Nakasakay na ako nang jeep papunta sa Mall kung nasaan ang Blue magic, ang pangalawang trabaho ko sa araw na to.
Medyo nagmadali lang akong umalis nang school pero hindi naman ako masyado malalate.Gaya nga ng sabi ko, 2:00 pa talaga ang dapat kong shift, inaagahan ko lang talaga para dagdag sweldo. Kaso mukhang hindi na ako aabot para dun sa 1:30 na call time. Sayang pero okay lang din, nakita ko namang ngumiti si Chesqa sungit. Dapat pala pinicturan ko yung moment na yun. Bihirang bihira lang yun grabe.
Medyo traffic ata? pansin kong ilang segundo na kaming nakatigil dito. Nakadungaw lang ako sa labas, at nakuha nang atensyon ko ang isang puting kotse at ang taong nasa loob neto. Medyo tinted siya pero kitang kita ko yung nasa backseat na nakaupong babae, at napansin kong naiyak ito. Nang medyo tinitigan ko siya nang mabuti, naalala ko bigla....si CHELSEA!!
Halatang halata pa lang sa tali nang buhok niya. Oo nga, sigurado ako si chelsea yun haha nakikita niya kaya ako?
Kakatanong ko pa lang sa sarili ko nun nang lumingon na ito sa banda ko, at natawa naman ako kasi nagulat siya at dali-dali niyang binaba ang bintana niya
"Hi Kuyaaaaa!!" biglang sigaw niya at kaway sakin
Narinig naman yun nang mga kasakay ko sa jeep at medyo nahiya naman ako onte, at sinenyasan ko si chelsea na shh lang siya at ginaya naman din niya ako na shh lang. Ang cute niya lang hahaha. At kinawayan ko na rin siya tapos biglang umandar na yung jeep
Sinundan ko ng tingin yung kotseng sinasakyan niya kaso kumaripas nang takbo yung jeep na sinasakyan ko at parang may dinaanang shortcut. Hindi ko na nakita yung sasakyan nila Chelsea. At nakarating na nga yung jeep sa Mall.
bumaba na ako, at palakad na sana papunta sa entrance nang may narinig akong sumigaw
"Kuyaaa!" nilingon ko ang pinanggalingan neto at nakita ko si chelsea nakadungaw sa bintana nung kotse nila. Kinawayan ko na lang siya pero may sinabi pa siya
"Hintayin moko diyan kuya! wait lang po!!" at umandar na yung kotseng sinasakyan niya, tinignan ko kung saan pumunta, dumeretso pala sa parking lot. At ewan ko ba kung bakit, pero hinintay ko pa rin yung batang yun dito sa kinatatayuan ko.
Anong oras na ba?
Tinignan ko ang relo ko at 1:30 na. Hindi na nga talaga ako aabot sa advance time shift. Ayaw ko naman mag-habol nang oras kasi hassle.
At dumating na nga yung bata na may dalawang ponytail na sobrang taas. Isama na yung sobrang pink niyang shoulder bag na may hugis na teddy bear. Batang bata talaga tignan jusko
"Hi kuyaa!! swerte ko naman po nakita po kita ulit ngayon hihihi" pacute niyang sabi. Hindi ko malaman kung sadya bang ganyan siya magsalita o sadyang cute lang talaga siya? Luhh Pedo na ata ako? wtf?! kung ano ano na naiisip ko anak ng!
"ahhh haha oo nga eh" sabi ko sabay kamot na lang sa ulo ko at pilit ngumiti. Kasi pakiramdam ko naman na normal tong pagkikita namin. Dito ako nagtatrabaho tapos yung gusto niyang puntahan yung pinagtatrabahuhan ko.
"San tayo ngayon kuya?" tanong niya sakin habang napasok kami sa entrance
"Saan? magtatrabaho ako diba?" at speaking of trabaho, kailangan ko pa pala magpalit nang uniform.Pagkatapos ko siyang sagutin, hindi na siya kumibo at tinignan ko naman siya kung bakit tumahimik
"Luhh! Bakit ka naiyak?!" medyo panic kong tanong. ano nangyare sa batang to?
"Kasi naalala ko po na may trabaho ka T__T hindi po tayo makakapaglaro huhuhu" At ayun na nga po lalong lumakas yung pag-iyak niya. Pinagtinginan na kami nang tao, lagot na. Paano ko ba papatahanin to?
BINABASA MO ANG
Persona (ON GOING)
Teen FictionAng bidang si Clint na isang masipag na working student ay makakakilala ng apat na katauhan ng iisang tao. Na Magpapagulo ng buhay nya araw hanggang gabi. Ano kaya ang mababago ng babaeng to sa buhay ni clint? totoo ba siya o isang laro lang. At ku...