Chapter 3.1: The Cheerful Wanderer

63 5 4
                                    

Natapos na din yung shift ko sa Blue Magic. At pupunta na ako sa pangatlo kong trabaho sa Star City. Medyo kalayuan yun kung mula dito sa Mall kaya pasalamat ako dahil may isang oras ako para bumiyahe.Andito na ako sa parahan nang mga jeep at sumakay na ako kahit medyo puno na. Kailangan ko makapunta dun agad kasi ayaw ko nang saktuhan ako kung mag time-in gaya nang kanina sa Blue Magic, may nangyare lang talaga kaya wala akong choice.



As usual, normal na talaga ang traffic sa pinas. Halos araw araw naman akong natatraffic pero bakit ang tagal ngayon anak ng! pag ako talaga nalate.



Ayun umandar din, pero napansin kong may mga alagad nang LTO na nanghuhuli sa may kanto netong daan. At sa kasamaang palad, Pinatigil yung jeep na sinasakyan ko doon. Nagtaka naman kami nung mga nakasakay kung anong nangyari. Yung iba bumaba na lang kasi baka daw matagalan pa yung pakikipag-usap nung LTO officer kay manong driver. Ako naman medyo nag-intay pa kasi baka mabilis lang din,pati na rin yung iba. Kaso narinig namin yung pinag-uusapan nila..



"Coding ka ngayon tay ah. pano yan?"



"ahhh hahah, sensya na officer. Matanda na kasi ako hindi ko na namamalayan yung araw pati yung numero ng plaka ko ha ha" pakamot ni manong tsuper sa ulo niya



"Nako tay. Gamit na gamit na yang palusot na yan dito. Kakasabi lang din samin niyan nung isang tsuper ng jeep na hinuli namin kani-kanina lang. Pasensya na tay, balik niyo na lang yung mga binayad ng mga pasahero niyo"



"Ehhh kailangan ko pa ba talaga ibalik yung mga bayad nila iho? ang baba na nga nang kinikita namin tapos hindi mo pa ako pagbibigyan"



"Pasensya na tay. Sinusunod lang namin yung patakaran at ginagawa ang trabaho namin ng naaayon" at napansin namin na mukhang nagkakainitan na nang ulo, kasi pinipilit nung tsuper na pabayaan na lang siya at palagpasin ngayon pero mukhang ayaw talaga pumayag nung LTO Officer at hindi na rin ako nakapagpigil kasi maglilimang minuto na yung diskusyon nila.




"Ugghh! WAG MO NA IBALIK YUNG BAYAD KO MANONG! BABABA NA LANG AKO! *TSK*" sabi ko sa sobrang inis ko, imbis na makapasok ako nang maaga, pinatagal pa ng bwiset na traffic na to tapos ang laki pa nang pinaglalaban ni manong driver, hindi na lang niya tanggapin yung pagkakamali niya. Kasalanan niya din na bumiyahe siya ngayon eh. Ughh bwiset..




At ang SWERTE ko lang,dahil ang layo pa nang sakayan ng jeep mula dito. footingna nakakapang init nang ulo,isama pa yung SOBRANG init nang panahon. Anong oras na wala pa ring pumaparang jeep na papuntang vito cruz. Malapit na ako sumabog.. nang may narinig akong sumigaw..



"MANOOOONG!!!" hindi ko nilingon yung nagsalita kasi baka may tinatawag itong iba. Tsaka bakit ako lilingon, manong ba ako? Alam kong hindi ako kagwapuhan pero baby face naman ako kaya imposibleng mukha akong manong.



Nagpatuloy lang ako sa paglalakad para makahanap ng sasakyang jeep nang..



"MANOOOOONG!!" parang lalong lumipat yung tunog nang pagsigaw nung babae mula sa kinatatayuan ko. Sa sobrang inis ko kasi ang ingay niya na, nilingon ko na ito at nagulat ako..hindi mo makikilala sa unang tingin yung itsura niya kasi naka helmet pero yung ipit nang buhok niyang nakatirintas, kilalang kilala ko na agad kung sino to..



si kulit -__-



Bakit parang pinaulanan ako ng kamalasan ngayon -__- hindi na naman ako lulubayan nang babaeng to panigurado. Ughh ayaw kong kumulo yung dugo ko kasi sayang sa enerhiya, haybuhay naman *buntong hininga ko na lang* at nagsalita na nga si kulit habang naglalakad ako at siya naman nakasakay sa motor niyang kulay itim.



"Saan ka pupunta manong?" at talagang gusto niya akong sumabog sa kakamanong niya ah. Hindi ko siya sinagot kasi hindi naman talaga manong ang pangalan ko.



Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at tanaw ko sa gilid nang mata ko na sinusundan niya ako.



"Uy manong! saan ka nga pupunta?"


"Uyy psst!"


"Ayy, eto nanaman siya oh. isnabero ka pala talagang tunay no manong?"


"Susundan lang kita sa ayaw at sa gusto mo BWAHAHAHA"



"Manong teka nga pala, ngayon ko lang napansin, ang payat mo pala. Mukha kang tingting. Nakain ka ba nang tama? Baka liparin ka na lang bigla diyan. Ingat ka please BWAHAHAHAHAHA" footingna. umaakyat nanaman yung dugo ko sa bumbunan ko. Dito pa talaga siya nagbobroadcast nang ganyan ah. Ang dami kayang taong naglalakad. Peste kang babae ka!



Hindi ko pa rin siya nililingon kahit naiinis na talaga ako sa mga pagtawag niya sakin. At napansin ko namang tumigil na siya bigla. HAY SALAMAT NAMAN *buntong hininga ko* nang may marinig akong sumigaw



"Tulong!! may babae pong bumangga sa poste na naka motor!"


"Tulong po! tumawag kayo nang ambulansya!!"


"Waaa ang daming dugo. Tulong po tuloong!!"



ANAK NG!!!



Pakiramdam ko talaga may diperensya na tong katawan ko simula pa nung nakaraang araw, bigla nanaman kasi itong kumilos mag-isa at nagmadaling tumakbo kung nasaan yung sinasabi nilang aksidente



Nagulat ako, si cheche..



Nasa sahig na at nakatumba yung motor niya. Pero wala namang dugo at mukhang wala ding bahid nang pagkayupi yung motor niya.. Pero kahit na baka may sakit to sa puso tapos inatake na lang sa sobrang init.



Ughhh kasalanan ko to eh, hindi sana siya maaarawan nang ganto katagal kung hindi ko siya pinabayaang sumunod lang sakin..




Sumisikip yung dibdib ko dahil hindi siya gumagalaw.. naupo na ako sa harap niya at kinuha ang ulo niya at sinandal sa mga bisig ko. Pinakiramdaman ko yung pulso niya sa may kamay at napahinga naman ako nang maluwag kasi salamat sa diyos okay lang siya....wew



Nang tumayo na ako at binuhat siya may narinig akong mahinang pagbungisngis. Tinignan ko ang paligid pero wala namang natawa sa kanila. Nang maramdaman ko na lang na gumalaw si cheche at....



"fuu-WAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!" at bigla siyang tumawa nang malakas na akala mo okay siya.



"o-okay ka na ba? a-anong nangyare? Gusto mo dalhin kita sa ospital?" pag-aalala at pagtataka kong tanong sakanya. Natigil naman siya kakatawa at tinignan ako sa mata tapos inakto ang daliri niya na ilapit ang tenga ko sa kanya dahil may ibubulong ata sa akin



"sa totoo lang.. sobrang sakit.." bulong niya na may mahinang boses



"ano yun?!" pataka ko namang sagot kaagad. nadinig ko pa ang pagbuwelo ng hininga niya at nagsalita na siya ulit



"..sobrang sakit.. sobrang sakit na nang tiyan ko sayo MANONG!" nagulat naman ako sa sinabi niya at biglang inangat ko ang ulo ko para makita siya at bigla na lang siyang tumawa nang pagkalakas lakas



"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!! HINDI KO NA TALAGA KAYA!! ANG SAKIT NA NANG TIYAN KO KAKATAWA MANONG! HAHAHAHAHAHAHAHA" pakiramdam ko tuluyan nang umangat sa tuktukan ng ulo ko ang init at inis. Sasabog nako!!! at binaba ko na din siya kaagad dahil baka hindi ko matantsa at ihagis ko na lang to sa kanal.




Sa sobrang bwiset ko at sa kakapiranggot na natitira sa pasensya ko dahil babae pa rin siya, tinalikuran ko na lang siya kasi baka hindi ko alam kung anong magawa ko pag sumabog na ako nang tuluyan. Pabilis naman akong naglakad palayo sa bwiset na babaeng to..



pero narinig ko pa yung sinabi niya



"Eto bayad ko ne oh. Salamat sa napaka galing na pag arte. Pero mukhang galit na galit si kuya HAHA sensya na. sige ibili mo na yan ng makakain mo"



"Sige po. Goodluck po sa inyo."


"HAHHAHA goodluck nga tlaga, sana mapatawad pa ako nun no?


"Sana nga po hehe sige po ingat ate"



Ah ganun? nagbayad ka pa pala nang aarte sayo. bwiset ka talagang babae ka. Naiinis na ako sobra!!


Ganun ganun na lang niya ako pagtripan?! sa tingin niya natutuwa ako dun?! hindi niya ako laruan para lang sa kaligayahan niya ah. PESTE



"Teka manong. Sorry na!"


"Teka! sorry na oh, sorry na talaga. Ayaw mo kasi akong pansinin eh."


"Uy sorry na" naabutan niya ako sa paglalakad at hinawakan ang balikat ko at sinabing


"sorry na. Pls bati na tayo" at hinarap niya ako sa kanya. Pero hindi ako basta bastang tao na natanggap lang nang sorry kasi ang laki na ng abalang ginawa niya, kaya napuno na ako



"T*NG*N* MO!!! Ano bang problema mo sakin at pinagtitripan mo na lang ko basta basta?!?! Sino ka ba sa tingin mo?! Hindi mo ba alam na pinapahalagahan ko ang bawat oras ng buhay ko tapos aaksayahin mo lang dahil sa walang kwentang bagay na ikasasaya mo?!?! WALA KA BANG KAIBIGAN NA PWEDENG MONG PAGTRIPAN?! HINDI YUNG NANG-IISTORBO KA NANG IBANG TAO!!"



"..Wala. Ikaw lang....Sorry kung abala pala ako sayo. Kala ko kasi napapasaya din kita, pero mali pala ako. Katulad ka din pala ng iba, Sinasabi na inaaksaya ko lang ang oras nila. Sorry talaga, hindi ko naman gustong pag-alalahin ka... Pero alam mo bang sobra akong natuwa nung binalikan moko at kitang kita ko sa mukha mo na nag-aalala ka. Kahit hindi tayo magkaano ano at kahit hindi mo ako kaibigan, binalikan mo pa rin ako at tinulungan. Siguro kung hindi arte yung ginawa ko, tatanawin ko yun bilang isang napakalaking utang na loob sayo. Pasensya na ulit, hindi na ako magpapakita sayo. At sa huling pagkakataon, tatawagin kita, Paalam manong :)" natigil ako sa kinatatayuan ko ngayon. Pinapanuod siyang maglakad palayo sakin. Ibang iba yung itsura niya nung sinabi niya ang mga katagang yun..


Bakit parang nakaramdam ako ng kirot sa puso ko....parang nagsisisi ako sa mga sinabi ko sa kanya. Hindi dapat ganun clint... hindi dapat

....

Tumakbo ako at hinabol ko siya, pinigilan ko yung kamay niyang magpapaandar na sana sa motor.



"Sandali.." sabi ko at nagulat naman siya sa biglang kilos ko. Hindi siya nakibo at tinitignan lang ako. Peste nakakailang ah. Bumalik ako dito nang hindi alam ang sasabihin ko. ughhh



"uhh.. ano...wait!" pagbitaw ko sa kamay niya at tumalikod saglit. Huminga ako ng malalim para makakuha nang lakas ng loob at



Humarap na ako sa kanya. Tinitignan niya lang ako at parang naghihintay talaga siya nang sasabihin ko, peste.. natatameme ako, hindi ko alam kung anong dapat sabihin.


AHHHH! Alam ko na.



"Da-dahil i-inagrabyado mo ako kanina..uhhmm..Dapat mo akong ihatid sa trabaho ko!! Oo! tama! may utang ka sakin kasi wala na akong oras para sumakay pa ng jeep. Kailangan ko ng mabilis na transportasyon para hindi ako malate!" Napansin ko namang nagulat siya sa sinabi ko at hindi pa rin nagsalita kaya umangkas na ako kaagad sa likod niya.



"Ta-tara! dalian mo malalate ako! Dali dali!" sabi ko at tinapik tapik siya para umandar na. Nang nakita ko siyang umiling at bigla na lang tumawa



"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!! nakakabaliw ka talaga manong!" sabi niya at pinaandar na ang motor



Nangiti na lang ako kasi buti naman bumalik na siya sa dati. Hay ewan, nasisiraan na talaga ako ng bait



Habang nasa kalsada kami at naka tigil dahil sa stop light. Narinig ko siyang nagtanong



"Odi, pwede na kitang pagtripan ulit manong?"



"Ahhhh.. oo?" patanong kong sagot. Hindi ko kasi alam kung dapat ba akong pumayag o hindi. Nalilito ako sa sarili ko sa totoo lang.



"HAHAHAHAHA sabi mo yan ah" narinig kong pagtawa niya tapos nag green light na at kumaripas bigla kami nang takbo.wtf!




"PESTE KA!!!!! AYOKO PANG MAMATAY!! KAKASABI KO LANG NA OO PERO WAG AGAD AGAD. PESTE KA TALAGA CHECHE!!!!" pagsisigaw ko habang naandar kami nang sobrang bilis at yung isa naman dito sobrang lakas nang tawa.



"WOOO HAHAHAHAHAHAHAHAHA" tuwang tuwa nanaman siya.

---

"haaaa! Salamat naman at nakarating pa ako nang buhay dito wew" pagbaba ko nang motor at medyo nahilo hilo ako ng onte. At inayos na ang buhok ko na sobrang gulo dahil sa napakalakas na hangin na sinagupa namin sa bilis nang paandar ng babaeng to



"wooooo ang saya pala pag may angkas ka!! HAHAHAHAHAH" at masaya na nga po siya ulit.



"Osya, salamat sayo dahil hindi ako nalate. Mauuna na ako kasi magbibihis pa ako ng uniporme ko, malapit na din yung umpisa ng shift ko. Iwanan na kita dito"




"Sige sige. Salamat din, basta salamat manong HAHAHAHA. Wag ka mag-alala, tatandaan ko na may permiso na ako para pagtripan ka HAHAHAHHHAHA" sabi niya sabay ngisi ng nakakaloko. Ewan ko na lang sayong babae ka, papabayaan na lang kita sa kung anong gusto mo. At pumasok na ako sa loob ng park at dumeretso sa CR ng lalake para magpalit ng damit.



Pagkalabas ko ng restroom, bumungad sakin ang nakabungisngis na babae,



"Hii Hiiii yooow!!" pagbati niya pero nilagpasan ko na lang siya kasi magtitime-in pa ako.



"Teka teka, ayan ka nanaman sa pangiisnab sakin manong." sabi niya pero hinarap ko na siya agad kasi hindi nanaman niya ako tatantanan.



"Oh? ano nanaman ba yun?"



"Wow. It's a miracle! Lumingon ka kaagad sakin! emeged, himala talaga to, himala HAHAHA" Kulang na talaga sa katinuan tong babaeng to pansin ko lang.



At nagpatuloy na lang ako sa paglalakad pero daldal pa rin siya nang daldal. Hindi ko na lang siya iniintindi at inisip ko na lang na isa siyang pagsubok na dapat kong harapin. Pumasok na ako sa office at nagtime-in na. Hindi naman nakasunod si kulit kasi bawal siya dito.



At lumabas na ako,akala ko pa man din aalis na siya pagkaiwan ko sa kanya dito sa labas ng office. Pero hindi, hinintay pa talaga ako nang babaeng to. Ang kulit talaga, hindi marunong makiramdam to no -__-



Dere-deretso lang ako sa paglalakad na kunware hindi ko siya nakikita at kinuha na ang mga kagamitan na gagamitin ko sa paglilinis. At daldal pa rin talaga siya nang daldal dito sa likod ko, tapos lilipat sa gilid ko. blahblahblahblah. Ang ingay mo jusko!



"Uyy narinig mo ba sinabi ko?" biglang sabi niya sa harapan ko. Ano bang sabi niya, hindi ko naman siya pinapakinggan simula nung una pfft.



"Ano bang sabi mo? Sensya, NAGTATRABAHO kasi ako nang maayos kaya hindi ko narinig"




"Ahh ganun ba. Masipag ka nga talaga HAHA ang sabi ko, tara laro tayo!" waw lang, hindi ba makaintindi nang tagalog tong babaeng to. Kakasabi ko lang na nagtatrabaho ako tapos yayayain ako maglaro. Waw talaga, sumasakit talaga ulo ko sayo cheche -_-



"Uy, hindi ka na sumagot. Sabi ko laro tayo! Lilibre kita pero ikaw kukuha nung gusto kong item!" eto nanaman tayo sa libre eh, pasong paso na ako sa katagang "libre" na yan ah



"Ayaw ko. Nung unang sinabi mo na lililibre mo ako, napahamak yung kaluluwa ko, kala ko iiwan na ako at pupunta sa langit. Kaya AYAW KO." sabi ko sa kanya at lumipat ako sa ibang pwesto at nagpatuloy nang pagwawalis.



Nang bigla niya akong hinila at kinaladkad papunta kung saan


"Teka! sabi ko ayaw ko diba?!" paghinto ko kaya nahinto rin siya



"Eto na lang pambayad mo dun sa gas na pinanghatid ko sayo dito HAHAHA" paghihila niya nanaman sakin



"Pambayad?! eh ikaw nga may utang sakin! Haynako talaga cheche! pag ito talaga kung ano nanaman ah!" nagpakaladkad na lang ako kasi hindi naman niya ako papatakasin *wew*


----

"Yan! dito na tayo. Ikuha mo na ako nung shark,dali dali!" watda?! shooting range? At ano daw ikuha ko siya nung shark? seryoso ba siya? eh ang laki nun, kaya malamang na yung mismong gitna yung target para dun , anak ng! sayang pera dito! Halatang halata na hindi kaya ng bala neto yung grand prize. jusko



"imposible to. Babalik na lang ako sa trabaho, ayaw ko makaltasan sahod ko, kaya mo na yan" sabi ko at tumalikod na at umalis.




"Ehhhhh! hindi ko nga to kaya, kaya nga ikaw pinapabaril ko eh. Dali na manong, kahit 10 shots lang" pagpupumilit niya pagkatapos akong pigilang umalis. 10 shots pala ah



"Dre, penge ngang sampung bala. Charge mo dito sa babaeng to, libre niya daw eh" at kinuha ko na yung baril pati na rin yung balang inabot sakin nung katrabaho ko.



"Yess!! Go Go Go! kaya mo yan manong!!" pagcheer niya sakin at kinasa ko na lahat ng bala, at sunod sunod nang pinutok. Lahat nang yun tumama lang sa 20 at 30,ang goal ay yung 10. Sabi ko na nga ba hindi talaga tatama to eh



"Ayan 10 shots na. Alis na ako ah" pagbaba ko nung baril at tumalikod na talaga at binilisang umalis para bumalik dun sa paglilinisan ko.



"Grabeeee. Sadya naman yun manong! ang daya mo!!" pagmamaktol niya pero sinusundan pa rin ako. May magnet ba tong katawan ko at kailangan niyang dumikit kung saan man ako naroon. Aishhh ang kulit lang talaga azar.



"Bahala ka diyan" Umiwas na naman ako sa pangungulit niya at pumunta na sa may food court, dun naman ako maglilinis, at gaya nang inaasahan sumunod pa rin siya. ughhhh



Nililigpit ko na bawat plato at kalat na makita ko, pinupunasan ko na din yung mga lamesa, nang biglang may nagpunas din ng lamesang nililinis ko pa lang



"OH? ano naman yang ginagawa mo?"



"Nagpupunas este naglilinis, tama ba to boss?"



"Boss? what the?! Tyaka mali yan! nilalaglag mo naman yung pinupunas mo eh, odi nagkalat ka lang sa sahig! anak ng! Sinasalo yan nang kamay, Ako na nga!" Pagkuha ko sa hawak niyang pamunas at pinagpatuloy na lang ang paglilinis neto. Lalo lang siyang nagkakalat pramis



Nawala siya sa harap ko tapos nung nilingon ko siya sa likod kinuha niya yung walis dun sa gilid.


"Ano naman yang ginagawa mo ngayon?!"



"Nagwawalis ng kalat"



"Dahelli, nakikita ko yun peste! Ang tinatanong ko, bakit naglilinis ka?!"



"Ahhhh, klaruhin ko kasi boss. Wala lang, gusto lang kitang tulungan HAHAHA Hindi mo ako mapipigilan manong HAHAHAHAH" grabe tlaga oh, hindi talaga siya nakakaintindi ng tagalog no? Hay ewan

 Wala lang, gusto lang kitang tulungan HAHAHA Hindi mo ako mapipigilan manong HAHAHAHAH" grabe tlaga oh, hindi talaga siya nakakaintindi ng tagalog no? Hay ewan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bahala ka na nga diyan. Paki-usap ko lang, yung tulong mo sana tulong talaga hindi yung dodoblehin mo yung gagawin ko." sabi ko at *napakamot na lang sa ulo ko* kasi hindi talaga ako tatalab sa kakulitan niyang taglay. Wew



"Saya pala maglinis dre! HAHAHAHA" rinig kong sabi niya habang patuloy sa pagliligpit ng mga kalat. Mukhang ngayon lang to naglinis sa tanang buhay niya ah.



"Ngayon ka lang ba nag--" pagtingin ko sa direksyon niya pero hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang makita ko yung visor namin sa likod ni cheche




"*Ehem* anong ibig sabihin neto?" sabi niya nang may kakaibang tono.



"Uhhh sir a-ano kasi.." nang biglang umalis si cheche sa harap nung visor namin at tumakbo na palayo pero lumingon siya at sinabing



"Bayad ko yan sa empleyado niyo boss! Wag niyo siya pagalitan! Ciaaooo~ HAHAHAHAHA" at tumingin na ito sakin at biglang ngumiti..Nagulat naman ako sa pinakita niyang ekspresyon ng mukha niya

Nagulat naman ako sa pinakita niyang ekspresyon ng mukha niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

yung ngiti niya...iba sa mga ngiting pinapakita niya kapag tumatawa siya. Iba eh, basta.


Feeling ko biglang tumaas ang mga balahibo ko..



Dala ba nang kapagudan to, kasi naisip ko bigla na ang ganda ni cheche? WTF?! si kulit? wew



•••••••••

CTO (Google) for the image/animation.

I do not own anything

Persona  (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon