Chapter 1.1: The Irascible Top Student

49 7 10
                                    

Umpisa nanaman ng bagong araw. Nakakapagod talaga ang ganitong buhay, yung may apat na trabaho araw araw. Kulang na lang ata gumapang ako sa tuwing uuwi ako ng boarding house.



Pero kailangan eh, pag nagresign ako ng isa sa mga yun paniguradong kakapusin yung ipapadala ko kayla nanay. Yung gastos ko pa sa pagbayad ng upa ko dito sa boarding house, kahit naman tiyahin ko ang may-ari neto, marunong naman ako tumanaw ng utang na loob kaya magbabayad pa rin ako kahit onti onti tuwing buwan.




Pasalamat na nga ako kasi binawasan niya yung babayaran ko sa tubig at kuryente. Lagi pa niya akong pinagaalmusal sa kanila ng libre.Kaya malaki talaga ang pasasalamat ko kay Tiyang.




Madami akong responsibilidad kaya mas kailangan ko unahin ang mga iyun kaysa sa sarili ko. Bihira naman ako magkasakit kaya okay lang.... Dapat okay lang..




Napansin kong nawala na naman sa realidad tong kaluluwa ko nang may nakabangga ako habang paatras na tinutulak tong cart na may lamang mga libro




"Tsk. Are you blind?" sabi nung babaeng nakayuko na bumunggo sa likod ko at nagpatuloy sa paglalakad habang nagbabasa ng libro. Hay ewan, siya kaya tong hindi nakatingin sa dinadaanan. Umiwas na din ako sa gulo at ibinalik na ang mga libro sa dapat netong kalagyan.



--

Nung ibabalik ko na yung huling libro, may biglang kumuha agad nito at nagtama ang tingin namin sa maliit na uwang sa pagitan ng mga libro.




Nagulat na lang ako kasi hindi ko inaasahan na makikita ko si Chesqa ngayon dahil sa laki ng silid aralang ito. Sa sobrang tulala ko sa kanya, nagtaas nanaman siya ng kilay at inirapan ako. Kahit saang anggulo maganda sana siya kaso hindi talaga siya marunong makisalamuha. Hays *pag-iling ko na lang ng ulo ko at nagbuntong hininga* pagkaalis niya.




At dahil yun na ang huling librong binalik ko, Pumunta na ako sa Librarian's Desk at nag-input na ng mga record ng libro at chineck ang inventory.



habang nagtatype ako sa computer, may babaeng nagbalik ng libro at sinabing



"Excuse me po, I'm returning these" pagtukod niya dun sa ibabaw ng desk ko, at sumilip sakin kung narinig ko ba siya. Napansin ko naman ito at tumingala na ako.



"Pahiram na lang nang library card mo at pakisulatan tong log book" pagkakuha ko sa libro at inabot ang log book sa kanya




"Siya nga pala..uhh clint? Tama ba? yun kasi nakalagay sa name tag mo"




"Ahh oo. bakit miss?"



"May napulot nga pala ako kanina dun sa table no.5. May nakaiwan siguro neto, mas mabuti sana kung dito ko na lang ibigay para madaling mahanap nung may-ari" sabi niya at may inabot na parang lalagyan ng salamin




"Sige ako nang bahala dito. Babalik naman siguro yung nakaiwan neto agad. Salamat na din Miss."




"Sige po walang anuman. Sana mahanap na yan nung nakaiwan, baka kailanganin niya kasi agad yan"



"Oo nga sana." sabi ko at nagpaalam na din yung babae at umalis na




Medyo inusisa ko yung lalagyan nang salamin at pati na rin yung laman neto. Mukha siyang reading glasses. Siguro naman babalikan to agad nung may-ari kasi mahirap magbasa kung wala eto.




At nilagay ko na lang ito sa loob nang drawer para hindi mawala ulit kaysa ipatong ko lang dito sa tabi nang computer.



Matatapos ko na halos lahat nang kailangan kong itype at tignan. Kaso naalala ko wala pa ding bumabalik para kunin itong salamin, tapos na yung shift ko at hindi alam nang papalit sakin na may nakaiwan nang salamin dito, at baka pag binuksan niya yung drawer, pag interesan pa at gamitin na lang. Balita ko pa naman na malabo yung mata nung susunod sakin sa shift kaya hindi imposible tong iniisip ko, kahit medyo masama ako tignan na nagpaparatang na lang. Eh anong gagawin ko, kawawa naman yung may-ari neto.




Nalilito ako kung iuuwi ko o iiwan ko na lang dun? Mukha namang safe siya dun sa drawer kasi bihira naman atang buksan yun? Ata? Haynako bakit ko ba pinaglalaanan ng oras yung bagay na yun. Wala naman akong pake sa mga ganyan sa totoo lang. pero...




"Haynako hayaan ko na nga lang yun. Tinago ko naman siya nang maayos." bulong ko sa sarili ko at tumayo na para umalis at pumunta sa susunod kong trabaho




"Ahhhh alam ko na!" napatigil ako bago makalabas nang library dahil may maganda akong ideya at bumalik na sa librarian's desk at kumuha nang sticky note at ballpen.




"May nakaiwan neto sa table no.5, hindi pa binabalikan nung may-ari."
-clint



--

Matapos kong idikit yung note dun sa lalagyan nang salamin, umalis na ako nang school premises at nag-abang na nang jeep papuntang blue magic. Nang may nakita na akong papara na jeep may napaka importanteng bagay akong naalala..




..Naalala ko na may dapat pala akong hiraming libro para sa darating naming midterm exam. Kailangan na kailangan ko yun kasi major subject yun at terror yung prof namin kaya kailangan ko talagang makapasa dahil na rin sa scholarship ko.




Dali dali akong tumakbo pabalik nang school at library nang may makabunggo akong babae na nakayuko na parang may hinahanap sa labas nang pintuan netong silid aklatan.



"Aw sorry miss. Nagmamadali ako" sabi ko at narinig ko siyang nag "tsk" at tumingala ito at tinignan ako nang masama




Lagot, wrong timing talaga na makabunggo ko tong babaeng to ngayon.



"Uhhh-ehh si-sige mauuna na ako" Bago niya pa ako pagsalitaan nang masama, umalis na ako sa harapan niya. Dali-dali na akong pumunta sa book shelf at kinuha ang librong dapat kong hiramin at pumunta na sa library desk at pumirma sa log book at pinainput ang library card # ko sa bagong nagshishift doon.



At palabas na sana ako kaagad, nang mapansin kong andun pa rin si Chesqa sa may gilid nang pinto nang library at naghahanap pa rin ata nang kung ano, At lumipat naman siya sa mga lamesa at tinignan ang bawat sulok neto.




Hindi ko nanaman alam kung anong nag-udyok sakin para lapitan siya at tanungin



"Anong problema? may hinahanap ka ba?" sabi ko at tumingala siya sakin at napatigil sa ginagawa niya at nagsalita



"It's none of your business!" aba teka, nagmamagandang loob na ako dito ah



"Tsk. I'm just trying to help you! pwede bang tsaka mo na pairalin yang kasungitan at pride mo at sabihin mo na lang sakin kung ano yang hinahanap mo. pwede ba miss TOP STUDENT?!" sagot ko sakanya at napayuko naman siya at parang may binulong




"Ha? anong sabi mo? Hindi kita naririnig miss TOP STUDENT!" patukod kong luhod sa harap niya at paaktong nilapit ang tenga at kamay ko para sabihin niya sa tenga ko mismo yung sinabi niya




"Yu-yung..re-reading glasses ko kasi.. na..iwan ko dito.." Mahina niyang sabi at medyo palihim naman akong natawa ng onti kasi parang hirap na hirap siyang humingi nang tulong sa iba at magkaron nang utang na loob sa itsura ng mukha niya ngayon hahaha Nag-uumapaw talaga ang pride nang babaeng to.




Tumayo na ako at inalok na din siyang tumayo kasi may ideya na ako kung nasaan yung hinahanap niya.




"I can stand on my own.." Kaso ayun mataray pa rin talaga, iwinaksi niya yung kamay kong nag-aalok sa kanya para makatayo at tumayo na lang mag-isa.



"So do you know where it is?!" sabay sabi niya sa akin at tinaasan nanaman ako nang kilay. Grabe ah, tutulungan ko na siya at lahat, sinusungitan pa rin ako. Sayang ganda mo top student, hay nako.



Kung marunong ka lang siguro ngumiti, pinagkaguluhan ka na ng sambayanang kalalakihan. Hays *sabay hingang malalim ko* at kinausap na si sungit




"Tara, sundan moko" pagyayaya ko sa kanya pero nung lumingon ako hindi niya pala ako sinusundan at tinitignan lang akong naglalakad palayo




"Ano? hindi ka ba susunod? Alangan ako pa mag abot sayo nun MISS TOP STUDENT. Remember that i'm only helping you because it's my duty AS a librarian. So wag ka mag-alala hindi ko kailangan nang utang na loob mo"



"Tsk. FINE!" sabi niya at lumapit na rin sa kinatatayuan ako.



Pumunta kami sa librarian's desk at kinausap yung pumalit sakin sa shift



"Dom"



"Uy Clint, napabalik ka? may kailangan ka pa ba?"



"Makikisuyo naman nung salamin na nasa loob nang drawer doon sa ilalim nung PC 2. Busy ka ba?"



"Ahh oo tol eh, sensya na.Ikaw na lang kumuha, eto susi oh" pagkaabot niya sakin nung susi sa drawer at pumasok na lang ako sa loob.Binuksan ko na yung drawer at kinuha na yung lalagyan na may lamang salamin nang marinig ko si dom at chesqa na nagsalita..




"What's the problem miss? Need something?" patanong ni Dom



"I-i'm with that maggot!" sagot naman ni chesqa sungit at tinuro ako



"Maggot?" patakang sagot ni Dom at tinignan ang dereksyong tinuro ni chesqa


Medyo natawa naman ang mokong



"Ahhhhh. that maggot HAHAHA i see" sinabi niya habang nakaharap pa rin sakin, loko ka dom. At tinataasan ako nang kilay habang nakangisi at pasulyap sulyap kay chesqa. Anong inisiip neto -_-



Inexis ko naman ang dalawang daliri ko bilang pagsasabi nang "mali yang iniisip mo" at natawa naman siya sa at napailing na lang at humarap na ulit sa tapat nang computer




Napakamot na lang ako sa batok at nilock na ulit yung drawer at tinanggal na yung sticky note at tinapon. Baka makita pa ni chesqa sungit to, mag inarte pa na nainfect ko yung salamin niya. Paniguradong ganun nga ang mangyayare, sa sungit ba naman nang babeng to, hay nako




"Salamat Dom. eto oh" pagbalik ko kay Dom nung susi at nagsalita naman ito




"Wala ka bang pasok ngayon tol? Anong oras na ah" nabigla naman ako sa sinabi niya at napatingin na lang ako sa orasan ko agad agad.



"Anak ng!! malalate na ako!" taranta kong sabi at inabot na lang agad kay chesqa sungit yung mamahalin niyang salamin. Matalino nga burara naman, nako lang.



"U-hhh th..ank--" hindi ko na natapos yung sasabihin ni chesqa sungit kasi nagmamadali na talaga ako At patakbo na akong lumabas nang library



"HAHAHAHA ingat tol!" rinig kong sabi ni Dom.




Ang kaso lang may nagtigil sa sarili ko habang natakbo at sa hindi maipaliwanag na dahilan nilingon ko si Chesqa sa kinatatayuan niya,at nginitian ko siya at winagayway ang kamay ko bilang pagpapaalam, May problema ata tong katawan ko ngayon, Bigla bigla na lang nakilos mag-isa.. At nabigla ako..

ngumiti siya pabalik

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ngumiti siya pabalik..



Tumalikod na ako kaagad at napangiti na lang


"Kung ganyan ka ba naman lagi.. :)" bulong ko sa sarili ko at sumakay na agad sa dumating na jeep


••••••

CTO for the animation

Persona  (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon