Chapter 4: The Cussing Warfreak

46 6 11
                                    

*wew* hingang malalim ko na lang dahil sa sobrang kapagodan. Salamat naman at medyo may oras pa ako para makapagpahinga saglit habang nasa biyahe.


Nakasakay na ako sa jeep ngayon papunta sa huli kong trabaho, sa wakas! last na to. Nagpalit na rin ako nang uniporme kong polo shirt kanina dun sa CR ng Star City kasi puro pawis ko na yun simula nung unang trabaho ko. Dagdag pa yung pawis na nalabas ko pagkatapos ko pumasok dun sa napakadilim na HAUNTED HOUSE na yun. bwiset talaga, nanlumo ako dun ng sobra. Buti na lang medyo nakakabalik ng enerhiya tong kending bigay sakin nung bata este isip bata sa Mall kanina. Medyo may natitira pa naman akong lakas para sa huling trabahong to, kaso sana kayanin ko pa umuwi.


Sana payagan ako nung boss namin na umuwi nang maaga, kasi parang kailangan ko na talaga ng pahinga. Baka kasi hindi kayanin ng katawan ko ang paggising ng maaga bukas at magtrabaho ulit buong araw. Alam kong may limitasyon din tong katawan ko kahit papaano kaya mas mabuting nakakapagpahinga ako kaagad at nakakatulog kahit limang oras lang.


Hindi ko talaga balak umabsent kahit isang beses kasi napaka importante sakin nang sweldong nakukuha ko sa apat na trabahong to. Alam kong hindi na ako kasing lusog ng dati pero binabawi ko naman lahat ng tulog ko kapag weekends na.

Syempre hindi naman pwedeng balewalain ko na yung kalusugan ko nang basta basta. Alam ko naman ang sobra at saktong pagtatrabaho, binabalanse ko ang lahat nang bagay kaya kasama na din dun ang pag-aalaga ko sa sarili ko kahit kapos man ako sa panahon. Para lang talaga sa pamilya at kinabukasan ko, namin itong sakripisyo ko.


Kinain na naman ako nang sarili ko kakaisip nang kung ano ano at iniwan na naman ang realidad nang marinig ko ang order nang isang customer na nakaupo na ngayon dito sa bar table.


"a pitcher of land shark pls.." sabi nung customer na mukhang broken hearted at nanlulumo


madami akong napapansing iba't ibang klase ng tao sa bar na ito, para lang uminom at makalimot nang problema nila. Sabi kasi na mas madali daw silang makakalimot kapag uminom sila nang alak , pero hindi ako naniniwala dun. Kasi sa dami nang pinagdaanan ko, hindi ko pa nasubukang uminom noon at hindi talaga ito magandang solusyon sa lahat ng bagay. Maaaring makalimutan nila ngayon yan pero pagkagising naman nila andun pa rin yung problema, mas mabuting gawan nila nang paraan ito kaysa yung dinadaanan nila sa pag-inom. Pero opinyon ko lang naman yan, may iba't ibang pananaw naman din sila tungkol diyan.


Minsan nga may nagkakagulo sa loob ng bar na to dahil lang sa hindi pagkakaunawaan ng mga taong lasing. Pasalamat na lang ako dahil nasa likod lang ako nang bar table na to, malayo sa gulo pero malapit naman sa mga taong nakikipag away sa telopono, nagmumura at puro drama na umoorder nang alak.


At gaya nga nang kakasabi ko lang, may bagong naupo dito sa bar table


"give me a jagermeister douchebag!" sabi nung babaeng sobrang gulo ng buhok. Hindi ko tuloy makita yung mukha niya kasi maliban sa gulo nang buhok niya madilim din dito sa bar. May ilaw man, dim light lang.

Napagsalitaan nanaman ako ng masama ng isang customer. Hindi ko na lang sila iniintindi kasi normal na yun dito sabi nung mga katrabaho ko at nang boss ko. Kaya minsan pag may naghahamon samin, pinapabayaan na lang namin at dinadaan sa libreng inumin at masinsinang usapan. Pero minsan hindi talaga naepekto yun kaya yung mga bouncer na ang bahala dun.


"F*ck, where's the ice dumb*ss?!" biglang sabi nung babaeng tumawag sakin nang douchebag pagkatapos ko iabot yung order niya. Hindi pa lasing to ah, bakit puro mura na yung bukang bibig niya? problema netong babaeng to? At binigyan ko na lang siya ng ice at tinungga niya naman yung alak niya agad. Sana yung yelo gamitin niya din aa init nang ulo niya



Persona  (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon