Chapter 15

45 4 2
                                    

Flen's POV

"Hoy, Tsunggs! Umayos ka nga kundi sasapakin na talaga kita." Saway ko sakanya dahil pagiwang-giwang kami.

"I-its not my fault Im handsome!" Sabi niya sa tonong panglasing.

Ano daw? Siya handsome? Ha! Hindi na siya nahiya sa pinakagwapong Si Flen na gentleman at mabait. Tsaka anong connect nun sa sinabi ko?

"Ano?! Handsome? Lasing ka lang! Itulog mo na lang yan bro!"

"S-sige ba! Basta makakalimutan ko na si Jacq!"

Sa wakas nakapasok na rin! Wohoo! Dapat bigyan ako ng award nito eh.

Ibinagsak ko siya sa sofa niya sa sala at pinailaw lahat ng ilaw niya sa bahay. Pagkatapos kong gawin 'yun eh dumiretso ako sa kusina at nag-init ng tubig.

Habang naghihintay ay nag-iimagine ako kong paano ko imu-murder si Tsunggs. Pero naputol 'yun nang marinig ko siyang sumisigaw.

"Hey! Flen?! You're my maid right?! C'mon give me more beer!" Hanudaw?! Gago 'yun ah. Sa gwapo kong 'to? Maid lang to ng tsunggo. No way.

Kumuha ako ng baso at binigay ito sa kaniya.

"What am I gonna do with this?" Tanong niya sa kaniyang panglasing language, trinanslate ko lang.

"Diba gusto mo ng beer? Edi ihian mo!" Pagloloko mo.

"Now wayyyy! Its dirty." Aniya at tumayo sa pagkakahiga.

"O? Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Sa buhay ko! Kay Jacq! Kung hindi niya kayang bumalik sa akin, pwes ako ang babalik sa kaniya."

Iba rin ang isang to pagnalasing eh. Ang dal-dal at kong ano-ano ang sinasabi.

"Ikaw? Babalik sa kaniya?" Turo ko sa sarili niya at tinawanan.

"'Yan ang 'wag na 'wag mong gagawin. Bakit ka babalik kong hindi ka naman umalis? Magmumukha ka lang desperado. Kong gusto mo talagang maayos yang problema mo pwes tanongin mo si Jacq kong anong nangyari." Ani ko at pumunta ulit sa kusina dahil nag-iingay na yung pesteng matabang takuri.

Kong naghahanap ang showtime ng kapalit ni Vice sa pag-a-advice pakitawag nalang ako ha?
Naglagay ako sa planggana at sa mug na rin. Nilagyan ko rin ng malamig na tubig yung planggana para hindi gaanong mainit. Naghanap ako ng tsaa sa kusina niya at buti naman may nahanap ako.

Pagbalik ko sa sofa e deds na siya. Kaya ayun tumawag na ako sa Saint Peter. Pero joke lang! Mahirap tigukin mga katulad ng mokong na 'to.

Nilagay ko muna saglit sa mini-table yung planggana at mug at umakyat sa second floor ng bahay niya. Pumasok ako sa kwarto niya at kumuha ng damit sa kaniyang walk-in closet. Rich Kid talaga ang mokong na to. Kumuha ako ng isang puting t-shirt at pajama na rin at towel.

Kung bakit ko alam ang ganito? Dahil lasenggero si Daddy noon pero tumigil din naman siya noong muntik na akong ma kidnap.

Pagkabalik ko e tinanggal ko muna 'yung damit niya at pantalon bago siya sinimulang punasan.

"Hoy! 'Wag mo kong manyakan tombs!" Sabi niya pero nakapikit pa rin siya.

"Ano? Ikaw? Mamanyakan ko? Mandiri ka nga."

Pero...

Olala, pandesal. Saktong-sakto may tsaa akong dala mag midnight snack muna tayo.

Yak! Ew! Ano ba tong iniisip ko? Nababakla na ba ako? Hindi, hindi, hindi. Naiingit lang ako. Tama! Naiingit lang talaga ako.

Pagkatapos ko siyang hipoan--este linisan e dinamitan ko na uli siya.

Ginising ko siya para painumin ng tsaa.

"Hoy! Hoy Tsunggo! Gumising ka nga kong ayaw mong ibuhos ko sayo tong tsaa." Ang hirap naman niyang pagisingin.

"Whaaat? I'm sleepy."

"Gumising ka sabi eh!" Sigaw ko sa may tapat ng tenga niya kaya napamulat niya yung mata niya.

Inabot ko sa kaniya yung mug at kinuha rin naman niya.

"Inumin mo. Matutulog na ako doon sa guest room. Ge, night." Hindi ko na talaga kaya. Drained na drained na ako.

Pagkatapos kong sabihin yun e umakyat na ako sa taas at punta sa guest room na katabi ng kwarto ni Tsunggs.

Pagkahiga ko dire-diretso na akong nakatulog. Hindi siguro naka-abot ng isang or as ay may naramdaman akong masamang ispirito sa kwartong to. At alam niyo ba? Tinatawag pa niya ako.

"Tombs." Tawag niya, hindi ako kumibo. Ano bang problema ng tsunggong to?!

"Hey, Tombs."  Wala kibo. Tulog nga kasi ako!

Narinif ko siyang bumuntong hininga bago nagsalita.

"I just wanted to tell you that I'm not drunk, just tipsy. I was just fooling around a while ago." Panimula niya. Bwesit to! Ang bigat-bigat niya kanina tapos sasabihin niyang trip-trip lang niya yun. Humanda lang talaga to sa akin.

"The truth is, I really need someone right now. Busy silang lahat and I don't think Alexander can help either. Alam mo kasi, maybe I can ace at school and fights. But I'm just an amateur when it comes to love. This morning after class, kinausap ako ni Jacq. I asked her why did she get married and she told me she have to. After that eh umalis na siya. But before she go kinausap ko kong among relasyon namin, but she didn't say anything."

"Selfish." Yan lang ang nasabi ko.

"Pasensya na pero para sa akin napaka selfish ni Jacq. Alam mo kong bakit? Dahil she wants the both of you. Gwapo man ako ngayon di ko parin maipagkakaila na babae rin ako. Kaya alam ko kong anong iniisip niya. Kong mahal ka talaga niya, ipapaliwanag niya sayo ang nangyayari. Hindi niya sinabi sayo ang rason dahil ayaw ka niyang mawala." Mataas na litanya.

"Hindi ko rin naman mahuhusgahan si Jacq kong magiging selfish siya dahil may moment talaga sa buhay natin kong saan magiging selfish tayo kahit sobrang bait natin. Para itong virus, kung hindi maaagapan lalala. Ang advice ko? Tapusin niyo na ang relasyon niyo. Kong hindi niya kaya puwes ikaw ang gumawa. Dahil ang relasyon niyo ngayon ay isa ng kasalanan. Kasal na si Jacq, Tsunggs. Maniwala ka man o hindi,mag-ilisyun kaman na hindi, KASAL NA SIYA."

Pinagdiinan ko talaga ang huling mga salita para pumasok sa kukuti niya. Alam ko rin naman kong kailangan magloloko at kung kailaan hindi.

"Thank you so much, Flen. I feel better now." Sabi niya. Pero ang mas ikinagulat ko eh, hinalikan niya ako sa pisngi. Yaaaaakkk!!!!

The Bad Boy's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon