Chapter 1
Ingrid's POV
"YAYA, naihanda mo na ba lahat?" bulong ko sa Yaya Adel ko. Tumango siya. "Good."
Kinuha ko lahat ng pera ko sa envelop at nilagay sa pouch bag ko.
Kanina lang, w-in-ithdraw ko ang lahat ng pera ko sa bangko. Pati ang mga mamahalin kong alahas ay ipinagbili ko sa mga kaibigan ko. Kailangan ko ng maraming-maraming pera para sa pagtakas ko.
Oo, tatakas ako. Pero hindi ako preso. Bakit preso lang ba may karapatang tumakas? Kailangan ko kasing maisalba ang sariling happiness ko.
Ipapakasal kasi nila ako sa lalaking 'diko naman mahal at bukas na ang kasal namin. Ang hirap kasi talaga kapag mayaman ang magulang mo, gusto nila sila yung nasusunod. Hindi nila magawang I-consider ang feelings ko.
"Hija huwag ka lang 'papahuli mamaya, ha? Aalis na rin ako dito. Wala na kasi akong rason para manatili pa. At saka, baka magalit ang senyor kapag nalaman niya na tinulungan kitang tumakas."
"Sige, Yaya." Nakangiti kong sabi sa kanya. Si Yaya Adel ko na halos nagpalaki sa akin simula yata nang ipinanganak ako. My parents don't have time to baby sit their only daughter.
They always tell me na lahat ng ginagawa nila is for my own good. But they don't realize na naghahanap din ako ng kalinga ng magulang at hindi ng katulong.
Kasalukuyang binabasa ko ang mapa ng pupuntahan kong lugar. Na-search ko lang ito sa internet. Nakalagay kasi doon, "Want to go to the secret City?"
Siyempre na-curios ako kaya I-d-in-ownload ko.
Nasa kalagitnaan na ako ng liblib na lugar nang mawalan ng signal ang GPS ng kotse ko.
"Oh, shit!" I cussed.
Ang dilim. Tanging ang headlight lang ng kotse ko ang nagbibigay ng ilaw para makita ko ang daan. Binaybay ko pa din ang daan kahit bako bako na. Dapat kasi umaga ako nagpunta. Parang gusto ko na tuloy bumalik sa mansiyon.
Hay, kaya mo 'to, Ingrid. You are a strong independent young lady.
Napangiwi ako sa "independent" thing. Just like girls who grew up with a gold spoon in their mouth, hindi ko masasabing isa akong independent na babae. Halos lahat inaasa ko na sa yaya ko. Which is not good lalo na naglayas ako.
Huminto ako sa intersection. Left or right??
Tiningnan ko ang aking mapa. Hala! Bakit isa lang daan dito? Baka mali itong mapa ko. Dapat talaga hindi nagtitiwala sa internet!
Woman's instinct! Tama. Woman's instinct ang paganahin.
"Okay, left!"
Kumaliwa ako. Medyo madilim ang daan pero okay lang. Hindi rin nagtagal may mga bahay-bahay na akong nakita.
Sobra akong namangha sa ganda ng lugar. Ang gaganda ng mga bahay. May nadaanan din akong Plaza, malls, Park, at mga matataas na building. Masayang nagkukwentuhan ang mga tao. May nadaanan din akong School. And wait, papasok pa lang ang mga studyante? Night class ba ito?
Huminto ako sa isang hotel. Pagbaba ko pa lang ramdam ko na ang malamig na klima ng lugar. Magarbo ang hotel, marami ring lights that made the place more attractive.
Binati ako ng receptionist nang maka-punta akong front desk. Nag check-in ako at nag fill-up sa registration form. Heto na talaga ito. Dito na magsisimula ang bago kong buhay, without the help of my parents.
Ibinigay sa akin ng front desk officer ang susi and gave me my room number. Magpapahinga muna siguro ako bago ko libutin ang lugar.
Nagising ako dahil sa malamig na hangin na dumampi sa pisngi ko. Umaga na pala. Hinawi ko ang kurtina sa bintana. Natatanaw ko ang plaza na nadaanan ko kagabi. Weird thing was, parang isolated ang area. Hindi kagaya kagabi na parang may party.
Dahil gutom na ako naisipan kong tumawag ng room service. Kinuha ko ang phone at dinial ang 1-0-0 for room service. Ilang beses akong nag-dial pero walang sumasagot.
Ano ba iyan? Maganda nga ang hotel, ang pangit naman ang service! Nahiga na lang ulit ako sa kama.
Boring. Bumalik na lang kaya ako sa amin? Napabalikwas ako dahil sa naisip ko. NO!
Ngayon ang kasal ko at sigurado ako na hinahanap na nila ako. Speaking of, bumangon ako at kinuha ang phone ko sa maleta.
"Whoa!"
42 message recieved and 98 missed calls?
Lahat galing sa taong mga concerned sa kasal ko. I was like, duh! Simula nang ma-engage ako sa autisthic kong fiancé hindi na nila ako tinigilan about sa wedding preparations.
Pinagbigyan ko lang silang ma-engage ako sa lalaking iyon. But to marry him? No! Ayoko pang matali sa edad na disiotso! At lalo na sa taong hindi ko naman mahal.
Bandang ten AM, maligo at nagbihis ako. Maghahanap ako ng boarding house at puwedeng mapasukan na trabaho para makapag-aral ulit ako.
Paglabas ko ng kuwarto, super clear ng hallway. Ang weird. Dumeretso ako sa elevator at bumaba sa lobby. Maliwanag dito at pero kaunting tao lang ang nakikita ko.. Kadalasan ay employees.
Nasa may front desk na ako nang tinawag ako ng babae kagabi.
"Good morning, Ma'am. Lalabas po kayo?" nagtatakang tanong niya.
"Uhh, yeah. Boring sa kuwarto, eh," sabi ko lang.
Ngumiti naman siya.
"Well I suggest that you wear this, Ma'am." Iniabot niya sa akin ang Rayban na shades. Sosyal, ah.
"Cool. Thanks!"
Lumabas na ako ng hotel at may mga tao na rin naman pala sa labas. Naka-shades din kagaya ng suot ko.
Naisip ko lang, siguro mga elite at mayayaman ang nakatira dito. Kasi kung titignan mo ang mga tao, napakasopistikada nila at halatang nasa high class community.
Gusto ko sana magkotse kaso masyadong maganda ang lugar, gusto ko itong libutin. Nakita ko ulit ang school na nadaanan ko kagabi. Puwede kaya ako mag enroll doon? May mga studyante na ring pumapasok pero balot ang katawan nila.
Pumasok kaya ako doon para makapag-inquire? Sana lang may course sila ng katulad sa akin. Pero hind pa ako nakakarating sa entrance, hinarang na ako ng guard.
"No uniform, no entry. No ID, no entry," Sabi ng baritonong boses sa akin.
"Mag-I-inquire lang po ako. Open pa po ba kayo sa mga transferee student?" nakangiti tanong ko.
"Gano'n ba? Mamaya pang gabi ang office hours. Bumalik ka na lang," sabi niya.
Nabigla naman ako sa sinabi ni manong guard. Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya o pinagti-tripan lang ako.
Office hours, sa gabi?
BINABASA MO ANG
Vampire City: Not Your Ordinary Vampire Story
Vampire[Vampire City Series #1] Ingrid Sy belongs to a very wealthy family. When her father forced her to marry the man she doesn't love, escape is the only thing that came to her mind. Out of curiosity, she went to a city. A city where no one can...