Heto ako ngayon papunta na sa pangalawa kong trabaho sa Blue Magic na nasa loob ng isang malaking Mall. Pasalamat na lang ako kasi medyo malapit ito sa school ko, Ilang minuto lang nandoon na ako at may libre pa akong oras kasi 1:30-5:00 pa ang shift ko,pero 2:00 pa ang calltime ko magtrabaho. Inaagahan ko lang para may dagdag ang sweldo ko, 1:10 pa lang pero pabihis na ako ng uniform ko sa trabahong to.
Palabas na ako ng comfort room ng mga lalaki nang may marinig akong iyak malapit sa CR ng mga babae, nung palapit na ako dun sa tunog ng iyak, nakita ko ang isang batang nakaupo at nakayuko na humahagulgol sa iyak. Walang pumapansin dito kaya nagmagandang loob na ako at nilapitan ito.
Pumaupo ako sa harap niya at tinanong siya
"Ne, bakit ka umiiyak? May kasama ka ba?" Medyo naiilang kong sabi kasi baka akalain nila pedophile ako. Gusto ko lang talaga tumulong pramis. At kinalabit ko siya kasi hindi niya ata alam na siya ang kinakausap ko.
Tapos tumingala na siya, nabigla ako kasi akala ko bata siya, yung suot niya kasi yung jumper na medyo maluwag tignan sa kanya, kaya aakalain mo talagang paslit lang, pero hindi.
Naka dalawang pigtail siya na pagkataas taas, parang mababanat na yung anit niya sa sobrang higpit siguro ng ipit na yun. Pero bagsak lang yung bangs niya, kaya medyo mukha talaga siyang bata.
Medyo namumugto na yung mata niya kakaiyak, kanina pa siguro ito dito. Tas may uhog pa ang bata, kawawa naman haha *natawa na lang ako ng onte kasi parang ligaw na muning yung itsura niya ngayon*
Parang nagmamakaawa yung itsura niya pagkatingala niya sa akin. At singhot lang siya ng singhot, nagtanong ako ulit.
"Okay ka lang ba? anong problema?"
"K-kasi hindi ko po m-mahanap yung tindahan ng mga la-laruan waaaaa" feeling ko pinagtitinginan na kami ng mga tao, akala siguro nila ako ang nagpaiyak dito. Nako naman
"Ha? yun lang? yun lang dahilan kaya ka umiiyak ng ganyan?" sabi ko habang natataka sa sinabi niya
"O-opo.." sabi niya at patuloy pa rin sa pagsinghot
"Ah talaga?" pakamot ko sa ulo ko at naisip ko na agad ang solusyon. at tumango lang siya
"Gusto mo bang tulungan kita? Tumahan ka lang."
"T-talaga po?" napakagalang naman ng taong to. O baka dahil lang talaga sa akala niya bata siya? medyo naguluhan ako dun ah. Tyaka kung sakaling hindi ako ang nagtanong sa kanya kundi masamang tao na may hobby mangidnap, papayagan na lang siya ng ganyan kadali? wala ba tong pagiingat sa sarili?
"Oo. pero bago ang lahat, gusto kong malaman mo na kapag nangyare ulit sayo ito, wag ka basta basta sasama kapag hindi mo kilala. Pasalamat ka na lang ne at matino akong tao. Gusto lang talaga kita tulungan pero sana matuto kang mag-ingat sa susunod. Kuha mo?" natigil naman siya kakaiyak dahil sa sinabi ko. Natakot ko ata, pero tama naman din ako diba. Dapat lang talaga pahalagahan at respetuhin ang mga babae kasi importanteng tao din sila sa mundong ito gaya nating mga lalaki.
"opo kuya" tumungo siya at ngumiti na habang pinupunasan ang mga luha niya gamit ang kamay niya. Kinuha ko na lang ang panyo sa bulsa ko at inabot sa kanya para hindi siya mahirapan
"oh eto na lang gamitin mo" pagkaabot ko sa kanya
"s-salamat po" at kinuha niya naman ito at nagpasalamat na parang paslit na binigyan ng kakaonting pagkain. Nakakaawa man siya tignan pero nakakatuwa na din, ang cute niya kasi. Pero teka, mukha lang kasi talaga siyang muning kaya ko nasabing cute. *sabay buntong hininga ko*
"Oh ano, kaya mo bang tumayo?" inalok ko na siya para alalayan pero suminghot siya sa huling pagkakataon at nagsalita"K-kaya ko naman po kuya.Salamat po ulit hihi" tumayo na siya mag-isa at natuto nang ngumiti. Kung tutuusin maganda naman sana siya kung hindi lang pilit masyado yung pagkakaipit sa buhok niya HAHAHA *napailing na lang ako sa hindi malamang dahilan* at niyaya na siya sa pupuntahin namin.
"Tara. samahan na kita dun sa bilihan ng laruan. Tandaan mo ang mga dadaanan nating palatandaan na tindahan para hindi ka na maligaw sa susunod, okay ba?" sabi ko sa kanya at tumango nanaman. Para talaga siyang bata, yung susunod na lang sa sasabihin mo.Ewan ko ba, parang napaka lapitin neto sa kidnapping.
Habang papunta kami dun sa Store na balak naming puntahan, may natanaw kaming candy store at sa inaasahang pangyayare kumaripas ng takbo ang batang ito papasok doon.
"Kuya saglit lang ha!! diyan ka lang, wag moko iiwan hihi" pagkaripas niya ng takbo pero lumingon sa akin at ngumiti. pfft para akong tatay neto ah. Pero may nakapukaw ng pansin sakin pagkatalikod niya, yung backpack niyang pang kinder ang liit may keychain na nakasabit. Nakita ko lang ang disenyo neto sa malayo pero parang may nakasulat.
Pumasok na din ako sa loob nung candy store at bumili ng kakapiranggot na candy. Kasi ang mamahal pala ng benta dito jusko. Para lang sa isang pirasong kendi magbabayad ka ng sampung piso. Hindi siguro nakakasira ng ipin to no? gusto ko sanang padalhan yung mga kapatid ko neto pero napag isip-isip ko yung kendi na lang sa tindahan sakanila, padala na lang ako pera.
Kinain ko na agad yung binili ko at pinuntahan kung nasaan si? teka hindi ko pa pala alam ang pangalan ng batang isip na to. Tinulungan ko na't lahat. Pero teka ulit, mas mabuti na siguro yun para hindi din ako magpakilala, oo tama ganun na lang nga.
"Tapos ka na ba? tara na." sabi ko pagkasunod ko sa kanya sa counter
"Saglit lang kuya, babayaran na lang po" paghihintay niya dun sa mga kendi niya at papadyak padyak pa ng paa at masugid na dinudungaw yung mga kendi niya na akala mo talaga bata. Nasa likod niya ako at napadaan ang tingin ko sa backpack niya. Nakita ko na yung nakasulat sa keychain..
"Chelsea" yun siguro ang pangalan niya, malamang. Mukhang bagay naman, pang bata na kikay na sosyalin.
"Okay na po tara" wow ang liit ng paper bag niya ah, ang onti naman ng binili niya, sobrang onte
"Onti niyan ah? ha ha" nang-uuyam kong sabi at paismid na ngumiti
"Opo nga eh. kung hindi lang po talaga bawal sakin ang marami, dadagdagan ko po sana to hihihi" ayy akala seryoso ko sinabi yun. At ano daw? dadagdagan niya pa? yayamanin nga to. Delikadong delikado sa mata ng mga kidnapper. Juskong babae ka
Napakamot na lang ako sa batok at umiling. At ayun nga nakarating na kami dito sa solusyon ko, sa Toy Kingdom. Kung saan punong puno ang laruan
"Oh yan na ang palasyo ng mga laruan. Eto ba yung hinahanap mo?" pangiti kong sabi sa kanya at napatingin ako sa orasang laruan na naka display roon, gumagana ito
"Ehhhhh. Hin--" naputol ko yung sasabihin niya kasi nabigla ako sa oras, at minadaling tinignan ko ang relo ko
"Teka!! hindi ko namalayan ang oras! 1:35 na pala, late na ako sa shift ko!!" medyo nagpanic ako ng onte. At napatakbo na lang bigla, hindi na ako nakapagpaalam kay chelsea at naiwan ko na siya doon sa Toy Kingdom. Tutal yun din naman yung balak niya talagang puntahan simula noong una.
Pero teka ano nga pala yung sasabihin niya? Ah ewan, hayaan na lang. Focus na lang ako sa trabaho ko ngayon. Sayang sinasahod sakin
"Welcome"
"Thank you. Come Again"
"Welcome"
"Thank you.Come Again"
"Welcome"
"Thank you. Come Again"
"Welc--" napatigil ako sa pagbati sa mga customer ng makita ko ang pumasok
"Hi kuyaaaaaa!!!" ngisi niya sakin at kumaway kaway na parang 10yrs old.
"A-anong ginagawa mo dito? Akala ko nasa Toy Kingdom ka?" patakang tanong ko sa kanya
"Sinundan po kita hihihi tyaka mali naman po kasi yung pinuntahan natin. Hindi naman po dun yung gusto kong bilihan ng mga laruan eh"
"Anong sabi mo? Sinundan? Hindi kita napansin ah. Eh saan ba yung sinasabi mo kasi? Describe mo nga"
"Hmmmm. Dito" paglingon niya sa loob ng Blue Magic at tinuro ang kinatatayuan namin.
"Ahhhhhh. so yung tinutukoy mong laruan is stuff toys?"
"Opooooo. yun nga hihihi" pahaba niyang sagot at lumukso lukso na at nilibot ang loob ng store namin. Pinabayaan ko na lang siya kasi oras ko pa din ng trabaho. Pero...
Kanina pa siya paikot ikot dito, mukhang hindi niya makita yung hinahanap niya, kaya minabuting nilapitan ko na siya. Kasama naman sa trabaho ko ang pagtulong sa nais bilhin ng customer.
"Anong problema?" patanong ko
"Hindi ko po kasi makita yung hinahanap ko huhu" sagot niya at sumimangot na
"Ano bang hina--" natigil ako sa pagsasalita kasi biglang may nagring na phone
"Ahhh teka kuya, akin ata yun. Wait po" sa kanya pala yung nagring. Lumabas siya para sagutin yun.
"Kuya, 'lika sandali" at bumalik na siya sa loob at hinila naman ako palabas ng Blue Magic
"Tol saglit lang ah" sabi ko dun sa katrabaho ko. At kinindatan naman ako nung ungas. Iniisip nun?
"Oh ano? ano yung hinahanap mong stuff toy ba?" patanong ko sa kanya
"Teka teka kuya. Tanggapin mo muna to" kinuha niya yung kamay ko at may pinatong na isang jar ng flavored kendi
"Ano to?" patakang tanong ko sa kanya habang tinitignan ang nasa loob nung jar
"Kendi po hihi"
"Alam ko kendi pfft. Tinatanong ko bakit mo binigay sakin to?"
"Ahhhh. Bilang pasasalamat po sa tinulong niyo sa akin. Kahit hindi niyo po ako kilala, hindi kayo umalis sa tabi ko hanggang makarating ako sa dapat kong puntahan kahit nalate na kayo. Sorry nga pala dun kuya :(" pagnguso niya at nagpuppy eyes. Bakit kaya kahit medyo malaki na siya tignan, pag nagkikilos bata siya madadala ka pa rin. Dahil ata sa kendi to, kaya kung ano ano na iniisip ko
" Yun ba? Nako okay lang. Libre naman ako nung mga oras na yun tyaka hindi ko rin naman hahayaan na may umiiyak na lang kung saan, kahit hindi man ikaw yun. Basta tandaan mo na lang yung sinabi ko sayo na wag basta basta sasama kung kanikanino ah? Salamat na din dito sa kendi" Sabi ko at tinitigan yung jar at ngumiti na lang
"Hihihi, cute mo pala pag ngumiti kuya"
"An--?" sabi ko at tumingala, nang nagsalita siya ulit"Osya kuya, tinawagan na ako nung susundo sakin. Mauuna na ako. See you po! Babye!"
"Teka--" hindi na niya ako narinig dahil tumakbo na siya at lumingo ulit sakin galing sa malayo at kumaway ng pagpapaalam. Kumaway na din ako, at bumalik na sa loob.
Nang maalala ko na ano nga bang stuff toy yung hinahanap niya? Ay ewan bahala na. Baka magkita pa naman kami. Baka lang naman.
----
"Kendi huh" sabi ko sa sarili ko at tinignan ko ito sa loob ng bag ko after ng shift at kumuha ng isa
"Hindi masyado matamis. Ayos to ah" at kinain ko na ito habang papunta na sa susunod kong trabaho.
•••••••••••
BINABASA MO ANG
Persona (ON GOING)
Teen FictionAng bidang si Clint na isang masipag na working student ay makakakilala ng apat na katauhan ng iisang tao. Na Magpapagulo ng buhay nya araw hanggang gabi. Ano kaya ang mababago ng babaeng to sa buhay ni clint? totoo ba siya o isang laro lang. At ku...