Chapter 3: The Cheerful Wanderer

55 6 22
                                    

Salamat naman natapos din yung shift ko sa Blue Magic pero masaklap lang meron agad akong kasunod na trabaho.




On the way na ako ngayon sa Star City, medyo matagal ang byahe ko papunta dun pero okay lang kasi 6:00 pa naman ang shift ko hanggang 9:30pm. May isang oras akong biyahe. Sumakay na ako ng jeep at medyo nakaidlip ako kahit papaano. Mabuti na rin yung nakakatulog ako bigla sa mga pampasaherong sasakyan kasi nakakapagpahinga ako saglit. Ang kaso lang mahirap pag lumalagpas ako sa destinasyon ko.




Nangyare yun nung hindi pa ako sanay maglipat lipat ng trabaho, odi bibiyahe na ako sa susunod na shift nun, nang makatulog ako sa jeep na sinasakyan ko at wala man lang gumising sakin kaya napalayo ako ng sobra, as in sobrang layo na ng narating ko. Matagal na daw akong tulog sabi nung manong driver eh. Hindi na daw niya ako ginising dahil sobrang himbing daw ng tulog ko, nahilik pa nga daw.




Hindi ko alam kung dapat ba ako magpasalamat noon na hindi niya ako ginising pero muntik na talaga bawasan ang sahod ko nun kasi umabsent ako. Lagi pa naman akong full attendance sa lahat ng trabaho ko. Sayang ang oras no. Wala akong panahon para magaksaya ng oras at magkasakit kaya inaagapan ko agad ng gamot pag sumasama ang pakiramdam ko



At sa tagal na rin nang ilang buwan, heto ako ngayon, parang automatic na ako nagigising sa tuwing malapit na yung mga bababaan ko. Medyo masakit lang sa ulo ng onte kasi bigla kang gigising pero okay na din, ang mahalaga nakapagpahinga yung diwa ko kahit saglit.



Naka tshirt lang ako ng puti na panloob ko sa uniform ko sa bawat trabaho ko. Pero dalawang beses ako nagpapalit ng white tshirt kasi ginagamit ko ito sa school tapos pang ilalim ko sa uniform ko sa Blue Magic, tapos uniform ko dito, tapos sa Bar naman ndi na kelangan kasi yun na mismo yung suot ko. Uniform kasi namin dun ay apron lang na itim sa bewan, pero ngayon pinagrerequire na kami na dapat daw may kwelyo na polo shirt ang kailangan. Pasalamat naman ako kasi yung mga matatagal nang bartender doon, may pinagliliitan silang polo shirt na puti kaya ibinibigay na lang nila sakin.



Habang nag-iisip isip ako ng kung ano ano sa buhay, nagpapalit na din ako ng uniporme ko dito sa banyo nang mga lalake.Tapos iiwan ko na lang itong bag ko doon sa locker ng mga empleyado.



Nag-umpisa na akong magwalis walis nang mga kalat sa paligid nang..


"Tabiiiiiii!!"


*BOOGSH*


huli na nang lingonin ko ang nagsabi nun at nabunggo na nga ako ng isang babae. Natumba kami parehas kasi tumatakbo siya nang naka roller blades. At sa kamalas malasan ko, ako pa talaga ang natumba ng todo.



"A-aray.." sabi ko habang bumangon na ako at medyo nakaupo pa rin sa pinagbagsakan ko, at hinawakan ang pwet ko. Sakit nun ah



"Okay ka lang ba?" napansin kong may nag-abot ng kamay sa harap ko at balak akong tulungang tumayo. Nang makita ko yung hawak niyang roller blades sa kabilang kamay, Medyo nag-init ang ulo ko at tiningala ko siya at sinabi



"Ano sa tingin mo?!" painis kong sabi. Ano kaya sa tingin niya? Mukha ba akong ok? tsk



"Ayyy grabe siya. beastmode ka na niyan dre? HAHAHAHHAHAHA" aba. Lakas ng loob tumawa




Tumayo na ako mag-isa habang natawa yung isa diyan. Akala mo talaga nakakatuwa eh. Hindi ko na siya sinagot at umalis na lang ako dun at nagpatuloy sa pagtatrabaho, kasi bawal pa rin naman akong makipageskandalo sa mga tao dito sa park. Pero ang lakas ng loob ng babaeng to dahil..



"Teka teka, saan ka pupunta?" paghabol niya sa akin at pinigilan ako nang hiniwakan ang balikat ko at hinarap ko naman siya


"Magtatrabaho! excuse po ma'am!" sabi ko nang pagalit at tinalikuran na siya ulit



"Ayy onga no, empleyado ka pala dito. Ngayon ko lang napansin uniform mo HAHAHA sorre sorre" sabi niya habang patuloy lang ako sa paglalakad.


"Uyyy sandali lang!"

"Pssst!"

"Dre saglit!!"

"Luhhh ang sungit mo naman, sandali kasi"

"Sorry na kanina oh. Alam ko nabadtrip ka dun, may hinahabol kasi akong give away ng free ice cream, eh nadulas ako bago ko man maabutan yun. Sorry na, ndi ko naman nakuha yung ice cream kaya karma ko na yun oh"

Persona  (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon