Chapter 9:

56 4 2
                                    

Dedicated to sa inyong lahat at kay @iNorrieko dahil kayo ang dahilan para maka-rank ang storyang ito. Salamat nga pala iNorrieko sa advice. ayiieee~

Flen: Hi, babes. Date tayo mamaya ah. Celebrate natin text mo nalang ako. 09---

Chakalye: Langyang Tomboy ka! Lumayas ka na nga.

Flen: Babe naman ang selosa mo yata.

Chakalye: Babe-in mo yang mukha mo! Che!

----#399----

"Jenrix grabe naman! Bat kami lang ang maglilinis?" Nakita kong lumabas Si grant sa mansion habang nakanguso. Aba! Bakla yata talaga ang hinayupak na to.

"Tinatanong mo pa talaga yan. Baka nakalimutan mong may utang ka sa akin." Sagot naman ni Jenrix sa kaniya habang nakangisi ng nakakaloko.

"Aish@$#+$;*" Hindi ko na narinig ng maayos si Grant dahil mahina lang ang pagkakasabi niya noon.

"Eh 'bat pati ako? " Napalingon ako sa gilid ko at nakita si Jared na nakabusangot ang mukha habang may dala-dalang walis at dustpan. Ngayon ko rin lang nahalata na may dala palang sako si Gaven.

"I don't know. Why are you even here in the first place?" Tanong sa kaniya ni Jared.

Napaawang naman ang bibig nito sa narinig. Hahaha! Taena laptrip to!

"Don't worry. Tutulungan naman kayo ni Flen eh."

"Hahaha oo ng---ANO?!!! Tsunggo ka na nga may sayad ka pa. Kailan pa ako naging janitor ha?!" Sigaw ko sa kaniya tsaka piningot ang tenga nito bago nagmartsa papa-alis sa lugar na yun.

Wala pa ngang chix dito tapos gagawin pa akong janitor. Sa gwapo kong to? Gagawin akong janitor? No way as i--

"I'll give you 10 thousand after this at bibigyan rin kita ng number ng isang model na kaibigan ko--" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at naglakad papunta kay Jared at inagaw sa kaniya ang dustpan at walis.

"Bat di mo naman sinabi agad. Madali lang naman akong kausap eh." Sabi ko at nagsimulang magwalis.

"You're unbelievable. Pagkatapos mong malinis sa buong harapan ng bahay linisin mo na rin yung pool sa likuran." Utos niya at iling-iling na naglakad papasok.

"Anak ng!"

"Ten thousand and a model's number, Flen. The deal is on." Sabi niya sa akin at pina ikot ikot ang susi ng sasakyan sa hintuturo niya na lumipad sa mukha ni Grant.

"Aray! Ano ba 'yan Rix!? Ganiyan na ba kalala ang galit mo sa akin?! Graabe akala ko magkaibigan tayo!" Pagdra-drama ni Grant na ikinatawa ko.

"Mga Baliw! Wahaha!" Malakas na tawa ko habang nagwawalis.

"Rix si, Flen lang ba ang may sweldo? Aba unfair naman yata yun." Segunda mano ni Jared. Taena eh ang yaman-yaman na niya manghihingi pa ng sweldo.

"I'll treat the both of you sa bar mamayang gabi so shut the fuck up at maglinis na kayo. Nandoon lang ako sa sala kung may kailangan kayo." Sabi ji Tsunggs at pumasok sa mansion niya.

Dahil sa pangakong sweldo ni Tsunggs hindi na kami nagabalang magdal-dal pa sa isat isa at nagfocus sa kaniya-kaniyng ginagawa.

-2 Hours Later-

"Grabe hindi ko na kaya! Mamamatay na yata ako! I need kabaonggg! Noo!! I need pagkain!" Ngawa ko habang nakahiga sa semento o tiles o ano na nakapalibot sa buong swimming pool.

"Helllppp!!! May mamamatay na gwapo!" Ngawa rin Grant habang nakahiga katabi ko. Si Jared? Ayun nakatulog sa ilalim ng puno. Grave Hindi ko akalaing ganito pala kalaki itong kinatitirikan ng mansion ng tsunggong yun.

Sa lagay naming ngayon para naming nilibot ang buong Pilipinas. Naligo na kami sa sarili naming pawis.

"Anong gwapo? Kung may gwapo man dito ako yun. Wag ka ngang feelingero, bakla ka." Sabi ko sa kaniya at sinundot siya sa tagiliran.

"Anong gwapo?Flen, Wag ka ng mag-illusyon na magiging kasing gwapo mo ako. Baka nakakalimutan mong Tomboy ka. Oh, wag kang magalit sa akin sinabihan mo ako ng bakla kanina." Sabi niya bago pa ako makapag react.

"Nye Nye wala akong narinig. Tumahimik ka na nga, tae ka. Ang baho-baho ng hininga mo." Sabi ko sa kaniya.

Nakita ko sa peripheral vision ko Kong paano niya inamoy ng hininga niya pagkasabi ko nun. Hahaha! Ang epic ng mukha niya!

" Hindi kaya! Impossibleng mangyari yun no! Kasampu kaya ako nag-mouth was kanina." Protestant niya.

"Wahaha! Binibiro lang naman kita no! Ang O.A mo rin eh. Oi, tsunggs!" Sabi ko ng makita ko Si Tsunggs na papalapit sa amin.

"Good Job guys. Pumasok na kayo sa loob, magpalit muna kayo ng damit bago tayo kumain." Sabi niya sa amin habang pinagmamasdan ang buong paligid.

"Kumain? May pagkain?!" Sigaw ko. Hindi ko hinintay pa ang sagot niya at tumakbo papunta sa loob ng mansion.

"Oi, hintay!" Sigaw sa akin ni Gaven at tumakbo na rin.

---
"Nasa taas ang mga damit. Second floor, third room. Got it?" Sabi ni Tsunggs at dumiretso sa kusina ng mansion. Ako naman ay nagsimula ng umakyat papunta sa ikalawang palapag ng bahay.

Nasa parang hallway na ako ng mapatingin ako sa isang nakasabit na litrato. Hindi ko alam pero parang pamilyar ito sa akin. Inalis ko nalang ang nakakabaliw na bagay na yun at naglakad papunta sa sinasabing kwarto ni Tsunggs.

Akala ko ganoon lang kadali ang maghanap ng kwarto pero para na yata akong mababaliw ng hindi ko malaman-laman kong saang kwarto ako papasok. Tanda ko namang ikatlong kwarto pero saan? Sa kaliwa o kanan?

Bahala na nga to. Bahala na ang kagwapuhan ni Flen da gwapo ang magpasya kung saang kwarto papasok.

Pumasok ako soon sa kanang kwarto. Namangha naman daw yung Lola niyo pagkapasok. Paano ba naman kasi paradise na yata ng isang gwapong anime otaku na katulad ko ang lugar na to. May dalawang matataas na shelf na puro manga ang nakalagay, hindi manga na prutas ha. Tapos may mga anime poster pa at mga figurines yung higaan niya eh anime. Waaahh!! Kainggit!

"Flen! Dalian mo nga magbihas!" Nabalik ako sa realidad ng marinig ko hung pangalan ko mula sa...intercom?

Edi wow! Siya na yung mayaman!

Langya mehn. Bahala na ah, basta gwapo.

Sinuot ko yung puting T-shirt na may logo ng fairy tail at isang boxer. Kanino kaya itong kwarto?

Ayaw ko man umalis sa lugar na yun eh kailangan para sa ngalan ng pagkain.Matanong nga kay Tsunggs kong kaninong kwarto to.

The Bad Boy's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon