Chapter 43 - The Island

99.4K 2.5K 134
                                    

Chapter 43

Ingrid's POV

SOBRA-SOBRANG pakikiusap ang ginawa sa akin ni Manager makasama lang ako sa isla na pupuntahan nila. Matagal bago niya ako nakumbinsi pero ano'ng ginagawa ko ngayon dito at masayang nakikipag-usap kay Kio, isa rin na model. Siya ang kinakausap ko sa kanila since siya ang magaling mag-english sa grupo. Hindi ko naman makausap si Hariko dahil naiinis pa rin ako sa kanya. Palaging may awkward feeling kapag malapit siya sa akin. Pasalamat na lang ako at walang issue na kumakalat sa scene kahapon.

Si Sai at Hariko ay nag-iihaw ng isda samantalang si manager ay kumukuha ng picture sa dagat. Kami naman ni Kio ay naglalakad-lakad. Itong Isla pala ay pag-aari ng kaibigan ni manager. Private island daw 'to kaya walang ibang tao maliban sa care-taker.

Nagpaturo rin sa akin ng ilang Filipino words si Kio. Hindi raw kasi siya tinuturuan ni Hariko. Madalas, kapag galit lamang daw ito magsalita ng Filipino. Kahit nangangawit na ang leeg ko ay okay lang. Sa kanilang tatlo, si Kio ang sobrang tangkad. Medyo maliit lang ang katawan at may boy-next-door-vibe. Si Sai naman ang medyo hunk. Parang laging puputok ang suot dahil sa muscles niya. Si Hariko, well—nevermind. Guwapo siya pero ang sama ng ugali niya.

"식사 시간" (Ya! Eoseo Deuseyo!) Malakas na sigaw ni Hariko. He sounded like shouting on us angrily. Or imagination ko na naman 'yon.

"What did he say?" I asked Kio.

"He said we have to eat. Maybe lunch is ready," he said, I nodded. Alam ko naman na hindi 'yon ang eksaktong sinabi ni Hariko. But never mind, gutom na rin ako. Pumasok na kami sa Villa at nandoon sa balkonahe nakahanda ang maraming seafoods.

"우와 "(u-wa) Kio exclaimed. I bet he says wow. 'Yon ang nababasa ko sa expression niya, eh.

"Let's eat, Noona," Sai said to me. I just slightly bow my head.

Lahat kami nagkamay lang. Napansin kong may bandaid ang kamay ni Hariko. Siya kasi ang nagprepare ng pagkain kanina at tinulungan lang siya ni Sai magluto. Magaling kaya siya kusina? Naalala ko tuloy noong nasa vampire city pa ako, hindi kumakain si Hansel kaya hindi rin siya marunong magluto.

After ng lunch ay naligo kami sa dagat. Pakiramdam ko nasa paraiso ako dahil sa sobrang ganda ng lugar. Mabuti na lang at hindi nila naisipan na mag topless. Nakakahiya naman sa akin, 'di ba. Sumakay pa kaming jetski at nagpaunahan.

It was already dark nang gumawa kaming bonfire. Tinulungan ko si Kio at Hariko na kumuha ng mga nahulog na sanga sa paligid. Napansin kong parang gusto akong kausapin ni Hariko pero agad akong umiiwas. Nagtago ako sa gilid ng puno at sumandal sa kahoy.

"Why are you avoiding me?"

"Ay kabayo!" napatalon ako sa kinatatayuan ko at nahulog ko ang mga sanga na hawak-hawak ko. "Bakit ka ba nanggugulat?!" singhal ko sa kanya.

"You know you can't avoid me, right? We are in this little island with less that ten population." He said. Kahit medyo madilim at tanging buwan lang ang nagbibigay ng ilaw sa amin, ay kita ko ang guwapo niyang mukha. Namumula ang kanyang mukha dahil sa pagbibilad namin kanina at medyo naging tan ang kulay niya.

"I'm not avoiding you," I lied. "I just don't want to talk to you," I said. Pinulot ko ang mga sanga at tinulungan naman niya ako.

"Is it about the kiss? Well, sorry. But I'm not sorry that I kissed you," he said bluntly.

Halos mapasinghap ako sa sinabi niya. Wow, ah. Kahit naman tumira ako sa America nang limang taon, hindi ako liberated na okay lang na mahalikan ng mga random na tao. At lalong hindi sa akin okay na halikan ako nang lalaki na hindi ko naman boyfriend!

Vampire City: Not Your Ordinary Vampire StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon