Chapter 4:

76 6 4
                                    

Naglakad ako papunta sa subdivision namin at nang makarating ako doon ay mukha ni manong guard ang sumalubong sakin.

"Oi,manong! Kamusta?"

"Flen,ija!" Sabi niya na ikinasimangot ko.

"Manong, ijo po ijo."

"Hahaha ikaw talaga.Aba'y dumiretso ka sa inyo,Flen. Wag kang gagala ng hindi alam ng nanay mo at baka at matulad noong nakaraang linggo." Tawa niya.

"Sige po manong, una na ako.Pramis di ako gagala baka kasi pagkaguluhan na naman itong kagwapohan ko." Paalam ko at naglakad papasok sa subdivision.

Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Melisa na patay na patay sa akin.

"Flen!" Tawag niya at naglakad papunta sa akin. Sabi ko sa inyo eh!

"Oi, Mel babes!"

"Hindi ka pa rin nagbabago, Tombs. Ang kapal-kapal pa rin ng mukha mo singkapal nang dictionary." Tatawa-tawa niyang sabi nang makalapit na siya ng tuluyan sa akin.

"Grabe nakakasakit ka naman ng damdamin babes." Sabi ko at umarting nasasaktan kuno.

"Ay naku, tumigil ka na nga diyan sa kadramahan mo. Nga pala, may bago tayong kapit-bahay." Itinuro niya ang bahay sa tapat ng bahay namin.

"Talaga? Chix ba 'yan?" Tila nagningning ang mga mata ko habang nagtatanong sa kaniya.

"Grabe! Puro chix nalang ba ang laman niyang utak mo?"

"Hindi no. Ikaw kaya ang palaging laman ng utak at puso ko." Banat ko at may pahabol pang kindat.

"Ang O.A mo naman! Mga 3/4 lang siguro." Depensa ko at ngumisi.

"Grabe di na ako magtataka kong isang araw puro itlog nalang ang nasa utak mo." Iiling-iling niyang sabi at naglakad papunta sa kasalungat na direksyon sa pupuntahan ko.

"Sige, una nalang ako sayo pupuntahan ko pa 'yung kapatid ko." Paalam niya at tinapik pa ang balikat ko bago umalis.

Tumango lang ako at dumiretso sa gate ng bahay namin. Hindi na ako nag doorbell dahil may sekrito akong lagusan.

Pumunta ako sa puno ng mangga sa gilid ng gate namin at doon umakyat para makatawid papunta sa firewall ng bahay at tumalon mula doon.

Nang success akong nakapasok ay ngingisi-ngisi akong pumasok ng bahay. Dahan-dahan kong binuksan at isinara ang pintuan ng bahay pero nagulat ako dahil may biglang sumigaw sa tenga ko.

"'Kamusta anak!!" Masayang bati ng nanay ko

"Ayanakkangnanaymongpangit!" Sabi ko habang hawak-hawak ang dib-dib ko.

"Ay grabe ko naman,nak! Ang ganda kaya ng nanay ko na syempre Lola mo." Sabi ng nanay ko at ngumuso.

"Yak,ma! Nakakadiri ka, ayusin mo nga 'yang nguso mo." Saway ko at tumayo mula sa pwesto kk.

Naglakad ako sa papunta sa kusina at naghanap ng makakain. Kong meron man.

"Ma! Bakit walang pagkain? Nagugutom na ako." Maktol ko.

"Later na, Flen. Mag-jogging ka muna doon sa labas o matulog ka na lang ulit, magluluto lang ako saglit." Taboy niya sa akin.

Umalis ako sa kusina at umakyat papunta sa kwarto ko. Pagkarating ko ay nagpalit muna ako ng jogging pants at malaking t-shirt at sumampa sa higaan ko pagkatapos at nagpagulong-gulong. Nang mahilo na ako kakagulong, tumayo ako at itinali ang buhok ko. Tinungo ko ang malaking salamin at tining an lang kabuuhan ko.

"Grabe ang gwapo mo Flen." Puri ko sa sarili. Hindi ako baliw, wag kayong mag-isip ng ganyan. Nasa katinuan pa ako, sadyang napakagwapo ko lang talaga.

Ang totoo ay alam ko parin naman sa sarili ko na may parte pa rin  talaga dito sa puso ko na sinasabing babae pa rin ako, siguro mga 1/8 ganun.

Mahilig ako sa math at matalino ako doon. Napapansin niyo bang fractions ang ginagamit ko?Kaya nga nag-summer class ako noong grade 8 ako kasi sobrang talino ko daw na halos lahat ng teacher gusting maiyak ng munggo. Mga matatalino lang daw ako nag-su-summer class,sabi nila or at least para sakin.Ewan ko nga kung bakit binatukan ako ng nanay ko noong ibinalita ko sa kanyang mag-su-summer class ako.

"Ay grabe, ang bobo mo talaga, Flen." Sabi sa akin noon ni mama.

Lumapad ang ngiti ko sa kaniya."Thank you po ma!"

Diba ang ibig sabihin bobo ay:
B-bwapo
O-obra 
B-bwapo 
O-obra 

Muawahahaha! Diba sobrang talino ko!? At syempre sobrang gwapo pa.

Sumilip ako sa labas ng bintana ng kearto ko na nakaharap sa katapat na bahay. Parang may nakita akong pamilyar na mukha.

Parang...

Parang...

Mukha ng isang tsunggo.

Lumiwanag ang mukha ko at dali-daling tumakbo papalabs ng kwarto at ng bahay.

"Flen! Saan ka pupunta!?" Sigaw ni mama mula sa loob ng bahay.

"Diyan lang po sa malapit, ma!" Sigaw ko pabalik.

Hindi na ako dumaan sa secret lagusan ko dahil para sa entrance lang 'yun.

Pagkalabas ko ng gate ay sakto namang palabas na rin siya. Alas-sais pa lang ng umaga noon oras kung kailan naglalabasan ang mga chix para mag-jogging.

Alam niyo ba kung bakit hindi na ako masyadong hater kay Tsunng's? Aba syempre kasi dapat i-recruite ko na siya dahil kanina ko lang narealize na papasa pala sa grupo kong 'Ang mga gwapo na pinamumunuan ni Flen da great'. Medyo pangit lang yung attitude ng kulugo na to pero papasa na rin. 

"Oi, Tsunggs!" Tawag ko sa kaniya mula sa labas ng bahay namin.

"What?--you?!"

Biglang umasim ang mukha niya. Duh? Wag niya sanang isalubong ang ganyang mukha sa mukha ko dahil naku, napaghahalataan siyang insecure. 'Wag ako dong! 'Wag ang kagwapuhan ko. 

"Di ko akalaing susundan mo pa talaga ako dito. Ano? Nababakla ka na ba sakin. Aba'y hindi pwede 'yan i-re-recruite pa naman kita sa grupo ko." Iiling-iling kong sabi. Tinapik ko siya sa kanyang likuran na ikinasaman lalo ng kanyang mukha.

"Pwede ba tigil-tigilan mo ako. Lumayas ka na nga sa harapan ko bago pa may magawa akong masama sa'yo" Taboy niya sa akin at nagsimulang tumakbo.

Kung akala niya ay titigil ako, pwes akala lang niya 'yun dahil ipinaglihi ako sa hallowblock. Matigas ang ulo ko at sympre napaka-kulit at idagdag mo na rin ang napa-gwapo.

Nagsimula na run along tumakbo at sinundan siya.

"Tsunggs hintayin mo ko!!" Sigaw ko dahil sing bilis yata ni flash ang kurimaw.

Mapapatakbo yata ako ng wala sa oras ngayon. Hay nako, iniiwasan ko pa namang maging sexy, 'lam niyo na madamaming insekyur sa mundo, baka 'di nila kayanin ang kagwapuhan ko idagdag pa ang pagiging hot ko.

The Bad Boy's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon