Prologue

99 8 13
                                    

Ako nga pala si Clint.



Isang Working student at naninirahan mag-isa sa boarding house ng Tiyahin ko dito sa maynila.



Kinailangan kong mamasukan sa iba't ibang trabaho dahil pinagaaral ko ang mga nakababata kong kapatid at ginagastusan ang sarili ko para mabuhay. Isama na ang responsibilidad ko bilang panganay na kuya sa pitong magkakapatid.



Nasa probinsya sila lahat kasama ang natitira kong magulang na si Nanay Gracia. Iniwan ko sila kahit alam ko kung gaano kahirap mamuhay dito sa siyudad.



Halo halong lungkot at pagod ang dinaranas at nilalabanan ko araw at gabi para lang maiahon ang pamilya ko sa hirap. Ni isang oras sa buhay ko dito sa maynila ay hindi ko naramdaman o naranasan ang magpakasaya dahil marami akong iniintindi




Hindi sa pagrereklamo pero minsan napapagod na lang talaga ako. Gusto ko na lang tumigil at pahintuin ang oras kasi umay na umay na ako sa buhay kong to..
...
...
...
...
...
...
...

"Hey excuse me. I need to borrow these. Hey"


"Oh sorry. just put your name and time on the log book please"
pagkaabot ko nung log book habang nagtatype. haaay. buntong hininga ko ng malaman kong napapalayo na pala ang diwa ko sa realidad na to.



"Will you work properly" pag angat ko ng ulo ko at nakita ko na lng ang pagtalikod ng isang babae na may itim na buhok..



"Bakit ang sungit?!" bulong ko sa sarili ko.

--
Natapos din ang klase at shift ko sa library,

Papunta na ako ngayon sa Blue Magic. Eto ang pangalawang trabaho ko sa araw na to.



"Thank you. Come again"

"Yeeeey stuffffff toys!! waaa so cute!!!"



"--Welcome" pagbati ko sa biglang pumasok na customer. Napansin ko na lang ang itim netong buhok dahil sa pagmamadali niya. Akala ko bata, pero isip bata lang pala base sa pananamit niya. parang batang pinakawalan sa sobrang sigla niya makakita ng laruan.



"Welcome"
"Thank you. Come Again"
"Welcome"
"Thank you. Come Aga--" natigil ako ng makarinig kami ng isang sigaw at iyak ng bata. Dali dali naman akong pumunta roon



"Noooo. this is mine!!" sabi ng isang babae na umiiyak sa sahig at akap akap ang napakalaking teddy bear na halos nagtatakip na sa buong mukha nya, maliban sa itim netong buhok



"Mommy..What's with her.." sabi naman nung bata na nagpipigil umiyak. "I want it too.." at ayun nga umiyak na rin siya.


naghihilahan sila sa kamay nung stuff toy
ang eksena, nakikipag-agawan ang isang Dilag sa isang musmos na bata para lang sa malaking teddy bear.



napakamot na lang ako sa ulo at niluhod na lang ang bata at kinausap ito.



"baby girl, kung gusto mo ikukuha ka na lng ni kuya ng ibang bear. Mas maganda dyan Ibigay mo na lang kay ate yan. okay lang ba?" medyo napakunot ang noo niya at tumingin na lang dun sa babaeng humahagulgol na kakaiyak, at pumayag na lang sa sinabi ko.


"..okay" hay salamat. mas matino pa siguro talagang kausapin ang batang to kaysa dyan sa babae. ang tanda na niya para makipag-agawan sa laruan lang.



kinuha ko na ang laruan nung bata at pagbalik ko wala na yung babae.



"Eto na baby girl. sana magustuhan mo" sabay ngiti ko. at nagpasalamat naman yung bata.

Persona  (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon