bwesit ka, diyan ka na nga!" Times two times two ang lakas ng sigaw ko kaysa sa kaniya. Nagsilingunan na nga sa amin ang ibang estudyante dito sa back stage.

Magkasalubong ang kilay ko habang nagmamartsa palabas ng backstage nang makasalubong ko ang nanay ni Tsunggs na maganda.

"Flen?....you're name is Flen, am I right?" Tanong niya sa akin kaya umayos naman ako. Teka lang, maayos naman talaga ako ah! Sa gwapo kong to *pogi pose*

"Ah, yeahsss ma'am you are left." Nakangiting sagot ko.

Natawa naman siya bigla. Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya. Ang ganda sana nitong nanay ni Tsunggs kaso lang parang may sapak parang si Tsunggs.

"Haha, you're funny ija. I like you na." Natatawang sabi niya.

Ayun oh! Like niya daw ako. Ahehehe platird naman ako.

"Ahihihi, like ko din po kayo." Hagikhik ko." Nga po pala ma'am ganda ano pong kailangan niyo sakin?"

"Ah, its not that really important. Pero its about the kiss." Nakangiting sabi niya. Tika nga! Nanunukso yata sakin to eh. Ahuhuhu. Chakalye sasapakin talaga kita eh.

"H-ha? A-ano pong meron?"

"Well, wala naman. Kinikilig lang ako sa inyo ng anak ko. Para kasing may spark eh." Kinikilig na sabi niya.

Hanudaw?! Spark? May spark talaga! At kapag may spark may apoy! At ngayon ay nag-aapoy na ako sa hiya. Tang-inang yan.

"Flen baby! Hali ka n--oh! May kausap ka pala. Hello, I'm Fleza, Flen's mom." Dire-diretsong sabi ng nanay ko at inilahad ang kamay niya sa nanay ni Tsunggs. Naks! Kapal ng fes na mader. Halatang may pinagmanahan talaga ako e no?

Inabot naman ng nanay ni Tsunggs ang kamay niya sa nanay ko at nakipagshakehands. " I'm Jia, Jenrix's moth---"

"OMG! Ikaw ang nanay ng nakahalik sa prinsesa ko?" Gulat at may halong excitement na tanong ng maganda kong ina.

"Ma! Paano niyo nakilala si Jenrix?" Takang tanong ko.

"Ahh..yun ba? Narinig ko lang sa mga students na nagtatalakan kanina." Aniya na ikinatawa ko naman ng bahagya. Ano yun mga manok? Hahaha!

"Mom..." Napalingon kami sa likuran ko at nakita kong papalapit si Tsunggs sa amin. Napasimangot tuloy ako. Hmp! Bwisit.

"Jenrix anak. I'm so proud of you! Binatang-binata ka na talaga. Ayiieee~" Pang-aasar ng nanay niya.

"Stop it mom. We're just friends."

Napatigil naman ako don. Nainis ako bigla sa sinabi niya. Paksyet naman eh. Bakit ba ako nagkakaganito? Friends naman talaga kami ah! Anong ina-arte-arte ko? Bwesit ang gulo tuloy ng utak ko.

"Oo nga po ma'am. MAGKAIBIGAN LANG KAMI." pinagdiinan ko ang huling sinabi ko. Bakit ba? Totoo naman ah.

"Aba! E bakit parang inis ka pa?" Pang-aasar na tanong ni mama.

"Ha? Ako?" Turo ko sa sarili ko, "Hindi ah!"

"Weh??"

Anak ng! Kulit rin ng nanay ko eh.

"Oo nga!" Asar na talaga ako.

"Hahaha oo sige, sige. Oh, Pa!" Napatingin ako sa gawing tinitingnan ni mama at nakita ko si papa kasama ang tatay ni Jenrix.

"Ma, pasensya ka na kong natagalan ako. May nakita kasi akong kakilala ko, isa sa mga nakasama ko sa isang outreach program, si Mr.Levron."

Pakilala ng papa kay mama doon sa kasama niya.

"Oh! Ako nga pala si Fleza Geronimo and this girl beside me is my daughter, Flen." Nakangiting sabi ni mama at iniabot ang kamay niya sa papa ni Tsunggspara makipag-shake hands.

"I'm Gino Levron, I'm her husband and the father of this young man here." Pakilala ng papa ni Tsunggs at nakipagshakehands kay mama.

Bahagya pang nagulat si mama pero aged din naman siyang ngumiti.

"What a coincidence. Anak mo pala ang gwapong batang ito at asawa nitong kasingganda kong dyosa." Pagbibiro ni mama. Makabola si mama. Hahaha!

"Hahaha. Yeah. Anyways, we need to say goodbye for now, nagpareserve kasi kami sa isang resto and someone's waiting for us."

"Sure, sure. Its nice meeting you." Mama.

"Its nice meeting you, mare. I hope we'll meet each other again." Mama ni Tsunggs.

Nagpaalam muna sila sa amin tapos ay naglakad na paalis.

"Oh, ano pang hinihintay niyo? May pinareserve rin akong table para sa family date natin." Masiglang bati ni papa.

"Ano pang hinihintay nati? Gurabels na!" Dagdag ni mama.

Napailing nalang ako bago sumunod sa kanilang dalawa.

*The Maxines*
-6:46 P.M-

"Reservation for Geronimo family?" Tanong ni papa doon sa magandang chix. Kanina ko pa to napapansin eh. Daming chix pagpasok ko. Wuewuewue.

"This way, sir." Mahinang sabi niya at naglakad papunta sa pinareserve ni papa.

Nagulat ako ng makita kong katabi noon ang table ni Tsunggs. -_-.

"Fleza!" Masayang sabi ng mama ni Tsunggs. Wow ah, close na agad sila?

"Jia! You're here. Its nice meeting you again." Masayang sabi ni mama at nakipag beso-beso pa doon sa mama ni Tsunggs. Ha! Kailan pa naging englisera itong nanay kong dinaig pa ang ako sa kabobohan pagdating sa English. May pa accent-accent pa siyang nalalaman.

"By the way Jia, nakalimutan kong ipakilala ang asawa ko sayo, hehe. Jia this is, Nile. Honey bunch, bearbrand, nido, milo, chuckie, C2, bebe labs, meet Jia. Our daughter's future mother in law." Pakilala ni mama. Ano daw yun? Future moth---

"Ma! Ano ba yang pinagsasabi niyo?!"

"Haha! Biro lang anak."

"Hi Jia, Its nice meeting you." Nakangiting sabi ni papa.

"Its nice meeting you also." Nakangiti rin niyang sabi. " Why don't you take a seat?"

"Hahaha yeah."

Umupo na kami sa table namin. Bilog yung table namin at pati na rin kila tsunggs. Nasa harap ko sila mama at papa at katabi ko naman si Tsunggs.  Nagtaka naman ako ng makita kong may bakanting upuan pa sa katabi ni Tsunggs.

May hinihintay ba sila?

Sabay-sabay naman silang napalingon nang may dumating na babae.

"Jenrix babe!"

Say wuuut!!??

The Bad Boy's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon