Chapter 24 - Dancing in the Rain

151K 3.2K 201
                                    

Chapter 24

Ingrid's POV

"HANSEL, where are we going?" I asked Hansel. Nasa kotse kasi kami at nagda-drive siya. Hindi naman niya sinabi kung saan kami pupunta.

"Basta,"

"Saan nga kasi? Alam mong mas kukulitin lang kita," Sabi ko pa.

"Hindi na 'yon surprise kapag sinabi ko sa'yo," He said while his eyes fixed in the road.

"Fine!" Umayos ako sa pagkakaupo ko tsaka binaling na lang ang tingin sa daan.

Nakaka-miss magdrive ng car. Kumusta na kaya 'yong kotse ko? Ano kaya kung tumakas ulit kami ni Erina papunta sa mundo namin tapos ako magda-drive.

Sinandal ko muna 'yong ulo ko sa bintana no'ng kotse. Hindi ko kasi alam kung saan ako dadalhin ni Hansel, eh.

Naalimpungatan ako nang may yumugyog sa akin.

"Ingrid, we're here. Gising na," Dinilata ko mata ko at natagpuan ko na naka-park ang kotse sa lilim ng isang malaking kahoy. Inilibot ko ang pangingin ko at nasa isang malawak na rice field kami at sa gilid ng daanan may isang maliit na kubo na napapaligiran ng bulaklak at puno.

"Ang ganda!" I mutter to myself. Umibis ako sa kotse at tinignan ang kalawakan. Grabe lang talaga. Mabuti na lang at pababa na ang araw kaya hindi na kailangan magsuot ng shades ni Hansel.

"Saan ba 'to? Ang ganda naman dito," hindi ko mapigilang hindi humanga.

"Dito sa lugar na 'to nagpropose si Daddy kay Mommy,"

"Talaga? Wow!" Speachless ako sa lugar na 'to. Eh, kasi naman, ang gandang combination ng green rice field and orangey sunset.

"I'm glad na nagustuhan mo," Sabi niyang nakangiti.

"Bakit mo nga pala 'ko dinala dito?" Tanong ko.

"Noon ko pa talaga 'to planong puntahan sana natin and I thought, why not visit it now," sabi niya.

Nilapitan ko 'yong kubo. Napapaligiran siya ng daisies at tulips. Gustong-gusto ko talaga 'yong ganito. Para sa isang katulad ko na lumaking kinagisnan ang mga matataas na buildings ay sobrang ma-appreciate ang ganda ng lugar na 'to.

"Kahit ganitong bahay lang, kung ganito kaganda ang paligid mo okay na ako," Sabi ko sa kanya.

"Let's go inside," Tumango naman ako.

Kinatok niya ng mahina 'yong gilid ng pinto saka nagsarili itong nagbukas.

"Automated ang kubo," Paliwanag niya. Sosyal naman na kubo 'to.

Sobra akong namangha nang makapasok kami sa loob. Maliit siyang tingnan sa labas pero napaka spacious sa loob. Akala ko nga mga kahoy ang kagamitan sa loob pero wala siyang pinagkaiba sa penthouse ni Hansel. Medyo dim lang ang ilaw. May mga vases, paintings, and appliances.

"Not your ordinary kubo, ha," sabi kong natatawa.

"Yeah. Halika, may ipapakita ako sa'yo," Hinila niya ko papunta sa kung saan. Isang maliit na pinto pababa sa kubo. Parang basement. Nang buksan ni Hansel ang ilaw ay isang white spacious room ang tumambad sa amin.

"What's this?" Wala kasing laman ang kuwarto.

"Close your eyes," Sabi niya. Sumunod naman ako at pinikit ang mata.

"Now open it," dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Medyo mahina ang pagprocess ng utak ko kaya hindi ko agad napansin kung ano ang nasa harapan ko.

Vampire City: Not Your Ordinary Vampire StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon