Chapter 28:

38 3 0
                                    

Nakalabas ng building si Nathan ng hindi kasama si Flen, bigla tuloy kinutuban si Mikey para sa kaibigan.

"Nathan! Jusko, ikaw nga. Bakit ganyan ang mukha mo, nakipagpalit ka ba ng mukha sa Nigerian mong kaklase?" Nag-aalalang tanong ng ina ni Nathan na, si Perata Chayness Panghapon aka Pechay.

"Si Flen! Nasaan si Flen, Nathan?" Kinkabahang tanong ni Mikey sa bata. Mahigpit niyang hinawakan ito sa balikat dahil sa kaba.

"I think she's dead. She told me to run because she tripped."

"Ano?!" Sigaw niya. Mabilis siyang tumayo at tumakbo papunta sa entrance ng building pero hinarangan siya ng mga bombero.

May pagka-tanga rin tong kaibigan niya. Kalaking tao natitisud pa. Grabe, nakakastress sa buhay.

"Sir, hindi po kayo pwedeng pumasok dilikado na po." Pagpigil ng mga bombero kay Mikey na aakmang pagpasok.

"Pero na sa loob ang ka---Flen!" Tili niya ng makitang gumagapang ang kaibigan palabas ng gusali. Itim na itim at sabog na sabog ang pagmumukha ng kaibigan niya.

"M...Mikey....m..m..Mikey!" Patuloy pa rin ito sa paggapang.

"Gaga! Feeling mo nasa horror movie ka? Excuse me, humour ang storyang to."

"So kapag comedy hindi na pwede ang horror? Ganun ha?" Inis na tanong ni Flen sa kaibigan at tumayo.

"Hindi rin, kasi mukha mo palang panghorror na, dadagdagan mo pa? Edi hindi na to comedy, utak nga bes!" Sabi niya dito, "Ay joke, nawala nga pala."

"Bwesit ka, imbes na tulungan mo ako binabara mo pa ako. Dapat ang ginagawa mo ngayon, sinasabuyan ako ng maraming complements." Sabi ni Flen habang papalapit siya sa kaibigan.

"E kong tubig kaya ang isaboy ko sayo ng magising ka."

"Hmp. Kahit kailan talaga ang arte mo." Nilagpasan lang siya ni Flen at dumiretso sa istasyon kong saan nakpwesto ang ambylansya. Ang tomboy, tuwang-tuwa dahil ang daming umakay.

Wow lang kong makaasta ang isang yon parang hindi nanggaling sa impyernom. Tang-ina ang chill ng hinayupak.

Nagring ang cellphone ni Mikey kaya kinuha niya ito at binasa ang caller. Tita Fleza.

"Hello? tita?" Aniya sa kabilang linya.

"Hello,Mikey? Hello?" Tita Fleza.

"Po? Tita?"

"H-H-Hello? Hello? Ay shit, bakit walang sumasagot? Hello?Haelo?-----" ...at biglang namatay ang linya. 

Nilingon niya ulit ang kaibigan upang tingnan ang lagay nito at mukhang baliw pa rin naman ito kagaya ng dati. Wala naman yatang epek sa kanya ang mga galos at mga first degree burn.  

*Kinabukasan*

Sa bahay nila Mikey dumiretso sina Mikey at Flen dahil ayaw magpadala ni Flen sa ospital. Hindi na sila tinatong pa ng mga magulang ni Mikey dahil alam naman nito ang dahilan, napasugod rin sina mama at papa ni Flen sa bahay nila ng malaman nito ang tungkol sa sunog at kong paano nagpakahero ang tomboyng bida. Hindi na ito isinama pauwi ng mga magulang dahil tulog pa sa mantika ang hayop.

"Hoy, Flen bakit may mga bondage ka sa katawan ha? Anong nangyari sayo? Niresbakan ka na ba ng mga binubwesit mo?" Tanong ni Maxel pagkapasok at pagkapasok pa lang ni Flen sa classroom. 

"Hoy gago, anong niresbakan? Kung may mangreresbak man sa akin, wala sa akin yon, kahit kaunting galo---mmphf!" 

"Tang-ina sino ka ba?" Naiiritang tanong ni Flen sa lalaking tumakip ng bibig niya. "Oi, Tsunggs! Musta?" Bati niya sa lalaki pagkakita rito.

"What the hell happened to you?" Nakakunot noong tanong nito.

"Translator please." 

Sumigaw naman yong kaklase niyang tomboy rin, "Saan daw naaksidente yang mukha mo."

"Sa mukha mo, gago! Ang gaspang kasi eh, binagsakan ba yan ng meteorites tapos pinulbuhan ng mga bato?" asik niya dito at nagsitawanan naman ang mga kaklase niya.

"Grabe siya oh!"

"Anong nangyari sayo, Flen? Bakit andami mong galos?" Mariing tanong ni Tsunggs habang nakakapit ng mahigpit sa braso niya.

Kinabahan naman ng medyo slight si Flen pero syempre di niya ipapahalata no, "A-ano..may sunog kasi doon sa tinitirhan naming building tapos may naiwan na bata sa loob, ayun tinulungan ko..."

"What?! Alam mo bang maaari mong ikamatay yang katangahang ginawa mo?!" Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Jenrix sa braso ni Flen kaya naman napa-aray ito.

"Wala bang bombero doon at ganun kalakas ang loob mong magpakahero?! Flen, you are still a woman!" Medyo naiinis na rin si Flen sa bigla-biglang paninigaw ni Jenrix sa kanya kaya hinablot niya ang braso mula dito.

"Tang*** mo gag*! Ano bang pinuputok ng butsi mo ha? Wag ka ngang O.A! Buhay pa naman ako ah, tsaka ano bang pake mo? Sino ka ba para pakialaman ako?! Buhay ko to kaya wala kang karapatang sigaw-sigawan ako, peste." litanya ni Flen na ikinatahimik ng lahat, si Jenrix naman ay mariing napapikit at tila gustong manuntok.

Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita, " Okay fine. I'm sorry. Sino ba naman kasi ako para MAG-AlALA sayo? I'm just a fucking stranger to you." Anito bago nag-walk out.

Katahimikan ang bumalot sa buong classroom. Tumigil sa paghinga ang lahat, pinapakiramdaman kong sino ang unang hihinga. Kung sino ang hihinga siya ang maglilinis sa buong classroom. Bumuntong hininga si Mikee, kaya siya ang natalo. Nakahinga naman ng maluwag ang lahat, habol ang hininga ng bawat isa. isang minuto rin yun, mga 0.00000001/2 ng buhay nila.

"Flen, alam kong ayaw mong pinapakialaman ka pero nagaalala lang naman sayo yung tao, kaibigan mo pa rin yun at isa pa first kiss mo kaya yun."

"Ano namang konek ng first kiss-first kiss chuvarlu sa pagiging concerned baklang Mikey?" Nakataas kilay na tanong ni Rhea, papunta pa lang ito sa armchair niya.

"Wala kang pake, pangit." Inirapan ito ni Mikey.

"Wow grabe! Insecure ka sa beauty ko teh?" Pangaalaska nito.

"Beauty? Meron ka pala nun?" 

Hindi na nakasagot si Rhea dahil dumating na ang teacher nila para sa first subject. Habang nagka-klase hindi maiwasang mapaisip si Flen sa ginawa niya kanina. Pinalaki siya ng maayos ng mga magulang niya, kahit medyo maloko siyang tao alam pa rin niya kong kailan siya tama at mali. Kaya naman naisipan niyang humingi ng sorry mamayang break nila.

Hahay buhay.

______________________________________

chakalye's note: Hindi ako masyadong nakapagupdate dahil unang-una tinatamad ako at feel kong parang walang lumalabas na idea dito sa utak ko kahit anong piga ang gawin ko at saka masyado na akong nawiwili sa mga boyxboy na mga story at yaoi na mga manga. Pero kahit walang gaanong nagbabasa nito, gustong-gusto ko pa rin itong tapusin hanggang sa huli dahil itong storyang ito ang tumagal hang gang sa chapter 28 dahil mostly ay hanggang chapter 9 lang ako or much worst ay sa prologue lang. Kaya sobrang thank you sa lahat ng bumasa nito, thank you po sa pagtyatyaga.

The Bad Boy's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon