Chapter 8:

64 5 3
                                    

Hi Hoppy! Dedicated to sayo dahil binasa mo talaga tong story ko ulit. Hahaha pati na rin kay @Khiste dahil patuloy niyo pa rin akong sinusuportahan. Thanks for being a good friend here in wattpad. Ayiiee~English yun ah.  

-----#L-----

Ipinasok nila ako sa kotse at pinagitnaan. Tinanong ko sila kung bakit ang sagot lang nkla sa akin ay wala daw silang tiwala sa akin. Baka daw kasi maisipan kung tumalon mula sa kotse.

"Ang boring naman! Saan niyo ba talaga ako balak dalhin? Siguraduhin niyo lang talagang maraming chix doon ha kundi sasapakin ko talaga kayo isa-isa," pagbabanta ko sa kanila. Paano ba naman kasi isang oras na kaming bumabyahe pero hindi pa rin kami dumadating sa kung saang lupalop man nila ako trip dalhin. Sino rin naman kaya ang hindi maiinip kung ang mga kasama mo eh parang mga pepe.

"Hay naku, para hindi tayo matuyuan ng laway usap nalang tayo. Sino iboboto niyo ngayong presidente?" Tanong ko.

"Ano naman sa iyo kung sino man ang pipiliin namin?" Tanong nung may light brown na buhok.

"Wala. Eh sa gusto ko lang malaman eh, may problema ka? Ha!" Asik ko.

"Wala. Sabi ko nga si Mar Roxas." Sabi niya at tumingin sa ibang direksyon.

"Ha? Bakit siya?" Curious kong tanong.

"Diba para pag nanalo siya tuwid na ang daan papunta sa bahay namin hindi ko na kailangan pang lumiko-liko para lang makaabot sa bahay namin. Kasi nga diba matuwid na daan." Pagpapaliwanag niya sa akin bago ngumiti ng tagumpay.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Tama rin naman yun, bat di ko yata naisip yun?

"Hmm. Magaling ang explanation mo. Ano nga ulit yung pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya. Napailing naman siya doon sa tanong ko bago sinagot iyon.

"Gaven Angheles. Ako 'yung anak ng may-ari ng Angheles Group of companies."

"Ah talaga. Pasensya na pero pangalan mo lang yung tinanong ko hindi kong kaninong anak ka." Pang-aalaska ko sa kaniya. Tinawanan lang naman ako ng gago.

"Ikaw?" Baling ko doon sa lalaking nasa kanan.

"Well, I am Jared Veyenne Sy. I am voting for Senator Meriam. She symbolizes a strong woman and bravery." Sabi niya.

Wala sa sariling napapahid ako sa ilong ko ng may maramdaman akong likidong lumalabas dito. Akala ko noong una eh sipon lang yun pala dugo.

"Okay ka lang?! What happened?" Nag-aalalang tanong ni Jared habang gulat na gulat na nakatingin sa akin at sa kamay ko.

"Ikaw kasi! English ng english dumugo tuloy ilong ko. Penge ngang tissue, Tsonggs." Utos ko kay Tsonggs nang makita kong may nakapatong na box ng tissue sa harapan niya.

"Seriously? You're unbelievable." Iling-iling na sabi niya habang iniabot sa akin ang box ng tissue.
Aakmang aabutin ko na sana 'yun ng may unang umagaw dito. Napalingon ako kay Gaven na nagpapanic at tila Hindi alam ang gagawin. Ayun binatukan ko nga.

*pak*

"Aray naman!" Reklamo niya.

"Wag ka kasing mag-panic baliw ka." Sabi ko sa kaniya at inagaw ang box ng tissue mula dito.

Kumuha ako dito at ipinasok sa Ilong ko bago ako tumingala.

"Ang ingay-ingay mo kasi. Just shut up already." Epal ni Tsunggs.

Inirapan ko nalang siya kahit hindi naman niya ako nakikita.

Pagkaraan ng ilang minuto eh napaidlip nalang ako.

"Hey, Tomboy! Wake up." Naramdaman ko ang marahang pagyogyog ng pisteng nilalang sa akin.

"Ano ba, umalis ka nga bwesit ka!" Antok na sabi ko at tinabig ang kamay nito.

"Wake up, Flen. We're here. Kung hindi ka pa gigising kakaladkarin talaga kita palabas ng sasakyan." Pananakot niya pero hindi pa rin ako kumibo.

"I'll count three, kapag hi---"

"Oo na! Oo na! Gigising na. Bwesit." Sabi ko at inis na idinilat ang mata ng...

*pak*

"Pakyu ka! Gagahasaan mo ako no? Sabi na nga ba may pagnanasa ka sa akin eh! Heh! Kadiri ka, di ako pumapatol sa kauri ko."

Paano ba naman kasi pagmulat at pagmulat ko ng aking napakagandang mata eh mukha kaagad ng Tsunggong 'yun ang bumungad sa akin. Hindi lang 'yun ha, kunti nalang talaga at magkakahalikan na kami. Kaya ayun dahil sa pag pa-panic ko eh automatic ng naglanding ang kamao ko sa pagmumukha niya.

"WTF is wrong with you?!"

"Aba! Ako pa talaga tinatanong mo niyan? Self defense 'yun ui gago! Ay mali, Tsunggo nga pala yun."

"Self defense? As if may gagawin ako sa'yo. Ang kapal mo ring akusahan akong may pagnanasa sayo eh mas lalaki ka pa ngang pumorma sa akin" Pang-aasar niya.

Magkaharap na kami ngayon at nasa labas na ng sasakyan.

"Alam mo, nakakaasar ka. Lubayan mo nga ako Tsunngs! Teka, as an na ba tayo?" Tanong ko sakaniya habang inilibot ko sa buong lugar ang paningin ko.

Maraming naglalakihang puno ang nakikita ko at sa di kalayuan namam ay may malaking mansyon. Hindi naman siya yung tipong pang haunted house. May maraming dahon lang ang nakakalat. Parang isang mansion na nakatago sa isang gubat.

"Let's go." Aya niya at naunang naglakad patungo sa mansyon.

Binilisan ko ang lakad ko para maka-abot sa kaniya.

"Uy, Tsunggs. Nasaan na kasi tayo. Napipikon na ako sayong Tsunggo ka ha!"

"We're on my property. My late grandmother gave me a big share of her money when she died and put it on my bank account. I used it to buy this part of the mountain." Sabi niya.

Kaya pala parang pataas kami kasi nasa isang bukid kami. Astiig. Tsaka ang yaman-yaman pala talaga ng tsunggong to.

"Eh itong mansyon naman?" Tanong ko ng makapasok na kami sa malaking gate.

"Ako ang nagdesign ng mansyon na to. I made this for Jacq. I am supposed to surprise this to her that day when the airplane crash." Malungkot ang pagkakasabi niya sa huling parte.

Naaawa ako sa kaniya. Kitang-kita ko kong gaano niya kamahal si Jacquie na 'yun. Maswerte siya at nakilala niya ang ganitong lalaki pero malas rin dahil napunta lang siya sa isang tsunggo at hindi Kay Flen na gwapo, gentleman at syempre gwapo. Magulo ba? Hindi ko na problema yan mga tol. Magulo ang author eh.

Tinapik ko ang balikat niya at nginitian siya.

"Wag kang mawalang ng pag-asa mahahanap at makikita mo pa rin siya. Tiwala lang kay, bro." Sabi ko at itinuro ang langit.

"I know. Thank You."

____________________________________

Ang bait ni Flen no? Hahaha! Ayiiee may moment silang dalawa. Tsaka asan na nga ba si Jacquie?? And speaking of asan, asan na yung bagong character nation? Iniwan ba nila Si Flen at Tsunggs--este Jenrix?

New character guys:
Gaven Angheles
Jared Veyenne Sy

Don't forget to vote and comment! Thank you.

The Bad Boy's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon