Sumikat na naman ang bagong araw at gumising na din ang diwa kong pilit na pilit kong binangon dahil sa sobrang kapagudan. Gusto ko na mag kinabukasan para makapagpahinga na ako buong araw Hayy *pabuntong hininga ko* habang naghahanda na nang mga gamit ko para sa araw na to.
Bumaba na rin ako nang kwarto ko at dumeretso na kayla Tiyang para mag-almusal. Pasalamat ako kasi maaga din siyang nagigising kaya may kasabay ako mag-agahan.
"Salamat ho sa pagkain. Papasok na ako tiyang" pagtayo ko at niligpit na ang pinagkainan ko at hinugasan
"Sige clint. Mag-ingat ka iho" sabi ni tiyang habang nagkakape
"Sige po, paalam" pagpapaalam ko sa kanya pagkalabas ko nang bahay nila at naglakad na papunta sa sakayan ng jeep.
--
Papikit-pikit pa ang mata ko habang nasa biyahe k
dahil inaantok pa ata ako.. Tama naman yung oras ko nang pag-tulog at pag-gising pero parang pagod na pagod yung mata ko -_-At para tuluyang magising ang diwa ko, hinampas ko na lang ng malakas ang pisnge ko gamit ang kamay ko. Nabigla naman yung mga pasaherong kasabay ko sa ginawa ko, at nginitian ko na lang sila haha
"Para ho" sabi ko pagkarating nang jeep sa kanto bago ang school ko. Medyo kailangan maglakad pero hindi naman ganun kalayo kaya okay lang. Ito na din ang nagsisilbe kong ehersisyo tuwing umaga kaya okay na din.
Sakto naman ang dating ko sa dating nang prof namin, at inumpisahan na kaagad ang klase.
--
Matapos ang klase ko sa umagang to, dumeretso na ako sa silid aklatan para umpisahan ang una kong trabaho.
Chineck ko na ang mga libro na hindi pa naibabalik, nagcomputer na din muna ako para itype ang ibang bagay. At para sa unang estudyanteng hihiram nang libro sa shift ko, ngumiti agad ako nang abot hanggang tenga para sa buwena manong pagbati..pero laking gulat ko siya pala
"What's with that face?! You look like someone who's gonna ruin my day. Here, I'm borrowing these, maggot" pagbungad niya sa akin, na sobra nanaman ang pagsusungit. Parang kahapon lang ginawan ko siya ng pabor at binigyan niya ako ng magandang ngiti dahil sa pagbalik ko nung pinakamamahal niyang salamin. Tapos ngayon, eto?
Parang walang nangyare, balik pagsusungit na naman siya, grabe lang.
"Please write here on the log book and kindly give me your library card" pag-abot ko sa kanya nung log book at inabot niya na din kaagad yung card niya at nagsulat. Pero teka may napansin ako sa mukha niya..
"Here's your card MISS TOP STUDENT, And by the way, anong nangyare sayo? Bakit ang dami mo atang band-aid sa mukha? Okay ka lang ba?" pagtatanong ko sa kanya dahil sa sobrang pagtataka. Nagulat naman siya sa tanong ko at kinuha na lang bigla ang card na inabot ko at sinabing,
"Huh?! who are you to ask me that?! as if we're close maggot. Mind your own business!" sagot niya habang naka taas ang isa niyang kilay at tinalikuran na ako kaagad. Sungit talaga pfft Concern lang naman ako tsaka sobrang nagtataka lang ako kung bakit ganun kadami. Meron siya sa ilong, sa ibaba nang labi at sa kanang pisnge.
"Ano kayang nangyare?" bulong ko sa sarili ko habang patuloy na nababagabag sa itsura ni Chesqa.
Sa sobrang pagtataka ko, sinundan ko lang siya buong shift ko habang binabalik ang mga librong malapit lang sa madalas niyang inuupuan para magbasa.
Pinagmamasdan ko lang siya pati ang mga galos na natatakpan sa mukha niya habang nagbabasa. May nagtutulak sa sarili ko na alamin kung bakit siya may ganoon karaming sugat, at para na rin siguro matahimik ang usisero kong hangarin.
BINABASA MO ANG
Persona (ON GOING)
Teen FictionAng bidang si Clint na isang masipag na working student ay makakakilala ng apat na katauhan ng iisang tao. Na Magpapagulo ng buhay nya araw hanggang gabi. Ano kaya ang mababago ng babaeng to sa buhay ni clint? totoo ba siya o isang laro lang. At ku...