Chapter 10:

39 1 1
                                    

Yipped! Tumaas ang rank natin guys! From #399 to #381! Yehey! Bilang regalo ko sa inyo para sa achievement na ating natanggap, ito na yung ikasampung chapter ng storyang to.

----#381----

Isang linggo na rin ang nakaraan simula nang pumunta at naglinis kami sa mansyon ni Tsunggs. Binigay na nga niya sa akin 'yung 10k pagkatapos eh 'yung number ng model daw, noong inihatid niya ako pauwi sa bahay namin. Tinanong ko rin kong kaninong kwarto 'yung pinasukan ko sabi niya sa kaniya daw 'yun. 

Napatingin ako sa salamin sa harapan ko at inayos ang cap na suot ko. Syet, di na ako mapakali. Paano ba naman kasi 'yung model na may ari ng number na ibinigay ni Tsunggs sa akin ay sabi gusto daw akong makita. Ito na 'yung simula ng lablyp ko, guys! Ang gwapong si Flen magkakalove life na! Naging text ko rin 'yun ng isang linggo no. 

May sasabihin ako sa inyo ha. Noon kasing ibinigay sa akin ni Tsunggs 'yung number eh 'yung dalawang kolokoy na alalay ni Tsunggs eh tatawa-tawa habang iniaabot ni Tsunggs sa akin yung number. Tiningnan ko lang sila na para bang nababaliw na. May sayad yata ang dalawang yun katulad nalang nitong Tsunggong master nila.

"Saan lakad mo, Tombs?" Tanong sa akin ni Mikey at naglakad papunta sa sofa dala-dala ang isang mug ng kape at plato na may pandesal.

"Diyan lang." Sagot ko at habang sinusuri ang sarili sa salamin.

"Umayos ka nga tomboy ka. May lugar bang diyan lang? Utak naman." Iling-iling na sagot niya.

"Diyan lang ako sa may MoonBucks cafe. May ime-meet ako." Sabi ko at naglakad papunta sa tabi niya.

"Sino?" 

"Aba malay ko! Basta model." Nakalimutan ko kasing itanong 'yung pangalan niya. 

"Nababaliw ka na ba?Ni hindi mo nga alam ang pangalan niya tapos makikipag-meet ka?!" Biglang sigaw niya kaya napaigtad ako sa kinauupuan ko.

"At kailan ka pa naging concern sa akin, aber?" Nakapameywang na tanong ko.

"Hindi ako concern sayo pwede ba? Sa ime-meet mo ako concern. Baka kong anong kalokohan ang itututro mo. Tsaka ano ba yang get-up mo? Malaking T-shirt? Pants? Cap? Sneakers? At the ef! Ang laki ng kwentas mo. May rap battle ka ba mamaya?" Tanong niya habang yung itsura niya eh parang diring-diri sa nakikita.

"Ano ka? Ang cool ko kayang tingnan!" Depensa ko.

"Cool? Eh kung ibuhos ko kaya sayo tong kape? Cool eh nagmumukha ka ngang jeje niyang outfit mo. Magpalit ka nga! Kahit yang pants mo nalang. Pakitanggal na rin ng kwentas mo. Saan mo ba yan napulot ha?" Turo niya sa nakakabit na kwentas sa leeg ko.

"Hindi ko to napulot no! Sinangla sa akin to ni mang Isko kahapon. Tutubusin daw niya sa susunod na linggo."

Si mang Isko, ay ang guard sa building na kinalalagyan ng apartment namin ni Mikey. Prends kami nun kasi palagi niyang kino-kuwento sa akin ang kabataan niya. Para sa akin napaka-interisting noon lalo na yung lab story niya at ni Aling Nina na asawa niya. Palaging sinasabi ni Mikey, "Paulit-ulit nalang kayo sa storyang 'yan. Aba, ika-ilan na ba yan?ika Isang daan?" Tuwing nadatdatnan niya naming nag-uusap.

Tumayo na ako sa sofa at bumalik sa kwarto at sinunod ang advice ni Mikey. Kahit duda ako sa fashion style ni Mikey sinusunod ko pa rin siya. Ewan ko kong bakit.

So ayun nga, nagpalit ako ng skinny jeans at tinanggal ko na rin yung kwentas.

*May mensahe para kay Flen gwapo.*May mensahe para kay Flen gwapo.*

Inabot ko yung selpon ko at tiningnan kong sino 'yong nagtext.

From: Chix n Flen Gwapo

Hi, Flen! I'm already waiting for you dito sa MoonBucks. Are you on your way already?

Pagkabasa ko sa text niya ay dali-dali na akong sumibat sa kwarto at lumabas ng apartment.

"Hoy Flen! Yung sapatos mo naiwan!" Napa-yuko ako nang marinig kong sumigaw si Mikey mula sa apartment. At oo nga. Tama nga siya. Wala nga akong suot na sapatos.

Bumalik ako sa loob at pumunta sa shoe rack ng apartment. Mabilis kong pinulot ang kahit among puwedeng suotin sa paa at tumakbo ulit palabas.

May papasakay sana sa loob ng taxi sa harapan ng building naming pero inunahan ko na siya at dali-daling isinara ang pinto.

"Manong sa MoonBucks po." Hingal na hingal na sabi ko. Paano ba naman kasi tumakbo pa talaga ako sa hagdanan mula third floor hanggang pababa. Nakalimutan ko kasing may elevator pala.

"Siege po."

Habang nasa byahe ako itenext ko si Model na paparating na ako at maghintay lang siya.

Nagreply naman siya sa akin. Sabi niya nakashades raw siya at nakabonnet. Nakaupo daw siya malapit sa pinto at bintana.

Pagkarating ko naman doon eh palinga-linga ako sa paligid. Wala naman akong nakikitang chix na naka shades at bonnet.

"Uhm, excuse me?" Napalingon ako sa gilid at nakita ang isang lalaki na nakablack lahat. Naka-itim na bonnet, naka itim na hades, itim na T-shirt at itim na jeans.

Hindi ko na sana siya papansin dahil wala naman along paki sa kaniya pero dahil mabait ako at gwapo nginitian ko siya. Hindi yung peymus kong ngiti kundi young pinakaplastic kong ngiti.

"Bakit kuya?" Tanong ko.

"Are you Flen? Flen da gwapo da gentleman da best niga che chalaga?"Medyo nagdadalawang isip pa siya kong sasabihin ba niya young mga hilig salita.

Pano niya nalaman ang nicknim ko? Ganun na ba ako peymus? Kung sabagay sa gwapo kong 'to?

"Oo ako nga. Bat mo ko kilala ,stalker ba kita?"

Napatawa naman siya sa sinabi ko. Lumabas pa nga sa ilong niya ang kapeng iniinom niya.Grabe mehn! Kadiri! Wahaha!

"Oh sorry about that." Nahihiya niyang sabi at kumuha ng tissue sa lamesa. "Walang nakakita nun diba?" Tanong niya at tumingin-tingin sa palagid. Siguro para siguraduhing walang nakakita sa nangyari kanina. Pagkatapos niyang ma check eh tumingin ulit siya sa akin.

"I'm Aki. Ako yung textmate mo the whole week. The model." Aniya na ikinanganga ko.

No way! Tsungggssss!!! Walangyang Tsunggo ka! Bilang nalang ang araw mo sa akin.

The Bad Boy's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon