Chapter 21:

52 2 8
                                    

Flen's POV

Patuloy lang sa pagkanta ang nakakabingi naming sound system habang kami naman ay patuloy sa pagsayaw. Taena. Buti sana kong chix kapartner ko eh. Pero si Tsunggs mga Tol! Si Tsunggs! Alam niyo 'yun? At ang nakakabwesit pa eh kanina pa niya ako hina-harass.

"I wonder kong anong magiging mukha mo." Sabi niya habang nakangisi ng nakakaloko.

"Gago. Edi mukha pa rin. Bobo nito, hindi naman ako magpapaplastic surgery." Irap ko sa kaniya.

Nang matapos na 'yung music ay pinabalik na kami sa upuan namin para sa ten minutes na break.

"Hoy, Flen. Itali mo nga 'yang buhok mo." Utos sa akin ni Andrew. Kong maka utos naman to parang siya yung nagdadala ng buhok ko.

"Yoko nga!" Sabi ko at uminom ng maraming tubig.

Kong bakit hindi kami magkapartner sa sayaw ni Andrew? Ewan. Sabi ng stuff at teachers okay lang naman daw na hindi kami magka partner dahil individual naman daw ang pilian. At kong bakit si Tsunggs? Pinabunot kasi kami para matukoy kong sino ang magiging partner namin sa sayaw. Mga babae lang yung pinabunot at sa kasamaang palad eh kasali ako. *insert super dramatic emoticon here* Parang tinapakan ang aking kagwapuhan pero okay lang. Para sa kalayaan ng Pilipinas! Rated K!

Linggo ngayon at kong kailan gusto kong gumala para maghanap at mamingwit sa isda-isdang chix sa mall e siya namang pangugulo ang ginawa ng mga stuff para pag-practice-sin ako. Saulo ko na naman 'yong sayaw eh!!!

"Flen gusto mong sumama gumala mamaya? Half day lang naman tayo ngayong araw dahil kailangan daw nating magpahinga para bukas. Libre kita." Sabi ni Andrew. Para tuloyng bumukas ang langit at tinamaan siya sa sinag ng araw. O.A ba? Wala kayong magagawa libre eh.

"Ano ka ba naman Andrew mahfriend. Syempre sasamahan kita hanggang saang lupalop pa yan ng earth basta ilibre mo lang ako." Tuwang-tuwang sabi ko. Tumawa lang siya at ginulo ang buhok ko.

"Flen! Pinapatawag ka sa stage ni Ms.Layola." Sabi ni ate Kambre.

"Bakit? Anong kailangan niya sa kagwapuhan ko?" Tanong ko sa kaniya.

"Aba malay ko!" Iiling-iling na sabi niya.

"Ge, mamaya nalang!" Paalam ko kay Andrew at naglakad sa stage papunta kay Ms.Layola.

Si Ms.Layola yong nagtuturo sa amin kong paano rumampa, paano ganito ganyan pag kaharap judge. Siya yong inatasan dahil balita ko part time model daw 'yan noon sa isang sikat na clothing line. Okay naman si ma'am eh mabait at maganda kaso di ako mahilig sa teacher-student relationship kaya pass muna ako.

"Ms. Maganda tawag niyo daw po ako?" Bati ko Kay ma'am paglapit ko. Ms. Maganda tawag ko sa kaniya, alam niyo na nakikipag close, english teacher ko pa naman 'to.

"Ah, yes. Nag-practice ka ba sa bahay niyo? I hope you did, because I'm going to let you ramp here while everyone is looking. Alam mo kasi I've observed that when you start to walk in front of everyone you suddenly space out. Looks like you're being conscious, aren't you?" Tanong niya. Napa-isip tuloy ako.

Tama si ma'am, habang rumarampa ako sa gitna palaging lumilipad utak ko. Parang bubuyog lang no? Palagi ko kasing kong ilang chix kaya ang mabibingwit ko pagkatapos ng competition na 'to.Tsaka conscious? Di uso saming mga makakapal ang mukha ang salitang yan.

"Hala di po ma'am!" Tanggi ko.

"Whatever. Rumampa ka na lang doon sa gitna kagaya ng itinuro ko sayo. Isang rampa lang and pwede ka ng umuwi. Saulo mo naman 'yung sayaw eh."

Pumalakpak si ma'am ng malakas para makuha ang atensyon ng lahat. Nang magtagumpay na siya sinenyasan niya akong rumampa. Kaya mo to Flen, isipin mo lang kong ilang chix ang mabibingwit mo pagkatapos nito. Ilang araw ka ng nagpra-practice nito, umayos ka talaga.

Nagsimula ng humakbang ang mga paa ko at ngumiti. Diz iz it pansit!

--------

"Wow,Flen! Ang galing mo talaga kanina!" Sabi ni Geo sakin. Ngumiti naman ako at itinaas ang aking ulo na nagsasabi ng ganyan-talaga-pag-gwapo. So Geo yong representative ng grade 10.

"Ano ka ba naman Geo, maliit na bagay." Sabi ko.

Yung mga lalaking representative ang kasama ko ngayon, except doon sa grade seven di kasi pinayagan at kay Tsunggs. Papunta kaming WOF maglalaro kami. Mehehe. Libre nila lahat, galanti

Pagkarating namin doon bumili kaagad sila ng tokens. Daming tao ah. Kunsabagay linggo naman ngayon.

"Hoy, Flen. Ito sayo oh." Binigay sa akin ni Eriko ang lampas bente na tokens. Wow! Rami ah. Di naman ako nanghihinayang no, alam ko namang mayaman ang mga loko.

"Ge, lamat, bro."  Sabi ko.

"Kita-kits nalang tayo sa harap ng Jollibee." Sabi ni Michael, representative ng grade 8.

Ayun nga isa-isa na kaming naghiwalay. Naging abala na ako sa paglalaro ng kong anu-ano ng may mahagip ang mata ko. Si Tsunggs at si Jacq, naglalaro silang dalawa doon sa
labas na tindahan sa WOF. Taga-cheer si Jacq habang si Tsunggs patuloy lang sa pagpapaputok ng mga balloons gamit ang isang baril-barilan. Ibinaba na ni Tsunggs ang baril at ibinigay doon sa lalaki. Binigyan ng lalaki si Tsunggs ng isang life size bear.

Bakit ganun? Bakit naiinis akong magkasama sila?Bakit gusto kong pagpipira-pirasuhin si Jacq? Bakit ang gwapo ko?

Ang dami kong tanong sa utak ko wala namang sagot. Wala naman kasing choices na A, B at C. Tsaka ang weird naman no kong sasagot ako wala namang tanong.

"Flen!" Napalingon ako sa likuran ko.

"BAKLA!" Napakalakas na sigaw ko kaya lahat ng tao sa loob ng WOF at pati na rin yung mga tao sa labas napatingin sa akin.

"Ay chos! Wag ka ngang sumigaw, bakla! Feel na feel mo namang nasa bundok tayo. Mukha mo lang taga-bundok." Suway sa akin ni baklang Migz nang mapansin yong mga tao. Nagsibalikan rin naman sila sa ginagawa nila eh.

"Bayot ka! Kailan ka pa dumating? Bakit ka bumalik." Masayang bati ko.

"Yung totoo? Masaya ka bang dumating ako o hindi. Kahapon lang ako dumating. Nandito ako dahil gusto kitang makitang maging babae."

Ako lang ba to o ang daming gustong makita akong maging babae? Pati si papa umuwi galing sa Paris para makita ako at yung mga iba naming kamag-anak from around the world. Oha? Inggit kayo no? Dami kong lahi, nakakalat kahit saang parte ng mundo. May kamag-anak nga akong taga North pole sumakay sa ice para makapunta dito, ayun natunaw ang ice nalunod, kinain ng mga pating. Pero joke lang yun. Hahaha! Bilis tawa kayo.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chakalye's note: Alam niyo yung slow magevolve? Si Flen 'yun eh! Bat ang tagal niyang maging babae? Dami kasing arti sa buhay ng tomboy na to. Hahaha! 

Salamat sa ginawa mong ship name nila Jenrix at Flen, @hoppyappy

#FleJen

School nanaman!

The Bad Boy's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon