Chapter 7:

59 7 5
                                    

Dumating na naman si Lunes at kagaya ng nakagawian muntik na namang malate ang pinakagwapong nilalang sa balat ng milky way.

Lakad-takbo ang ginawa ko para lang maka-abot sa pesteng gate na 'yun. Aba, Isa na rin sa dahilan kong bakit ayaw kong malate eh dahilan pinagbantaan ako ni Ms. Takada na papalinisin sa school sa sabado at linggo. No way talaga as in no way hindi pwedeng kunin ang aking precious time. No No No No.

Alam niyo ba kung ano ang nadatnan ko sa classroom Pagdating ko?

Syempre hindi, wala naman kayo dito para makita kong anong kaguluhan ang nadatnan ko.

"Bitiwan mo sabi ang buhok ko! Walangyang paminta ka!" Sigaw ni Rhea kay Mikey.

"Pwes bitiwan mo rin yung buhok ko!" Sigaw rin ni Mikey kay Rhea.

Bakit ba sila nagsisigawan eh ang lapit-lapit lang naman nila sa isa't-isa. Hindi ko na nakayanan at lumapit sa kanilang dalawa. Hinawakan ko 'yung collar ng uniform ni Mikey at pilit na pinaghihiwalay dalawa. Pero para yatang may nakadikit na glue sa kamay at buhok nila dahil kahit anong gawin ko ay hindi pa rin sila matigil. Susuko na sana ako sa kanilang dalawa ng biglaang matisud ako sa bag na nakakalat sa sahig kaya ayun nga.

Hulaan niyo kong anong nangyari pagkatapos. Hindi ko sinasadyang natulak si Mikey kaya ayun nadaganan namin pareho si Rhea.

"Hala, Mikey----Oh May Ghad!!"

Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin kina Mikey at Rhea. Na magkalapit ang mga labi. Kung ano namang ikinalaki ng mata ko ay ganun din sa kanila.

Ang tanging huling nasilayan ni Mikey bago siya mawalan ng Malay ay ang bawat flash ng camera galing sa mga cellphone ng classmate namin.

Di rin tanga tong mga kaklase ko no? Pwede namang kunin yung flash.

-

Nandito kami ngayon sa field ng skwelahan habang nilalamon ang mga pagkaing binili namin ni Mikey na kalalabas lang ng clinic.

"Hoy Mikey! Magsalita ka nga diyan. Napipi ka na ba matapos ang halikan ninyo ni Rhea?" Sabi ko habang pinapapak ang isang manok.

Sinamaan niya ako ng tingin bago nagsalita. "Unang-una, alam mo ba kong ano ang manners? Kasi kong hindi I suggest na makipag-meet ka sakaniya. At pangalawa wag kang magsalita diyan na para bang wala kang kinalaman. Dahil lahat ng kamalasan na nagyari sa akin kanina ay dahil sayo." Mataas na litanya niya.

"Grabe ka Mikey! Kung makapagsalita ka parang hindi tayo friends. Ang sakit Mikey! Ang sakit Alam mo ba yun? Ang sakit dito." Sabi ko at tinuro ang dib-dib ko at nag-acting na para bang umiiyak.

"Tigil-tigilan mo ako diyan sa kadramahan mong tomboy ka. Sinasabi ko sayo, mukha mo talaga ang masusugatan." Pagbabanta niya at itinutok sa akin ang tinidor niya na may nakatusok na hotdog.

"Thank You." Sabi ko at kinain ang hotdog sa may tinidor.

"Flen! Anong ginawa mo!?" Sigaw niya.

"Uhm kumain?" Di siguradong sagot.

"Walangya ka talagang tomboy ka!" Singhal niya sa akin at nakasimagot na kumain.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain ng makita ko si Tsunggs na papalapit sa pwesto namin. Napansin ko rin ang dalawang lalaki na nakasunod sa kaniya. Yung isa kulay brown ang buhok at yung isa naman ay kulay brown na may black.

"Flen." Tawag ni Tsunggs sa akin paglapit niya sa pwesto namin. Lahat ng estudyante sa fields ay napatigil sa kaniya-kaniyang ginagawa at nakatingin sa amin para maki-usyoso.

"Tsunggs ma friend!" Bati ko sakaniya. "Anong ginagawa mo dito?"

Hindi siya nagsalita at dire-diretsong lumapit sa akin at hinawakan ang braso ko at pinatayo mula sa pwesto ko.

"Among ginagawa mo, oi! Baliw ka na ba?!" Singhal ko sakaniya at pilit na inaagaw sakaniya ang braso ko. Tiningnan ko yung pagkain ko at nakita ko kung ano ang kinahinatnan nito.

Nakakaawa!

Napakawalang puso ni Tsunggs para gawin ito sa akin at sa aking pinakamamahal na pagkain! Hindi ko siya mapapatawad.

"Bitiwan mo nga ako!" Sigaw ko sa kaniya at pilit na kumakawala pero patululoy lang siya sa pagkaladkad sa akin kong saang lupalop man niya ako dalhin.

Tiningnan ko ng masama yung lalaki na kasama ni Tsunggs na may highlight na brown ang buhok ng akbayan niya ako.

"Anong karapatan mong akbayan ako ha?" Tanong kong sa kaniya.

"Wala. Pero gusto kitang akbayan at walang makakapigil sa akin. Mwuahaha!" Sabi niya sa akin at tumawa ng parang baliw.

"Fan ka ng pabebe girls?" Takang taking ko.

Tumigil siya sa pagtawa at tumngin sa akin ng seryoso.

"Hindi pero idol ko si pastillas girl." Sabi niya at ngumiti ng malapad. Pastillas Girl?! Cheap! Charooot!

"Edi wow! Kung alam mo lang sana kong gaano ka bitter yung pastillas niya, ewan ko nalang sa iyo."

Hindi ko namalayan na tumigil pala yung si Tsunggs kaya nabangga tuloy ako sa likuran niya.

"Ano ba yan! Bat ka tumigil!? At teka nga, saan ba t--parking lot? Bakit tayo nasa may parking lot?" Tanong ko. 

"You're going to come with me." Sabi niya.

"Saan?"

"You don't have to know." Sagot niya at binitiwan ang kamay ko.

Akala mo susunod ako sayong tsunggo ka? Nebah!

Mabilis akong tumalikod at tumakbo papalayo sa lugar na yun. Ha! Akala niyo ha? Runner kaya tong pinakagwapong nilalang sa balat ng saging.

Akala ko tuloyan na akong makakawala pero yung isa sa dalawang alipores ni Tsunggs ay maswerteng nahawakan ang kwelyo ng uniform ko mula sa likuran.

Kaya ayun, kinaladkad nila ako pabalik.

"Hindi ka makakatakas sa amin kaya wag ka ng magtangka pa ulit tumakas." Sabi nung kulay brown ang buhok na siya pala ang nakahawak sa kwelyo ko.

"Teka, teka. Para masaya, hawakan niyo nalang dalawa itong kamay ko. Ikaw sa kanan." Turo ko doon sa may brown na highlight."At ikaw naman sa kaliwa."

So ayun nga ang ginawa nila. Ako naman ay umupo yung sakto lang para hindi sumayad sa sahig.

"Hilaan niyo naman ako ngayon papunta doon para hindi boring."

Tumingin sila sa akin na para bang hindi makapaniwala.

"Nababaliw ka na ba?/ Are you crazy?" Sabay na tanong nila.

"Mukha ba akong nasa mental?" Pamimilosopo ko.

"Malay ba naming takas ka."

________________________________________________________________________
Heyo!!!!! Its me chakalye and I'm back. Saan kaya dadalhin ni Almighty Tsunggs Si Flen. At sino naman kaya itong dalawang bagong character?


The Bad Boy's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon