Chapter 4.1: The Cussing Warfreak

35 5 5
                                    

Natapos na ako sa shift ko sa Star City, at dahil pakiramdam ko na pagod na pagod ako ngayong araw na to, nakaidlip ako sa jeep na sinasakyan ko habang papunta sa Bar na huli kong papasukan.



Buti na lang yung driver ng sinakyan ko, ginising ako kaagad. Buti na nga lang din matino pa tong driver na ito sa gantong oras,minsan kasi puro lasing na lang ang nagdadrive ng alas dyis. Tapos pag minamalas ka, wala talagang jeep. Kaya ang ending, nilalakad ko mula Star City hanggang sa may makita akong tricycle at yun na ang transportasyon ko papunta sa Bar kahit medyo mahal ang singil kasi medyo malayo. Pero okay na,kaysa maglakad ako,puro tambay at adik pa naman ang nalabas ng gantong oras.



Minsan nga may nakita pa akong nagbubugbugan sa kanto habang nakasakay ako sa tricycle. Hindi ko na sila masyado tinignan kasi delikado yung mga ganun. Napakamalas mo kung may patalim yung isa sa kanila. Yan kasi mga nababalitaan ko sa mga katrabaho ko dito sa bar kapag papunta na din sila o kaya pauwi.



Napakadelikado talaga ng oras ko sa trabahong to, kaya imbes na magpokus ako sa trabaho ko ngayon, mas iniisip ko talaga yung buhay ko. Kasi malay ko ba kung pagtripan na lang ako bigla nang mga adik diyan,tapos saksakin ako. Odi mamatay na ako nun, tapos wala nang magtatrabaho, tapos wala nang mapapadalang pera sa pamilya ko, tapos gugutumin na sila, tapos hindi na makakapag-aral, tapos mababaliw na sila sa sobrang gutom, tapos gagawa na sila ng masama para makakain, tapos mahuhuli sila, tapos makukulong, tapos yung mga kasama pala nila sa prisinto mga sinto sinto, tapos sa sobrang pagkabaliw ng pamilya ko, magpapakamatay na lang sila. Tapos wala na.. wala na akong maisip na matino..



Masyado na ata akong nasisiraan ng bait dahil sa sobrang pagtatrabaho. Kung ano ano na lang naiimagine ko peste. Hindi dapat ako nagbibiro ng ganito sa panahon ngayon. Dapat mas isipin ko ang kinabukasan naming lahat.




Sa sobrang pagiging bayani ng sarili ko sa utak ko, nakarating na ako sa Bar ng buhay. Salamat naman at nagpawala ng kaba yung mga walang kwenta kong imahinasyon.



Pagkapasok ko,pumunta na ako sa locker ko at doon na nagbihis. Pang-iibabaw ko lang naman yung polo shirt ko dito kaya hindi na kailangan ng privacy.



"Oy tol andiyan ka na pala. Nabalitaan mo ba yung nangyari kanina?" sabi sakin nung isa kong kasamahan na kasabay ko sa duty ngayon



"Kanina? Saan? dito sa bar naten?"



"Oo! Balita sakin ni pareng Den, may nagkagulo daw kanina dito. Mga babae pa nga daw eh"



"Oh talaga? Ano daw dahilan?"



"Ang pagkakaintindi ko, may sumugod daw ditong tatlong babae, tapos pagkapasok sa loob bigla na lang daw may sinabunutan na isa pang babae na umiinom lang ng alak. Tapos daw pinagtulungan daw nung tatlong sumugod na babae yung nainom nang alak. Kawawa nga eh, tatlo laban sa isa. Grabe lang, tapos babae pa silang tinuturing nun ah" sabi niya habang nagbibihis din.



"Oh tapos, bakit daw sinugod yung nag-iisang babae? Baka naman may matinding dahilan"



"Ewan ko eh, hindi na din daw inalam nila Den kanina nung sila pa yung nakaduty. Baka nga siguro, kaso hindi patas yun. Tapos meron pa pala, may nakarinig na isang customer na babalikan daw yung babaeng umiinom ng alak dito, ngayon. Kasi may kinakatagpo daw yung babaeng yun dito nang gantong oras.



Ang kaso, hindi alam nung babaeng nag-aalak na babalikan siya dito nung tatlong babae na sumugod sa kanya kanina. Ano sa tingin mo? babalik kaya talaga ulit yun? Parang gusto ko sila makita magbakbakan hahaha" tawa niya bigla.



"Loko loko!! hindi dapat natin pinapabayaan na lang yung ganyan. Bakit ba nakakalusot sa bouncer natin yung mga yun. Dapat naka ban na sila pumasok dito kung nanggulo na sila,diba?" sabi ko sa kanya at lumabas na kami para mag-umpisa na sa pagserve nang mga drinks.


--

"We'd like a Two coconut mojito"


"do you want a double sir?"


"Yeah sure"


"Okay coming right up!"

--

"Hey, can i have another stout?"


"Sure!"

--

"Excuse me, Do you have anything light on tap?"


"Yes sir"


"I'll have a bottle of that pls"


"Okaay. Got it"



Medyo busy night ngayon kaya tambak na din ang orders na nakaassign sakin. Habang ginagawa ko yung mga drinks nila, binulungan ako nung isa kong katrabaho.



"Tol, ayan na si Ms.Jagermeister. Ikaw na bahala diyan. Panigurado ikaw na naman pagseservin niyan."



"Tsk. Ayaw mo lang mamura eh -_-" sabi ko rito at napabuntong hininga na lang. Kahit pagod na ako at halos mauubos na ang enerhiya ko, lumapit pa rin ako sa Shhe na to at tinanong siya nang order niya



"Do you want the usual ma'am?"



"F*ck, of course! do you still need to ask me that b*llsh*t question?!" ayan na nag-uumpisa na nga siya. Hindi pa talaga siya lasing niyan ah



"Yes ma'am. It's our routine to ask that question everytime a customer sits here."



"SO?! i don't f*cking need your explanation you douchebag! Just give me my jagermeister! and leave out of my f*cking sight!" tinatanong niya kung bakit kailangan naming tanungin yun tapos magagalit siya na hindi niya kailangan ng explanation. peste, kung hindi lang talaga ako pagod, sinagot na kita pfft



Umalis na ako sa harap niya at ginawa na lang yung drink niya. Ayoko nang makarinig pa nang masasamang salita kasi nakakarindi na. Lagi na lang ba ako magpapasensya -_-



Hay nako, dati rati hindi naman ako namomroblema sa trabaho ko nang ganto. Bakit ngayon, ang bilis ko na atang mapagod. Masyado na ata akong nalalayo sa prioridad ko ah.




Pagkatapos kong isalin sa baso yung jagermeister, inabot ko na ito kaagad kay shhe. Mas inuna ko na siya kaysa dun sa mga nauna pang nag-order sakin kasi magmumura na naman to nang sandamakmak pag natagalan ako. Naiinis na din yung ibang customer sa mga sinasabi niya eh, kaya hindi na sila nagrereklamo na unahin ko yung order niya. Salamat na lang at kahit papaano marunong umintindi yung mga umoorder sakin, maliban talaga kay shhe -_-



Nang naabot ko na kay shhe yung drink niya, ginawa ko naman na kaagad yung iba pang mga order. Makalipas ang ilang segundo, nakarinig ako nang pagsigaw..walang iba kundi siya lang naman



"DOUCHEBAG! *HIK* GIMME ANOTHER GLASSHH OF JAGERMEISHTEERR! HURRY YOU A**H*LE *HIK*" at syempre napaghandaan ko na, na mangyayare nga to kaya naghanda na ako nung una pa lang niyang order, nang another glass of jagermeister hahaha Kahit pala pagod na ako, kaya ko pa ring mag-isip ng naaayon sa sitwasyon. Buti na lang




"Here" at pinatong ko na sa harap niya yung pinakamamahal niyang jagermeister. At gaya din nga nang inaasahan, tinungga niya nanaman eto kaagad. Uhaw na uhaw ba tong babaeng to at parang tubig na lang niya inumin tong alak na to? -_-




"ANOTHER!! *HIK* GIMME ANOTHER A**H*LE!!"


"Here"


"ANOTHER ANOTHER!! *HIK*"


"GIMME AGAIN!! *HIK*" puro niya binobottoms up yung mga kakabigay ko pa lang. Grabe naman maglasing to



"ANOTHEEERRR!! WHY DO YOU SHERVEE SO SHLOOOWW YOUH F*CKING STUPIDDDD DOUCHEBAG!! GIMMEEE ANOTHERRR!" ughhh. parang pansin ko na sa kanya na lang ako nagseserve ah -_-



"Here ma'am. Five glasses incase you need another one!"



"HA HA HA YOU SMARTA** F*CK! I ONLY ORDERED ONE SHOO WHY WOULD YOU GIMME FIVE?! SHOOO SHTUUPIIDD HAHAHAH!" anak ng! nalulunod na talaga to sa alak nako!



Hindi ko na lang inintindi yung mga sinasabi nang babaeng to at nagpatuloy na lang sa pagserve nang ibang customer. Lima naman yung binigay ko sa kanya kaya matatagalan pa siya bago umorder ulit.




Pagkatapos kong gawin yung iba pang drinks, nilingon ko na siya kung ubos niya na yung jagermeister niya.. Pansin ko namang ubos na pero bigla siyang tumayo. Saan kaya pupunta yun? baka nag CR



--


Pasara na kami halos kaya onti na lang din yung tao. Nagsisiuwian na din yung iba. At para mapabilis yung pag-uwi ko at nang mga kasamahan ko, nilinis ko na yung ibang table at nilagay na sa trash bag ang mga kalat at basurang nasa trashcan.



"Tol, tapon ko lang to sa labas" sabi ko sa kasamahan ko,pagkatapos kong kunin ang lahat ng basura at pumunta na sa likudan ng bar.



Nang papasok na ako ulit, may narinig akong parang sigawan? Pinuntahan ko kung saan nanggagaling yung tunog na yun nang makita kong may nag-aaway na mga babae. Tatlong nakatayo at pinagsisipa yung dalawang babaeng nakaupo. Dali dali akong pumasok agad sa loob nang bar at tinawag yung mga bouncer namin para awatin yung mga babae sa labas. Agad agad namang lumabas yung mga bouncer at sumunod na din ako para tumulong, nang maabutan kong nagsisigawan sila..



"YOU F*CKING WHORES!!! LEAVE HER ALONE!!!" sabi nung isang babaeng nakaupo at yakap yakap yung isa pang babae na parang pinoprotektahan niya



"Who's this b*tch?!" -girl1



"You're not even her acquaintance but you're helping her!? HAHAHA!! you're funny, stup*d!" -girl2



"It's your fault getting beaten because of your heroine act b*tch!" -girl3



"s-stop it!! do-don't hurt her please..!!"
"Please go! You're getting hurt badly.. le-leave NOW..please..i don't want you to suffer more because of me.."



"YOU F*KING STUP*D!! WHY WOULD I LEAVE YOU HERE WITH THIS BULLSH*T WHORES!! TSK"



"Who dahell are you calling whores you f*cking b*tch!!" -girl1



Patuloy nilang sinisipa yung promoprotektang babae dun sa isa pa, nang makita ko ang itsura neto at nagulat ako...



"SHHE!!!" bigla ko na lang sinigaw ang pangalan niya at lumingon siya kaagad sakin..

Persona  (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon